Karla Estrada Ibinunyag Na Pumayag Si Kathryn Na Muli Silang Magkaayos Ni Daniel Padilla

Biyernes, Marso 1, 2024

/ by Lovely


 Muling naging laman ng mga usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang patungkol sa pagbabalikan ng dating celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Ayon sa mga usap-usapan, mismong si Karla Estrada, ina ni Daniel Padilla ang pagpayag umano ni Kathryn Bernardo na makipag-usap sa kanyang anak upang ayusin ang kanilang relasyon.


May mga kumakalat ngayong mga larawan kung saan kasama ng buong pamilya ni Kathryn Bernardo si Daniel Padilla, dahil dito lalong umingay ang mga haka-haka na tila inaayos na nilang dalawa ang kanilang relasyon.


Ipinunto pa ng ilang mga netizens na kung wala namang balak si Kathryn Bernardo na makipagbalikan at makipag-ayos kay Daniel Padilla ay hindi naman ito papayag na pupunta sa kanilang pagtitipon ang aktor lalo na ngayong naghiwalay na silang dalawa.


Sa kabilang banda, marami naman ang napapataas ang kilay sa ginawang desisyon na ito ni Kathryn Bernardo at sa pakikipag-ugnayan niyang muli sa kanyang dating boyfriend na si Daniel Padilla.


Hindi na umano dapat pang pag-aksayahan ng oras ni Kathryn Bernardo ang mga manloloko na katulad ni Daniel Padilla.


Samantala, marami naman ang hindi naniniwala sa nakasama ng pamilya ngayon ni Kathryn Bernardo si Daniel Padilla dahil nauna nang iginiit noon ni Kathryn Bernardo na wala siyang balak na balikan si Daniel Padilla.


Marami rin ang nakapansin sa kasiyahan ngayon ni Kathryn Bernardo, ngayong wala na umanong kumukontrol sa kanya at nagagawa na niya ang anumang gustuhin. 


Imposible na rin umano ang balikan pa ni Kathryn Bernardo si Daniel Padilla dahil lalabas na pineke nila ang kanilang paghihiwalay upang mapag-usapan ang kanilang mga pangalan sa muling pagpirma sa Star Magic.


Sa ngayon marami sa mga fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang naghihintay sa kanilang opisyal na pahayag kung saan lilinawin na umano ng dalawa ang mga isyu lalo na ang patungkol sa totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo