Catriona Gray, Sam Milby Ay Nakitang Magkasama Sa Isang Event, Hindi Naghiwalay

Martes, Pebrero 27, 2024

/ by Lovely


 Matapos maging laman ng mga usap-usapan sa social media ang patungkol sa hiwalayan ng engaged couple na sina Catriona Gray at Sam Milby, namataan ang dalawa na magkasama sa iisang event.


Naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang hiwalayan nina Catriona Gray at Sam Milby matapos itong isiwalat ng kilalang showbiz insider na si Ogie Diaz sa isang episode ng kanyang showbiz oriented vlog na Ogie Diaz Showbiz Updates.


Ayon kay Ogie Diaz may mga sources siyang nagsasabing matagal na umanong naghiwalay sina Catriona Gray at Sam Milby subalit hindi na umano nila ito ipinapaalam sa publiko.


Ayon umano sa sources ni Ogie Diaz na noong nagdiwang ang beauty queen ng kanyang ika-30 na kaarawan ay hiwalay na sila ni Sam Milby subalit nanatili naman ang kanilang pagiging malapit na magkaibigan.


Dagdag pa ng mga sources ni Ogie Diaz, napagtanto umano ni Sam Milby na hindi pa siya handang magkasal kay Catriona Gray matapos ang proposal niya noong February nang nakaraang taon.


Iginiit naman ni Ogie Diaz na kahit mapagkakatiwalaan niya ang nasabing mga sources ay hindi pa rin umano niya ito maaring kumpirmahin hangga't hindi ang dalawa mismo ang magsasalita.


Samantala, ikinatuwa naman ng mga fans nina Catriona Gray at Sam Milby nang mamataan ang dalawa na magkasama sa iisang event, sa gitna ng mga haka-hakang naghiwalay na rin silang dalawa kagaya ng iba pang mga showbiz couples.


Ilang oras matapos ang pag-uupload ni Ogie Diaz sa kanyang vlog kung saan natalakay niya ang posibilida ng hiwalayan ng dalawa, nagbahagi naman ng post ang kaibigan nina Catriona Gray at Sam Milby na si Isabel Oli ng larawan nilang magkasama sa iisang event.


Magkasama ang mga ito at masayang nakangiti sa kamera at tila maayos naman ang kanilang relasyon.


Samantala, marami naman ang napakomento na wala umanong katuturan ang mga ibinabalita ni Ogie Diaz, hindi umano porke't naka tsamba siya sa hiwalayan ng KathNiel ay totoo na ring naghiwalay sina Catriona Gray at Sam Milby.


Unang lumabas ang mga haka-hakang naghiwalay na sina Catriona Gray at Sam Milby nang makita ng ilang mga netizens na hindi na sinusuot ni Catriona Gray ang engagement ring niya na ibinigay ni Sam Milby.


Sa kabilang banda, patuloy namang nanahimik sina Catriona Gray at Sam Milby patungkol sa usaping ito. Hindi pa sila nagbibigay ng pahayag kung may katotohanan ba o wala ang nasabing isyu.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo