Full Story Sa Likod Ng Lumang Video Ni Robin Padilla at Regine Velasquez Nashinare Ni Mariel Padilla

Huwebes, Pebrero 29, 2024

/ by Lovely


 Mabilis na nagtrending nitong araw ng huwebes February 29, 2024 ang lumang video nina Robin Padilla at Regine Velasquez kung saan makikita silang nagtukaan sila on national TV matapos udyukan ng mga audience.


Dahil sa videong ito, bumalik sa alaala ng mga netizens ang mga kaganapan noong mga panahon na iyon. Ang lalong ikinagulat pa ng mga netizen na ang mismong misis ni Robin Padilla na si Mariel Rodriguez ang nagbahagi sa nasabing video.


Marami ang napapatanong kung ano nga ba ang totoong nararamdaman ni Mariel Rodriguez sa muling paglutang ng nasabing video.


Hindi inakala ng maraming mga netizens na mismong si Mariel Rodriguez pa ang magbahagi ng pinaglumaang video nina Robin Padilla at Regine Velasquez kung saan may ginawa  sila ka-sweetan sa harap ng audience.


Nirepost rin naman ito ng mismong si Robin Padilla sa kayang Facebook page.


Sa pagbabahagi ni Mariel Padilla sa lumang video nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez, tila ipinapahayag niya na wala siyang pakialam at hindi na isyu sa kanya ang nakaraan ng kanyang mister na Robin Padilla.


Subalit, hindi ito naaiwas sa mga mapanghusgang mata ng ilang mga netizens sa paningin ng iba, tila damage control ang ginagawa ni Mariel Rodriguez sa mga natatanggap niyang pambabatikos dahil sa ginawa niyang pagpapadrip sa loob ng senado.


Hinala ng mga netizens na nais lamang ni Mariel na matabunan sa pagpapa-viral sa videong ito ang isyu ng pagpapadrip niya sa loob ng opisina ni Robin Padilla sa senado.


Iginiit rin ng marami na hindi naman ito patas sa mag-asawang sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid na nanahimik na ngayon na kinaladkad pa nila sa kanilang isyu.


Matatandaan na nagkasama sa dalawang pelikula sina Robin Padilla at Regine Velasquez, ang naging blockbuster na na Ang Kailangan Ko'y Ikaw noong 2000 at Till I Met You noong 2006.


Inamin rin noon ni Regine Velasquez sa isang panayam kay Boy Abunda na sa lahat ng mga naging leading man niya sa mga pelikula ay si Robin Padilla ang pinakapinagseselosan ng kanyang mister na si Ogie Alcasid.


Ayon pa kay Regine noong ginagawa nila ni Robin Padilla ang pelikulang Till I Met You noong 2006 ay landian sila ng landian ni Robin Padilla subalit noong mga panahong iyon ay may relasyon na umano sila ni Ogie Alcasid hindi pa lamang nila ina-out sa publiko.


Sa katunayan ay iniiyakan pa umano ni Ogie ang ginawa nilang paglalandian ni Robin Padilla sa TV habang ginagawa nila ang promotion ng kanilang movie. Katulad na lamang noong kissing video nila na ibinahagi ni Mariel ngayon.


Iginiit naman ni Regine na hindi naman naging makatotohanan ang relasyon nila ni Robin Padilla dahil ang kanilang mga landian noon ay hanggang sa promotion lamang talaga. 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo