Kathryn Bernardo Spotted Sa Birthday Party Ni Magui Ford Comeback Na Talaga Ang Kathniel

Huwebes, Pebrero 29, 2024

/ by Lovely


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang patungkol sa mga haka-hakang nakita umano ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo sa simple birthday celebration ng kapatid ni Daniel Padilla na si Magui Padilla.


Muling nagkakagulo ang mga solid KathNiel fans na hanggang ngayon ay umaasa na magkakabalikan sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla matapos ang kanilang hiwalayan.


Naniniwala ang mga KathNiel fans na malapit nang magkabalikan sina Kathryn Bernardo at Padilla, hindi umano ito imposible dahil tila nagkakausap na umano ang dalawa. Hinala ng mga KathNiel fans na inaayos umano nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang relasyon.


Lalo pang lumakas ang mga hinalang ito nang mamataan si Kathryn Bernardo na kasama sa pagdiriwang ng simple birthday celebration ni Magui Padilla. Sa isang larawan namataan si Kathryn Bernardo na nakangiti habang hawak naman ni Magui ang kanyang birthday cake.


Marami sa mga fans ang natutuwa dahil matutuloy na ang naudlot na lovestory ng dalawa at tila gumagawa umano ng paraan ang mga ito para maayos ang anumang hindi nila pinagkakaunawaan noong nagdaang taon.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga fans ni Kathryn Bernardo ang hindi natutuwa sa ginawa ng aktres dahil muli na naman umano itong nagpapauto kay Daniel Padilla. Iginiit pa ng mga ito na hindi naman kailangan ni Kathryn Bernardo ng lalaki sa katayuan nito sa buhay ngayon.


May mga nagsasabi na hindi umano latest ang nasabing larawan dahil napaka-imposible nang makipag-usap pa ni Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla dahil makikita naman umano na napakasaya na ngayon ng aktres na nakalaya na siya kay Daniel Padilla matapos ang ilang taon na pagma-manipulate nito sa kanya habang nasa relasyon pa silang dalawa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo