Sarah Lahbati Inamin Na Hindi Sila Naguusap Ng Kanyang Ex-Husband Na Si Richard Gutierrez

Huwebes, Pebrero 29, 2024

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay hindi pa rin diretsahang inaamin ng actress-model na si Sarah Lahbati ang matagal nang balita patungkol sa hiwalayan nila ng kanyang mister na si Richard Gutierrez, subalit sa isang panayam hayagang isiniwalat ni Sarah Lahbati na hindi na sila nag-uusap ngayon ni Richard Gutierrez.


Hindi man inamin ng dating celebrity couple na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez sa publiko ang kanilang paghihiwalay, masasabing may katotohanan naman talaga ito dahil na rin sa mga naging actions ng magkabilang panig.


Samantala, sa isang panayam kay Sarah Lahbati inamin nito na hindi na sila nag-uusap ngayon ng kanyang estranged husband na si Richard Gutierrez. Hindi na rin umano sila nagsasama sa iisang bahay at maging sa pagpapamalaki sa kanilang dalawang anak na sina Zion at Kai.


Aminado rin si Sarah Lahbati na hindi man magiging madali para sa kanyang dalawang anak ang sitwasyon nila ngayon, iginiit niya na naroon naman siya para sa kanyang mga anak at ginagawa niya ang lahat para maging maayos ang mga ito.


Sa kabila naman umano ng kanilang sitwasyon ngayon, kahit hindi umano ito ang pinapangarap nilang pamilya na ibibigay nila sa kanilang mga anak, sinisiguro naman umano nila ni Richard Gutierrez na magiging mabuti silang magulang para sa kanilang mga anak.


Ipinahayag pa ni Sarah Lahbati na ang kapakanan nina Zion at Kai ang una nilang isinaalang-alang ni Richard Gutierrez sa lahat ng desisyon na gagawin nila.


Ayon pa kay Sarah Lahbati, alam niya hindi ideal para sa kanyang dalawang anak na sina Zion at Kai subalit, ganoon talaga ang buhay at magiging maayos rin umano ang mga ito sa kanilang sitwasyon ngayon.



Paggigiit pa ni Sarah Lahbati, "We're good at parenting and we have, you know, we are there for the kids."


Naitanong rin kay Sarah Lahbati ang patungkol sa mga pambabatikos at mga negatibong komento na natanggap niya mula sa mga netizens kabilang na ang pagiging maluho at waldasera kung saan tinatawag siyang Patron Saint ng mga Waldas.


Ayon kay Sarah hindi na lamang niya pinapansin ang mga ito at dinidedma na lamang ang lahat dahil kung iintindihin niya ang lahat ng mga natatanggap niyang pambabatikos ay puputi lamang ang kanyang buhok at hindi na siya magiging masaya.


"Natutuwa ako sa lahat ng mga tumatawag sa akin ng Patron Saint of Waldas, as in natatawa ako."


Halos araw-araw rin umano niyang nababasa ang mga komento ito ng mga netizens para sa kanya kaya naman sinasakyan na lamang niya ito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo