Nakakagulat Naman to! Jericho Rosales at Kristine Hermosa Magsasama Ulit

Biyernes, Marso 1, 2024

/ by Lovely


 Muling naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang nagbabalik showbiz na si Jericho Rosales matapos isiwalat niya na mayroon siyang gustong makasama muli sa pagbabalik niya sa industriya.


Sa pagbabalik showbiz ng batikang aktor na si Jericho Rosales inamin niya na kasama sa kanyang bucket list ang muling makatrabaho ang dati niyang leading lady na si Kristine Hermosa.


Ayon kay Jericho Rosales nais niyang magkaroon ng movie adaptation ng 2000 hit teleserye nila na Pangako Sayo, para kay Jericho Rosales, isa umanong unfinished business ang version nila sa nasabing pelikula.


Ibinunyag rin ni Jericho Rosales na kinausap niya mismo ang manager nila ng aktres upang malaman kung interesado rin ba si Kristine Hermosa na muling makasama siya sa trabaho.


Kung sakali mang matuloy ang movie nila ni Kristine Hermosa, nais umanong ipakita ni Jericho Rosales ang nangyari sa kanilang karakter makalipas ang mahigit dalawang dekada. Gayunpaman, iginiit ni Jericho Rosales na ayaw niya na gumanap na maging magulang sila sa nasabing palabas.


Matatandaan na kamakailan lamang ay tuluyan nang nakumpirma ang hiwalayan nina Jericho Rosales at Kim Jones makalipas ang ilang taon nilang pagsasama. Kasunod nito inamin naman ni Jericho Rosales na magkakaroon siya ng maraming projects sa mundo ng showbiz, pahiwatig na magiging active na naman siya sa industriya.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga netizens ang nagsasabi na malabo na itong mangyari dahil kamakailan lamang ay inamin ni Kristine Hermosa ang kanyang pagbubuntis sa ikaanim na anak nila ni Oyo Boy Sotto.


Kung sakaling papayag man umano ang aktres ay maaring maganap ang pelikula matapos ang panganganak ng aktres lalo na't ayaw pa naman ni Jericho na gumanap sila bilang mga magulang.


Taong 2015 nang magkaroon ng remake ang teleseryeng Pangako Sayo na pinagbibidahan naman ng dating celebrity couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo