Detalye Sa Hiwalayan Ni Dennis Padilla at Linda Gorton, Marjorie Barretto Damay Nga Ba?

Huwebes, Pebrero 29, 2024

/ by Lovely


 Isa na namang hiwalayan ang pinag-uusapan ngayon sa social media, ito ay ang hiwalayan nina Dennis Padilla at Linda Gorton kung saan dinadamay ang pangalan ng dating asawa ni Dennis Padilla na si Marjorie Barretto.


Kamakailan lamang ay ibinunyag ng comedian-actor na si Dennis Padilla ang hiwalayan nila ng kanyang kinakasama na si Linda Gorton.


Ayon kay Dennis Padilla, sa naging panayam sa kanya sa presscon ng pelikulang Magic Hurts, nauwi sa hiwalayan ang mahigit dalawang dekada na pagsasama nila ni Linda Gorton dahil sa financial problems at misunderstanding. 


Taong 2020 pa umano sila naghiwalay ng kanyang Australian partner at dinala rin umano nito ang kanilang anak sa Sydney.


Ayon pa sa pagsisiwalat ni Dennis Padilla, nagsimula ang relasyon nila ni Linda noong 46 years old siya habang ito nasa 21 years old pa lamang. Kinumbinsi naman umano niya ito na manatili at manirahan na lamang sa Pilipinas kasama siya.


Unang-una ay mayroon naman umano siyang stable na trabaho rito sa Pilipinas at kumikita rin siya ng mas malaki. Paglilinaw pa ni Dennis Padilla na makakakuha naman siya ng trabaho roon subalit hindi umano ito gaano kalaki kung ikukumpara sa kikitain niya rito sa bansa.


Nakapag-decide naman umano si Linda na manatili na lamang sa bansa kasama siya. Sa tinagal ng kanilang pagsasama nabiyayaan sila ng dalawang anak na pinangalanan nilang Kalden at Maddy. 


Subalit, bigla na lamang umano itong umalis sa bansa at hindi na bumalik pa.


Sa kabila naman umano ng kanilang paghihiwalay ay maayos naman ang kanilang co-parenting set-up sa katunyan ay araw-araw naman umano niyang nakaka-usap ang kanyang mga anak sa pamamagitan ng video call.


Inilahad din ni Dennis Padilla na kung sino pa ang naroon sa ibang bansa ay mas madalas pa niyang nakakausap kaysa sa mga anak niya na nandito lamang sa Pilipinas.


Samantala, sa loob ng mahigit tatlong taon ay doon na sa Australia namalagi ang kanyang dating kinakasama kasama ng kanilang anak. Inilalarawan naman ni Dennis Padilla na nagiging mahirap para sa kanya ang pagpapadala ng child support para sa mga ito dahil mas mahal ang dolyar kaysa sa peso.


Gayunpaman, buwan-buwan parin umano niyang nairaraos ito at nakakapagbigay siya para sa mga ito regularly. Kailangan rin umano niya itong gawin dahil nag-aappply na siya ngayon ng Australian Visa para personal na mabisita ang mga anak roon.


Aminado naman si Dennis Padilla na inakala niya na si Linda na ang huling babae na makakasama niya sa kanyang buhay matapos ang failed relationship nila ni Marjorie Barretto.


Sa kabila naman ng pagsisiwalat ni Dennis Padilla ng malungkot na nakaraan nila ng kanyang kinakasama masaya naman niya ikinuwento ang pagbati sa kanya ni Julia Barretto sa kanyang kaarawan. Naluha pa umano siya ng mabasa ang mensahe at masaya siyang nagbukas na rin ang komunikasyon nilang mag-ama.


Sa ngayon ay hiling na lamang ni Dennis na sana ay kausapin na rin siya ng iba pa niyang mga anak sa dating asawa na si Marjorie Barretto.


Aminado naman si Dennis na natuto na siya sa pagkakamali niya sa mga anak niya kay Marjorie Barretto at hindi na umano niya ito gagawin muli sa anak niya kay Linda.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo