Lolit Solis, Nagbigay ng Vission Na Magiging Mrs. Leviste Si Kris Aquino

Walang komento

Biyernes, Hunyo 9, 2023


 Nagbigay ng vission si Manay Lolit Solis kung saan patungo ang relasyon ng Queen of All Media Kris Aquino at Batangas Vice Governor na si Mark Leviste.


Sa kamakailang Instagram post ni Manay Lolit Solis, ipinahayag niya ang kanyang kasiyahan sa pagkakaroon ng baong jowa ni Kris Aquino.


Nakikinita pa umano niya na sa kasalan tutungo ang relasyon ng dalawa. Ipinahayag din ng kolumnista ang kanyang paghanga sa pagiging mapagpasensya ni Mark Leviste.


“Very happy ako na out in the open na ang love nila Kris Aquino at Mark Leviste, Salve. About time na matagpuan na ni Kris Aquino ang love na hinahanap niya. Mabuti na lang at naging pasensiyoso si Mark Leviste. Hinintay niya na maging handa si Kris sa pagtanggap sa kanya. Iyon patience ni Mark ang magiging sandata niya sa relasyon nila ni Kris Aquino."

 

“Alam natin lahat kung minsan may mga moods swing si Kris na dapat mong pagbigyan at unawain. Tiyak na kaya ng tanggapin iyon ni Mark dahil matagal siyang nasa tabi ni Kris. At ang patunay kung hanggang saan ang pagtitiis niya, iyon pagpunta niya sa US para dalawin/ alagaan ito,” pahayag ni Lolit Solis.


Dagdag pa ni Manay Lolit Solis, “Siguro duon natunaw ang puso ni Kris, ang nakitang pagtitiyaga ni Mark Leviste. Naku Salve at Gorgy talagang nakikita ko na magiging Mrs Kris Aquino Leviste siya ni Mark. Sure ako na maiiyak tayo Gorgy at Salve pag natupad ito dahil matagal na natin wish ang happiness ni Kris. Bongga.”


Matatandaan na kamakakailan lamang ay inamin ni Kris Aquino ang tunay na relasyon nila ng politician na si Mark Leviste.



Alden Richards Makakasama Nga Ba Sa Eat Bulaga Ng Tvj Sa Tv5?..

Walang komento

 


Tito Sotto ibinulgar ang tungkol sa loyalty ni Alden Richards sa TVJ, marami kasing mga netizens ang nagtatanong kung sino-sino ang mga makakasama ng TVJ sa bagong show nila sa TV5.


Ang kumpirmado palang kasi ay ang mga nagsikalasang mga kasamahang host ng TVJ sa Eat bulaga na sumama sa kanilang pag kalas sa TAPE incorporated ang siguradong may pwesto na sa bagong show ng TVJ sa TV5.


Kabilang na nga dito ay sina, Paulo, Wally Bayola, Jose Manalo, Ryan Agoncillo, Maine Mendoza, Ryzza Mae Dizon, Allan K at si Pauleen Luna.


Hindi naman kasi pumasok noon si Alden noong araw na nagpaalam ang Dabarkads sa TAPE incorporated, pero makalipas ang ilang araw ay nagpahayag si Alden ng suporta sa TVJ.


At dito nga napag-alaman na willing itong sumama sa TVJ sa TV5 kung maaari.


Samantala, nagpasalamat naman si Tito Sotto sa mga pahayag na narinig niya mula mismo kay Alden Richards.


Dahil sa alam nga umano nila kung gaano ka loyal itong si Alden sa TVJ at sa mga kasamahan nitong Dabarkads.


Ngunit ang pagkakaalam umano niya ay may kontrata si Alden sa GMA 7, kaya naman medyo mahirap daw kay Alden na makasama agad sa kanila sa TV5.


Kaya naman alam daw umano ng TVJ na sa ngayon ay imposible pa itong mangyari, dahil siguradong hindi raw umano papayagan si Alden na iwan ang GMA7.


Gayun paman, ipinakita ni Alden ang kanyang Loyalty sa TVJ at sinabi niyang hindi umano siya kailan man maggeguest sa Eat Bulaga ng TAPE incorporated.


Kahit pa daw irequest umano ito ng mismong boss ng GMA 7 ay hindi raw siya papayag.


Samantala, ayon naman kay Jun Lalin na bagaman sa kalakalan sa industriya na hindi puweding tumanggi sa request o utos ng boss, tulad na lamang ng GMA network ay sa status ngayon ni Alden bilang isang sikat na artista ay mamari na daw itong tumanggi sa utos ng boss o sa request ng GMA7 kung sakali man.


Ayon nga mismo kay Alden na, "To TVJ know na kahit anu pamang mangyari may loyal;ty ang sarili ko is for them regardless."


"I'm always looking back doon sa mga taong nakatulong sa akin ng malaki, I think I have my right to defend that, and thats my stand because malaki po ang utang na loob ko sa kanila."


"And my support for them will go under the end of times, malaki po ang pasasalamat natin sa Eat Bulaga."






Andrea Brillantes Unbothered Sa Isyung Hiwalay Na Sila Ni Ricci Rivero

Walang komento


 Labis na hinangaan ng mga tagasuporta ng aktres na si Andrea Brillantes ang kanyang latest post sa social media sa gitna ng isyung paghihiwalay nila ng kanyang boyfriend na si Ricci Rivero.


“Granada 🇪🇸,” simpleng caption ni Andrea sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, June 9.


Makikita sa kanyang ibinahaging pos ang tatlo niyang larawan na kinunan sa Granada, Spain.


Agad namang umani ng mga inspiring message mula sa kanyang mga tagahanga ang kanyang post lalo na't maugong ngayon na pinag-uusapan ang isyung hiwalayan nila ng kanyang nobyo na si Ricci Rivero.


“hiii pretty, i just want to remind you that you deserve better, you deserve to be treated right, you deserve to be loved and tresured by someone who truly loves you, we lovee youu blythyyy!!!”


“The quiet queen. You deserve to be loved by anyone. So choose who definitely deserve you.”


“Laban lang idol be strong, I love you blythe makahanap karin nang totoong mag mahal sayo.”


“You deserve to be loved, treasured by someone. No matter what happens, always remember you have your family, true friends and us your fans, we truly care and love you so much! Keep your heads held high!”



Issa Pressman, Nag-Celebrate Sa Kanyang Birthday Kasama Ang Boyfriend At Si Julia Barretto

Walang komento


 Ibinahagi ni Issa Pressman ang kanilang masayang pagdiriwang sa kanyang 26th birthday.


Makikita sa ibinahagi niyang Instagram post ang kanilang intimate celebration kasama ang rumored boyfriend na si James Reid, ang kanyang kapatid na si Yassi at ang aktres na si Julia Barretto.


Makikita naman sa mga nasabing larawan ang pagiging sweet ng kanyang boyfriend at ang closeness nila ng kanyang kapatid.


 “mi birthday && mi life’s gifts,” caption ni Issa Pressman sa kanyang post.


Agad namang bumuhos ang mga mensahe ng pagbati para kay Issa Pressman mula sa mga netizens at sa kanyang mga tagahanga.


Matatandaan na nito lamang nagdaan Abril, nasangkot sa isang kontrobersiya si Issa Pressman at ang kanyang rumored boyfriend na si James Reid matapos kumalat ang kanilang sweet photos.


Inamin naman ni James na nagkikita sila subalit lalo itong umani ng mga negatibong komento mula sa mga fans ni Nadine Lustre, dating girlfriend ni James. Naglabasan rin ang ilang mga lumang photos nina James at Issa kung saan makikita silang sweet sa isa't-isa.


Sa panahon iyon ay magkarelasyon pa sina Nadine Lustre at James Reid.



Isko Moreno at Herlene Budol Bagong Hosts Sa Eat Bulaga Ng Mga Jalosjos!

Walang komento

 


Viral at matunog na namang pinag-uusapan ngayon sa social media ang bagong Update issue ng Eat Bulaga ng GMA 7.


Sa pinakabagong pagbubunyag ng kulumnistang si Cristy Fermin sa kanyang show na Cristy Ferminute ay sinabi niyang, may bagong dalawang host daw ngayon na ipapasok ng mga Jalosjos sa Eat Bulaga ng GMA7.


Ayon din sa kanya na bukas din umano June 10, 2023 ay ipapakilala sila ng pormal sa nasabing show.


Ang tinutukoy ng Kulumnistang si Cristy Fermin, na dalawang bagong papasok na maghohost sa Eat Bulaga ng GMA7, ay ang beauty queen na si Herlene Budol a.k.a hipon girl at ang dating mayor ng Maynila na si Isko Moreno.


Ito ay kinumpirma ni Cristy Fermin, dahil nasagap niya daw ang balitang ito mula sa kanyang mapagkakatiwalaang source.


Ayon nga sa kulumnista na nagkaroon daw ng isang meeting si Bullet Jalosjos kay Isko Moreno sa isang restaurant, magkakilala na daw kasi sila noon paman, dahil sa pareho nga silang mga politician.


At ang nangyaring pag-uusap daw ng dalawa ay hindi naman daw pinagplanuhan.


Dahil nung una ay hindi naman daw sumagi sa isip ni Bullet Jalosjos na kunin si Isko bilang host, pero habang sila raw ay nag-uusap at pinag-usapan ang Eat Bulaga ay bigla nalang daw naisipan ni Bullet Jalosjos na alokin si Isko na maging host ng Eat Bulaga.


Kasi naaala daw niya na naging parte daw pala si Isko ng That's Entertainment noong araw.


Kaya naman naisip niyang may ibubuga rin ito pagdating sa paghohost ng isang variety show.


Kaya naman bigla nalang daw inoffer ni Bullet kay Isko ang paghohost sa Eat Bulaga.


Ngunit medyo napaisip pa daw muna si Isko saglit, dahil nga batid nito ang grabing pambabatikos ng mga netizens sa mga bagong host ng naturang show ngayon.


Gayun paman ay napa Oo nga ni Bullet si Isko at napapayag na tanggapin nito ang kanyang alok ni na maging isa sa mga bagong host ng Eat Bulaga.


Bukas daw umano ay ipapakilala na siya ng pormal sa publiko kasabay sa pagpapakilala kay Herlene Budol a.k.a Hipon Girl.








Mario Dumaual Nasa ICU Dahil Inatake Sa Puso,Pamilya Nanawagan

Walang komento


 Isang nakakalungkot na balita, inatake sa puso ang batikang showbiz broadcaster na si Mario Dumaual. Kasalukuyan siyang naka-confin sa Intensive Care Unit (ICU) para tuluyang magpagaling.


Ang malungkot na balitang ito ay ipinahayag mismo ng kanyang anak at ABS-CBN reporter na si Miguel Dumaual sa pamamagitan ng Facebook.


Kwento ni Miguel, noong Lunes pa nang isinugod nila sa ospital ang kanyang ama.


“Papa suffered a heart attack last Monday and remains under critical care today, three days on,” pagbabalita nito.


Sa kabila nito, ipinahayag din ni Miguel na minsan ay nakakagamit pa ng cellphone ang kanyang ama dahil nakakapagpadala pa ito ng mensahe sa kanilang minsan.


“But he can now at least tell us, during the few times he’s given his phone while isolated, that he misses and wishes to be with us.”


“I’ve never treasured a message so much after what Papa went through and is still hurdling.”


Samantala, nanawagan si Miguel Dumaual na sana ay ipagpatuloy ng mga netizens ang pagdadasal para sa kabutihan ng kanyang ama at para sa tuluyang paggaling nito.


Hindi rin niya nalimutan ang pagpapasalamat sa lahat nang hindi nakalimot na ipagdasal ang ama.


“The constant stream of messages and well wishes for Papa — from his friends in the industry and countless others he’s worked with or briefly encountered, and even kind strangers — they have been a heartwarming reminder of how loved he is,” lahad sa FB.


“Sorry that I haven’t been able to reply right away to most of the messages; we’re hoping to share better, more encouraging news as Papa recovers.”


“For now please keep him in your prayers. We claim that in the coming days we’ll have more to be grateful for, including having him back home.”



Kim Chiu Practices Cooking Her Delicious Dish for Xian Lim'S Arrival!.....

Walang komento


 Nitong kamakailan nga lang ay nag viral sa social media ang isang maikling video clip ng TV host actress na si Kim Chiu, habang siya ay nagluluto ng isang masarap na putahe.


Hindi lang ito nagpaligaya sa kanyang mga tagahanga, kundi nagbigay din ito ng iba't ibang reaksyon sa mundo ng social media.


Makikita nga sa video ang pagpupursigi at didikasyon ni Kim Chiu sa pagluluto, na tila nagpapahiwatig ng mga makahulugang mga bagay.


Na ayon sa mga naging reaksyon at komento ng mga netizens ukol dito ay sinabi ng mga ito na baka daw nagpapractice o naghahanda na itong si Kim, para sa susunod na yugto ng kanyang buhay bilang isang maybahay ni Xian Lim.


Ang ilan naman sa kanyang mga fans ay tila nabighani sa ipinakita niyang husay sa kusina, at nagpahayag din ang mga ito sa kanilang paghanga sa mga kakayahan ng actress.


Samantala, marami naman sa mga magulang na naka panood ng video na ito ang humiling na sana raw ay maging inspirasyon si Kim sa mga kabataan ngayon.


Na mag-aral sa pagluluto at ipagpatuloy ng mga ito ang kanilang mga hilig at pangarap sa buhay, dahil sabi nga nila pag may sipag at tiyaga, tiyak may nelaga.


Sa ngayon nga ay nalalapit na rin ang pagbabalik sa bansa ng kanyang nobyong si Xian mula sa America, ay marami na nga sa kanilang mga taga suporta at mga taga subaybay sa social media ang nag-aabang kung anu ang gagawing surpresa ni Kim para sa kanyang minamahal na si Xian Lim.






Karla Estrada Humingi Ng Paumanhin Sa Pagkakamali Sa Kanyang Background Music

Walang komento


 Humingi ng paumanhin ang celebrity mom na si Karla Estrada sa kanyang paggamit bilang background music sa kanyang Instagram reel ang themesong ng mga NPA.


Ang mga NPA ay isang grupong sandatahan na pinamumunuan ng Communist Party of the Philippines (CPP) at itinuturing na mahigpit na kalaban ng gobyerno.


Nagflex si Karla Estrada ng kanyang mga larawan kung saan nakasuot siya ng Army uniform, ipinahayag din niya sa caption na nakapasok siya bilang army reservist.


Agad na umani ng reaksyon ang nasabing post ni Karla, may ilan pang hayagan siyang pinagsabihan sa ginamit niyang background music.


Binura naman ni Karla ang kanyang post subalit nakakuha na ng mga screenshot ang ilang mga netizens at kumakalat na ngayon sa ilang mga social media platforms.


Matapos makatanggap ng kaliwa't-kanang pambabatikos, naglabas na pahayag si Karla Estrada at humingi ng paumahin sa kanyang pagkakamali.


Nilinaw din ni Karla na hindi niya alam na ang kantang iyon ay ginagamit pala ng mga NPA.


“Magandang Araw po sa inyong lahat. Ang mensahe ko pong ito ay patungkol sa musikang nakalapat sa isa sa aking video reel na ipinost ko sa aking social media accounts tungkol sa aking intensyon na maging isang Philippine Army Reservist.


"Ako po ay hindi aware na ang nasabing musika na nailapat sa aking video reel ay isa palang awitin na tumutukoy sa isang grupo na may paniniwalang salungat sa pamahalaan."


Taus-puso rin siyang humingi ng paumanhin sa Philippine Army at sa lahat ng mga taong naapektuhan sa kanyang pagkakamali.


"Ako po ay taos pusong humihingi ng paumanhin sa Philippine Army at sa lahat ng taong nasaktan o naapektuhan ng nasabing video reel.


"Hindi ko po sinadya o intensyon na ilapat sa aking video ang nasabing musika at wala din po sa aking kamalayan kung ano ang kinakatawan o mensaheng nilalaman nito."


Nilinaw pa ni Karla na noon paman ay malinis na ang kanyang intensyon na makapaglingkod sa bayan at sa lahat ng mga Pilipino.


"Nais ko pong ipabatid sa lahat na ang tanging layunin ng aking pagpapalista sa hanay ng Philippine Army bilang Reservist ay upang makapaglingkod sa bawat Pilipino at sa bansang Pilipinas sa abot ng aking kakayanan.


"Muli, humihingi po ako ng paumanhin. Salamat po."



Maine Mendoza Binasag Na Ang Pananahimik May Mapait Palang Karanasan Sa Mga Jalosjos!...

Walang komento

 


Tv host na si Maine Mendoza binasag na ang kanyang pananahimik, at ibinulgar ang mapait na karanasan sa TAPE incorporated na pagmamay ari ng mga Jalosjos.


Hindi na nga nakapagpigil pa sina Maine Mendoza at Wally Bayola tungkol umano sa mga kumakalat na balitang pinilit daw umano sila na magresign upang sumama sa TVJ saan man ito magpunta.


Pinawalang katotohanan umano ito ni Maine Mendoza, sa naging exclusive na interview sa kanya.


Dito nga ay ipinagtanggol niya ang TVJ at sinabing hindi sila pinilit na mag resign ng mga ito, dahil ayon sa kanya na personal daw nila itong kagustohan, na sumama kung saan mang istasyon lumipat ang mga ito.


Ayon pa kay Maine na masmabuti na daw na nakaalis na sila sa mga Jalosjos, dahil nakaranas daw kasi sila doon ng mga pangmamaliit.


Kaya naman plinano na nga silang tanggalin ng mga ito at palitan ng mga bagong host sa Eat Bulaga.


Bagama't kahit raw naging malungkot ang kanilang pagkalas sa TAPE Incorporated, ay hindi naman daw niya malilimutan ang mga masasayang karanasan niya sa nasabing noontime show.


Kaya naman malaki ang pasasalamat niya sa TVJ dahil sila ang siyang dahilan kaya siya ay nakilala sa mundo ng showbiz.





Mavy Legaspi, Ibinahagi Ang Saloobin Ng Mga Magulang Sa Natatanggap Nilang Basing Ng Kapatid

Walang komento


Sa isang panayam, isiniwalat ng actor host na si Mavy Legaspi ang saloobin ng kanyang mga magulang na sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi sa mga natatanggap nilang bashing kasunod ng pagiging host nila sa revamped Eat Bulaga.


Matinding pambabash ang ibinabato ngayon ng publiko sa mga bagong host ng Eat Bulaga!, na ikinukumpara sa original hosts na sina Tito, Vic, and Joey at kanilang co-hosts na kumalas sa TAPE Inc. noong May 31, 2023.


Kaya naman naku-curious ngayon ang mga netizens kung ano ang reaction ng mga magulang na kambal na kabilang rin sa mga pinagsasalitaan ng masakit.


Kahapon, June 8, 2023, sa press conference ng LUV IS: Love at First Read, ang upcoming Kapuso Wattpad-based series na pinagbibidahan nila ni Kyline Alcantara, naitanong kay Mavy kung ano ang reaction ng kanyang mga magulang sa mga bashing na natatanggap nila ng kanyang kambal.


“Definitely, they gave us the decision to decide whether to take it or not. Pero may mas malaking push kasi yung dad ko. I'm free to say this… ito nga yung sinabi niya sa akin.


“I believe them, kasi they've been in the industry for so long, and they know kung anong opportunity dapat i-grab para ma-improve ang skills.”


Gayunpaman inamin ni Mavy na mas sensitive ang kanilang inang si Carmina sa isyung ito. Pero bilang ina, sinuportahan daw sila nito sa kanilang desisyong tanggapin ang offer.


“Siyempre, mas sensitive in her end. Pero doon siya sa improvement ng mga anak niya, towards Cassy and I. I appreciate that dahil alam ko, close to heart yung EB sa kanya and very sensitive siya."


Naitanong rin kay Mavy kung nakakausap pa ba ni Carmina ang TVJ, lalong-lalo na noong bago tanggapin ng mga anak ang offer ng TAPE.


 “I won't talk about that, but I just wanna put out there, in the personal end with the family and together with the EB hosts, in the personal end, we're good.


“So, trabaho lang, that's what they said, trabaho lang.”


“Yes, but… trabaho lang. Yeah. Yes. That's what I mean by, ‘in the personal end,’ okay naman kami. Pero...”


Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye si Mavy Legaspi, subalit sa kanyang sinambit ay nakausap ni Carmina ang TVJ. Ngunit hindi binanggit ni Mavy kung ano ang nakuhang reaksiyon ni Carmina o kung may nakuhang reaksiyon ang ina mula sa TVJ.




Ex-Girlfriend Ni Diego Loyzaga Nagreact Sa Pagiging Ama Ng Aktor

Walang komento

Agad na nagreact ang dating girlfriend ni Diego Loyzaga na si Franki Russel sa larawang ibinahagi ni Diego kung saan may karga-karga siyang sanggol.


Kamakailan lamang ay ginulat ni Diego Loyzaga ang publiko sa pagbabahagi niya ng larawan na may kargang sanggol. Ipinahayag pa niya sa caption ng kanyang post na ito ang kanyang best birthday gift ever.


Bagama't hindi naman hayagang inamin ni Diego Loyzaga na siya ang ama ng batang karga niya, mapapansin sa comment section ng kanyang post ang pagbati ng mga kaibigan at malalapit sa kanya.


Kabilang sa mga naunang bumati ay ang mismong ina ni Diego Loyzaga na si Teresa Loyzaga, masaya pa nitong ipanahayag na isa na siyang lola.


Napansin rin ng mga netizens ang pagreak ng dating girlfriend ni Diego na si Franki Russel. Nagpaabot din ito ng pagbati para sa aktor.


Ni repost ni Franki sa kanyang Instagram story ang larawan na ibinahagi ni Diego kalakip ang kanyang pagbati rito.


"congratulations @diegoloyzaga and you fam new babies are such a blessing."


Si Diego Loyzaga ay isa sa mga kilalang aktor sa bansa. Anak siya ng dating celebrity couple na sina Cesar Montano at Teresa Loyzaga.




 

Allan K, Pumalag Sa Pahayag Ng TAPE Inc. Patungkol Sa Hindi PagPapasok Sa Dressing Room

Walang komento


Itinanggi ng dating Eat Bulaga host na si Allan K. ang pahayag ng Television and Production Exponents Inc. (TAPE Inc.) President Jon Jalosjos na hindi sila tinuring na parang pamilya ng mga Dabarkads.


Sa isang panayam, sinabi pa ni Jon Jalosjos na hindi siya pinapayagang pumasok sa dressing room ng Eat Bulaga talents sa kabila ng pagiging presidente niya ng TAPE.


“Kahit na ako yung president, kahit na kami yung producer, hindi ako nakakapasok diretso sa loob ng dressing room nila,” pagsiiwalat ni Jon Jalosjos.


Agad naman itong inalmahan ng dating host na si Allan K at sinabing pwede namang pumasok sa kanilang dressing room ang mga official ng TAPE. Kaya naman nagtataka siya kung bakit nasabi ito ng mga Jalosjos.


“Paano bang hindi pinapapasok? Hindi ko maintindihan e, they’re free naman to.. pasok, labas, pasok sa dressing room namin. Maybe that instance na naka-lock, siguro yun yung nagpe-pray kami. I dunno. I have no idea kung kailan hindi pinapapasok.”


Sinigundahan naman ito ni Ryan Agoncillo at ipinuntong wala naman silang dahilan na hindi papasukin ang TAPE sa dressing room.


Sa kabilang banda, hindi pa muling nagbigay ng pahayag ang mga Jalosjos hinggil sa pahayag na ito ng mga dating Eat Bulaga hosts.


Matatandaan na kabilang sina Allan K at Ryan Agoncillo sa mga Eat Bulaga hosts na sumunod sa TVJ sa pagreresign sa TAPE Inc. noong May 31, 2023.




AiAi Delas Alas Nadamay Sa Bashing Dahil Sa Pakikisimpatya Kay Betong Sumaya

Walang komento


Dinepensahan ng komedyante na si Ai-Ai delas Alas ang panibagong host ng rebranded Eat Bulaga na si Betong Sumaya matapos makatanggap ng batikos mula sa mga netizens sa pagtanggap ng offer mula sa TAPE Inc.


Sa isang Facebook post, ipinahayag ni Ai-Ai ang kanyang pakikiramay kay Betong Sumaya kasunod ng mga batikos na natatanggap nito dahil sa pagtanggap lang nito sa hosting gig para sa rebranded version ng Eat Bulaga.


“Nakita kita sa tiktok malungkot ka, mahirap talaga yang sitwasyon niyo ngayon, bilang manggagawa alam ko sumusunod kalang syempre , mabait kang tao , marespeto sa senior sa yo.. isa ka sa mabait na artist na nakilala ko,” pakikisimpatya ni Ai-Ai.


“Dasal lang at tibayan mo ang loob mo ..pag nalulungkot ka isipin mo na lang ilang beses ba naten kakantahin ang in New York Rio Tokyo –“or any other place you see, you feel that dancing fantasy” na hindi tayo nag kakamali sa phrasing haha. God bless you ipag patuloy mo lang na maging mabait si Lord ang bahala,” dagdag pa ni Ai-Ai.


Agad namang umani ng samu't-saring reakyon at komento mula sa mga netizens ang pakikisimpatya ni Ai-Ai sa mga bagong host ng Eat Bulaga.


Pinaalalahan pa ng ilang mga netizens ni Ai-Ai na huwag magsunod ng tulay sa TVJ na malapit rin sa kanya.


“Wow nakisimpatya ka sa kanya pero sa tvj hindi kala ko ba malapit ka sa tvj mas higit na mas masakit ang ngyare sa tvj kase 44 yrs ang pinaguusapan.”


“Magkaiba Ang kindness sa delikadeza alam naming mabait si Betong pero wala syang delikadeza at Integridad yun lang ok TVJ is Eat Bulaga, Eat Bulaga is TV.”


“Palitan muna nila pangalan ng show nila.. dba sila naghihiya magsabi ng 44yrs kung di nman nila pinaghirapan.”



@alientv_official Betong Sumaya to Bashers #tvj #eatbulaga #betong #newhost #basher ♬ original sound - Alien_T.V

Ricci Rivero At Andrea Brillantes Hiwalay Na

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang isang cryptic post na ibinahagi ng basketball star na si Ricci Rivero na pinagmulan ng isyung hiwalayan nila ng kanyang jowa na si Andrea Brillantes.


Kasunod nito, binalikan ng ilang mga netizens ang dating vlog ni Andrea Brillantes kung saan ipinakilala niya si Ricci Rivero bilang boyfriend.


Sa nasabing vlog, nabanggit din ni Andrea Brillantes ang nakita niyang red flags kay Ricci Rivero. Subalit sa kabila nito ay nagustuhan pa rin umano niya si Ricci.


Kamakailan lamang ay nagbahagi ng isang cryptic post si Ricci Rivero patungkol sa privacy at moving on.


Sa parehong tweet, inamin ni Ricci na hindi niya isinapubliko ang kanyang relationship status dahil pakiramdam niya ay hindi na kailangan pang magdagdag ng anuman sa pinagdadaanan na nila.


“I own up to the mistake of not making my relationship status public because I felt there’s no need to add up to what were going through,” pahayag ni Ricci Rivero.


Hiniling din ni Ricci sa lahat na intindihin at pabayaan na lamang sila sa kanilang desisyon dahil ginagawa lamang nila ito upang maisalba ang natitirang friendship sa pagitan nila.


“Please respect our decision to keep it to ourselves so that we can preserve whats left of our friendship.”


“I hope let’s stop creating your own versions and dragging other characters into these false accusations.”


Tila humingi rin siya ng tawad kay Andrea sa lahat ng kanyang mga pagkukulang sa kanilang relasyon.


“I am sorry for whatever disappointments it may have caused you - for everyone’s peace of mind, please allow ourselves to heal and move on peacefully without hate and pain,” tweet ni Ricci Rivero.


Nitong April lamang ipinagdiriwang nina Ricci Rivero at Andrea Brillantes ang kanilang first year anniversary. Ibinahagi pa ni Andrea sa kanyang Instagram account ang mga larawan na kuha mula sa kanilang celebration.


Nag-viral din ang ginawang promposal ni Andrea Brillantes para kay Ricci Rivero para maging ka-date nito sa naganap nang Star Magic Ball.



Julie Ann San Jose Nilampaso Ni Lilet Ang Former Singer Ng that Entertainment Sa Pagkanta Ng Voltez V!

Walang komento

Huwebes, Hunyo 8, 2023

 


Viral at pinag-uusapan ngayon sa social media ang kumakalat na video ni Lilet, na dating mukha ng coca-cola at ang kumata ng "kaibigan lang pala at kahit bata pa ako" na sumikat noong 80's.


Sa TikTok account kasi ni Lilet ay kinanta niya ang Theme song ng Voltes V, at talaga namang hinangaan siya ng maraming netizen sa kanyang version sa pagkanta ng nasabing Theme song.


Ayon naman sa mga naging reaksyon ng mga netizens ay dapat pala daw ay nagpa-audition muna ang GMA7 sa pagpili sa dapat kumanta sa Voltes V.


Para makita kung sino yung masbagay kumanta at yung the best talaga.


Napansin kasi ng mga netizens na mas malapit o sobrang lapit daw kasi ng version ng kanta ni Lilet kay sa kay Julie Ann San Jose ng kinanta nito ang Theme Song ng Voltes V.


Ayon kasi sa mga netizens na mas malapit daw kasi sa original ang boses nitong si Lilet, at talagang napakasarap paring pakinggan.


Maganda parin naman daw ang version ng pagkanta nitong si Julie Ann, pero iba parin daw ang version ng boses ni Lilet na kung papakinggan mo ng maigi ay tila siya mismo ang kumanta ng original na kanta ng Voltes V.


Sa ngayon si Lilet ay nagkakaroon ng livestreaming sa kanyang TikTok Account, kung saan ay ibinahagi ito ng isang Facebook page na si Danz Speaks.


Ayon sa pahayag nito, "Beteranang singer Lilet, hinangaan sa TikTok sa pag-awit ng theme song ng Voltes V; mas maganda raw ang kanyang version."

          

"Remember Lilet? Ang former member ng defunct show ng Master Showman ang the late German "Kuya Germs" Moreno na "That's Entertainment." Kilala siya noon bilang The Muse of OPM."   

         

"Tukso sa kanya noon ang pagiging Maria Clara sa nasabing show. Minsan ding naging pride ng Pinas nang manguna siya noon sa international commercial ng Coke kasama ang ibang mga lahi. Inawit niya dito ang "Tomorrow's People," na shinoot sa Liverpool, England."

         

"Nakaka-amaze lang na mapanood siya muling kumakanta sa Tiktok niyang "Lilet Esteban Singer/Actress." Marami ang nakapansin ang mas maganda niyang version ng theme song ng "Voltes V." Kaya sabi ng netizens sana siya na lang daw ang umawit ng "Voltes V no Uta." Walang kupas pa rin ang boses." 


  

         


Barbie Imperial Reaksyon Sa Baby Ni Diego Loyzaga Sa Non Showbiz Gf Nito!

Walang komento

 


Viral at pinag-uusapan ngayon sa social media ang ginawang pag-aanunsyo ng actor na si Diego Loyzaga sa kanyang Instagram account na isa na siyang ganap na ama.


Maging ang mga netizens nga ay nagulat lalo na ang kanyang mga kasamahang artista sa showbiz sa kanyang naging pag-aanunsyo sa publiko.


Makikita nga sa isang larawan na ibinahagi ng actor na si Diego na karga-karga niya ang isang sanggol at sinabi pa niya sa kanyang caption na "The best birthday gift ever ❤️"


Samantala, hindi naman binanggit ng actor kung lalaki ba o babae ang kanyang panganay na anak.


Kinan-gratulate naman ang actor ng kanyang mga kaibigan sa showbiz.


Maging ang kanyang dating jowa na si Barbie Imperial ay hindi rin mapigilan ang mapa komento sa naging pag-aanunsyo ni Diego sa social media.


Ayon daw sa actress na masya daw siya para dati niyang jowa na si Diego.


Samantala, wala naman binanggit o naipakita si Diego kung sino ang ina ng kanyang anak.


Dahil matatandaang wala namang ipinakilalang bagong jowa ang actor.


Matapos nga ang hiwalayan nila noon ng actress na si Barbie Imperial, ay nalink nga din sa kanya ang beauty queen pero hindi naman nakumpirma nanagkaroon nga sila ng isang relasyon.


Basi sa mga latest post ni Franki Rusell ay makikitang hindi siya ang ina ng sanggol na kargakarga ni Diego at ang ibig sabihin lang nga nito ay nonshowbiz ang jowa ng actor.







‘It’S Showtime’ Apektado Sa Paglipat Nina Tito, Vic & Joey Sa TV5

Walang komento


 Agad na umani ng samu't-saring reaction mula sa mga netizens ang balitang hindi na mapapanood sa 12 noon timeslot ang Kapamilya show na It's Showtime dahil papalitan na ito ng TV5.


Mapapanood na lang sila sa delayed telecast dahil may ilalagay na show ang TV-5 na siyang papalit sa kanilang timeslot sa darating na July.


“Sa susunod na buwan ay hindi nyo na matutunghayan ang It’s showtime sa TV5 tuwing tanghalian. Magkakaroon na lamang ng delayed telecast sa hapon.


“Samantala patuloy natin  makakasama ang It’s showtime family tuwing tanghali sa A2z, Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel at Iwanttfc. Anong say nyo madlang pipol?" pagbabahagi ng isang Kapamilya page.


Malakas naman ang paniniwala ng marami na ang papalit sa dating timeslot ng It's Showtime ay ang show ng kakalipat pa lamang sa TV5 na TVJ at iba pang dating Eat Bulaga host.


Narito naman ang ilang mga sey ng madlang pipol sa balitang ito.


"Gara nman, TVJ ang kukuha ng timeslot sa tv5? eh patok pb sila kung di naman na Solid barkada,at dina EatBulaga name nila...Mas Patok parin ang It Showtime.."


“Parang Hindi Naman maganda Yung parang pinatalsik Ang Isang show para lang palitan ng iba. Maganda kaya to say pakiramdam ng tvj. Baka Sila Naman makarma.”


“Ok lang Mas Madami Parin gusto manuod ng Showtime. Tingnan nalang nila kung Mas aangat ba ratings nila kung Eat bulaga ang Ipapalit nila, At Bihira lang din kami manuod sa Tv5. Sa A2Z, Youtube nlng Pero Pinapanuod namin is Kapamilya Shows kaya kahit saan ipalabas ang Kapamilya Shows, Doon kami Manunuod. Forever Kapamilya.”


“Ayos lang di naman kawalann kahit mawala ang tv 5 kasi kapamilya chanel naman talaga kmi kapamilya for ever.”


“No problem… Halos lahat Naman naka cable TV na… Kunti lang Naman Ang free TV sa Ngayon , digital is now the trend.”


“Di ko talaga ma gets why Showtime needs TV5 eh sa totoo lang buhat-buhat ng Showtime ang TV5. Even without those other network makakaangat at makakangat ang Showtime. Let them do their things and kayo Showtime fam, di nyo na need mageffort kasi kuhang-kuha nyo na yung mga viewers.”



Diego Loyzaga Isa Ng Tatay! Kilalanin Ang Ina Ng Kanyang Anak!

Walang komento


Diego Loyzaga kumpirmadong isa nang ganap na ama, ngunit ang malaking tanong kung sino ngab ang ina ng bata.


Kahapon lamang ay nabanggit nga ng kumumnitang si Cristy Fermin sa kanyang show na Cristy Ferminute na mayroon ngang mga kumakalat na balitang isa na ngang ama itong si Diego.


Ang dapat daw kasi ay iinterviewhin nila si Diego para sa pelikula nitong Will You Be my Ex, na kasama ang actress na si Julia Barretto.


Ngunit hindi raw ito natuloy dahil sa bigla nalang daw kasing nawala itong si Diego at hindi na daw makapasok sa kanilang streaming site.


Maaaring hindi paraw yata handa ang actor na pag-usapan ito dahil isa din itong kontobersyal issue.


Matagal na nga daw blind item ang actor pero hindi ito mapangalanan bilang respeto na din sa pamilya niya dahil naging mababait naman daw ito sa media.


Kaya naman hinayaan nalang nila na siya nalang daw sa na ang magjuwento.


Lumabas din ang balitang sa ibang bansa daw umano nag silang ang babaing ina ng kanyang anak.


Kaya naman nagulantang nga ang marami matapos na magpost si Diego sa kanyang social media account na isa na siyang ganap na isang ama.


Agad naman na bumuhos ng mga mensahe ng pagbati ang kanyang mga natanggap mula sa mga netizena at sa kanyang mga kaibigan sa showbis.



 

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo