Barbie Imperial Reaksyon Sa Baby Ni Diego Loyzaga Sa Non Showbiz Gf Nito!

Huwebes, Hunyo 8, 2023

/ by Jerome

 


Viral at pinag-uusapan ngayon sa social media ang ginawang pag-aanunsyo ng actor na si Diego Loyzaga sa kanyang Instagram account na isa na siyang ganap na ama.


Maging ang mga netizens nga ay nagulat lalo na ang kanyang mga kasamahang artista sa showbiz sa kanyang naging pag-aanunsyo sa publiko.


Makikita nga sa isang larawan na ibinahagi ng actor na si Diego na karga-karga niya ang isang sanggol at sinabi pa niya sa kanyang caption na "The best birthday gift ever ❤️"


Samantala, hindi naman binanggit ng actor kung lalaki ba o babae ang kanyang panganay na anak.


Kinan-gratulate naman ang actor ng kanyang mga kaibigan sa showbiz.


Maging ang kanyang dating jowa na si Barbie Imperial ay hindi rin mapigilan ang mapa komento sa naging pag-aanunsyo ni Diego sa social media.


Ayon daw sa actress na masya daw siya para dati niyang jowa na si Diego.


Samantala, wala naman binanggit o naipakita si Diego kung sino ang ina ng kanyang anak.


Dahil matatandaang wala namang ipinakilalang bagong jowa ang actor.


Matapos nga ang hiwalayan nila noon ng actress na si Barbie Imperial, ay nalink nga din sa kanya ang beauty queen pero hindi naman nakumpirma nanagkaroon nga sila ng isang relasyon.


Basi sa mga latest post ni Franki Rusell ay makikitang hindi siya ang ina ng sanggol na kargakarga ni Diego at ang ibig sabihin lang nga nito ay nonshowbiz ang jowa ng actor.







Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo