Ricci Rivero At Andrea Brillantes Hiwalay Na

Biyernes, Hunyo 9, 2023

/ by Lovely


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang isang cryptic post na ibinahagi ng basketball star na si Ricci Rivero na pinagmulan ng isyung hiwalayan nila ng kanyang jowa na si Andrea Brillantes.


Kasunod nito, binalikan ng ilang mga netizens ang dating vlog ni Andrea Brillantes kung saan ipinakilala niya si Ricci Rivero bilang boyfriend.


Sa nasabing vlog, nabanggit din ni Andrea Brillantes ang nakita niyang red flags kay Ricci Rivero. Subalit sa kabila nito ay nagustuhan pa rin umano niya si Ricci.


Kamakailan lamang ay nagbahagi ng isang cryptic post si Ricci Rivero patungkol sa privacy at moving on.


Sa parehong tweet, inamin ni Ricci na hindi niya isinapubliko ang kanyang relationship status dahil pakiramdam niya ay hindi na kailangan pang magdagdag ng anuman sa pinagdadaanan na nila.


“I own up to the mistake of not making my relationship status public because I felt there’s no need to add up to what were going through,” pahayag ni Ricci Rivero.


Hiniling din ni Ricci sa lahat na intindihin at pabayaan na lamang sila sa kanilang desisyon dahil ginagawa lamang nila ito upang maisalba ang natitirang friendship sa pagitan nila.


“Please respect our decision to keep it to ourselves so that we can preserve whats left of our friendship.”


“I hope let’s stop creating your own versions and dragging other characters into these false accusations.”


Tila humingi rin siya ng tawad kay Andrea sa lahat ng kanyang mga pagkukulang sa kanilang relasyon.


“I am sorry for whatever disappointments it may have caused you - for everyone’s peace of mind, please allow ourselves to heal and move on peacefully without hate and pain,” tweet ni Ricci Rivero.


Nitong April lamang ipinagdiriwang nina Ricci Rivero at Andrea Brillantes ang kanilang first year anniversary. Ibinahagi pa ni Andrea sa kanyang Instagram account ang mga larawan na kuha mula sa kanilang celebration.


Nag-viral din ang ginawang promposal ni Andrea Brillantes para kay Ricci Rivero para maging ka-date nito sa naganap nang Star Magic Ball.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo