Ex-Girlfriend Ni Diego Loyzaga Nagreact Sa Pagiging Ama Ng Aktor

Biyernes, Hunyo 9, 2023

/ by Lovely

Agad na nagreact ang dating girlfriend ni Diego Loyzaga na si Franki Russel sa larawang ibinahagi ni Diego kung saan may karga-karga siyang sanggol.


Kamakailan lamang ay ginulat ni Diego Loyzaga ang publiko sa pagbabahagi niya ng larawan na may kargang sanggol. Ipinahayag pa niya sa caption ng kanyang post na ito ang kanyang best birthday gift ever.


Bagama't hindi naman hayagang inamin ni Diego Loyzaga na siya ang ama ng batang karga niya, mapapansin sa comment section ng kanyang post ang pagbati ng mga kaibigan at malalapit sa kanya.


Kabilang sa mga naunang bumati ay ang mismong ina ni Diego Loyzaga na si Teresa Loyzaga, masaya pa nitong ipanahayag na isa na siyang lola.


Napansin rin ng mga netizens ang pagreak ng dating girlfriend ni Diego na si Franki Russel. Nagpaabot din ito ng pagbati para sa aktor.


Ni repost ni Franki sa kanyang Instagram story ang larawan na ibinahagi ni Diego kalakip ang kanyang pagbati rito.


"congratulations @diegoloyzaga and you fam new babies are such a blessing."


Si Diego Loyzaga ay isa sa mga kilalang aktor sa bansa. Anak siya ng dating celebrity couple na sina Cesar Montano at Teresa Loyzaga.




 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo