Alden Richards Makakasama Nga Ba Sa Eat Bulaga Ng Tvj Sa Tv5?..

Biyernes, Hunyo 9, 2023

/ by Jerome

 


Tito Sotto ibinulgar ang tungkol sa loyalty ni Alden Richards sa TVJ, marami kasing mga netizens ang nagtatanong kung sino-sino ang mga makakasama ng TVJ sa bagong show nila sa TV5.


Ang kumpirmado palang kasi ay ang mga nagsikalasang mga kasamahang host ng TVJ sa Eat bulaga na sumama sa kanilang pag kalas sa TAPE incorporated ang siguradong may pwesto na sa bagong show ng TVJ sa TV5.


Kabilang na nga dito ay sina, Paulo, Wally Bayola, Jose Manalo, Ryan Agoncillo, Maine Mendoza, Ryzza Mae Dizon, Allan K at si Pauleen Luna.


Hindi naman kasi pumasok noon si Alden noong araw na nagpaalam ang Dabarkads sa TAPE incorporated, pero makalipas ang ilang araw ay nagpahayag si Alden ng suporta sa TVJ.


At dito nga napag-alaman na willing itong sumama sa TVJ sa TV5 kung maaari.


Samantala, nagpasalamat naman si Tito Sotto sa mga pahayag na narinig niya mula mismo kay Alden Richards.


Dahil sa alam nga umano nila kung gaano ka loyal itong si Alden sa TVJ at sa mga kasamahan nitong Dabarkads.


Ngunit ang pagkakaalam umano niya ay may kontrata si Alden sa GMA 7, kaya naman medyo mahirap daw kay Alden na makasama agad sa kanila sa TV5.


Kaya naman alam daw umano ng TVJ na sa ngayon ay imposible pa itong mangyari, dahil siguradong hindi raw umano papayagan si Alden na iwan ang GMA7.


Gayun paman, ipinakita ni Alden ang kanyang Loyalty sa TVJ at sinabi niyang hindi umano siya kailan man maggeguest sa Eat Bulaga ng TAPE incorporated.


Kahit pa daw irequest umano ito ng mismong boss ng GMA 7 ay hindi raw siya papayag.


Samantala, ayon naman kay Jun Lalin na bagaman sa kalakalan sa industriya na hindi puweding tumanggi sa request o utos ng boss, tulad na lamang ng GMA network ay sa status ngayon ni Alden bilang isang sikat na artista ay mamari na daw itong tumanggi sa utos ng boss o sa request ng GMA7 kung sakali man.


Ayon nga mismo kay Alden na, "To TVJ know na kahit anu pamang mangyari may loyal;ty ang sarili ko is for them regardless."


"I'm always looking back doon sa mga taong nakatulong sa akin ng malaki, I think I have my right to defend that, and thats my stand because malaki po ang utang na loob ko sa kanila."


"And my support for them will go under the end of times, malaki po ang pasasalamat natin sa Eat Bulaga."






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo