‘It’S Showtime’ Apektado Sa Paglipat Nina Tito, Vic & Joey Sa TV5

Huwebes, Hunyo 8, 2023

/ by Lovely


 Agad na umani ng samu't-saring reaction mula sa mga netizens ang balitang hindi na mapapanood sa 12 noon timeslot ang Kapamilya show na It's Showtime dahil papalitan na ito ng TV5.


Mapapanood na lang sila sa delayed telecast dahil may ilalagay na show ang TV-5 na siyang papalit sa kanilang timeslot sa darating na July.


“Sa susunod na buwan ay hindi nyo na matutunghayan ang It’s showtime sa TV5 tuwing tanghalian. Magkakaroon na lamang ng delayed telecast sa hapon.


“Samantala patuloy natin  makakasama ang It’s showtime family tuwing tanghali sa A2z, Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel at Iwanttfc. Anong say nyo madlang pipol?" pagbabahagi ng isang Kapamilya page.


Malakas naman ang paniniwala ng marami na ang papalit sa dating timeslot ng It's Showtime ay ang show ng kakalipat pa lamang sa TV5 na TVJ at iba pang dating Eat Bulaga host.


Narito naman ang ilang mga sey ng madlang pipol sa balitang ito.


"Gara nman, TVJ ang kukuha ng timeslot sa tv5? eh patok pb sila kung di naman na Solid barkada,at dina EatBulaga name nila...Mas Patok parin ang It Showtime.."


“Parang Hindi Naman maganda Yung parang pinatalsik Ang Isang show para lang palitan ng iba. Maganda kaya to say pakiramdam ng tvj. Baka Sila Naman makarma.”


“Ok lang Mas Madami Parin gusto manuod ng Showtime. Tingnan nalang nila kung Mas aangat ba ratings nila kung Eat bulaga ang Ipapalit nila, At Bihira lang din kami manuod sa Tv5. Sa A2Z, Youtube nlng Pero Pinapanuod namin is Kapamilya Shows kaya kahit saan ipalabas ang Kapamilya Shows, Doon kami Manunuod. Forever Kapamilya.”


“Ayos lang di naman kawalann kahit mawala ang tv 5 kasi kapamilya chanel naman talaga kmi kapamilya for ever.”


“No problem… Halos lahat Naman naka cable TV na… Kunti lang Naman Ang free TV sa Ngayon , digital is now the trend.”


“Di ko talaga ma gets why Showtime needs TV5 eh sa totoo lang buhat-buhat ng Showtime ang TV5. Even without those other network makakaangat at makakangat ang Showtime. Let them do their things and kayo Showtime fam, di nyo na need mageffort kasi kuhang-kuha nyo na yung mga viewers.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo