Issa Pressman, Nag-Celebrate Sa Kanyang Birthday Kasama Ang Boyfriend At Si Julia Barretto

Biyernes, Hunyo 9, 2023

/ by Lovely


 Ibinahagi ni Issa Pressman ang kanilang masayang pagdiriwang sa kanyang 26th birthday.


Makikita sa ibinahagi niyang Instagram post ang kanilang intimate celebration kasama ang rumored boyfriend na si James Reid, ang kanyang kapatid na si Yassi at ang aktres na si Julia Barretto.


Makikita naman sa mga nasabing larawan ang pagiging sweet ng kanyang boyfriend at ang closeness nila ng kanyang kapatid.


 “mi birthday && mi life’s gifts,” caption ni Issa Pressman sa kanyang post.


Agad namang bumuhos ang mga mensahe ng pagbati para kay Issa Pressman mula sa mga netizens at sa kanyang mga tagahanga.


Matatandaan na nito lamang nagdaan Abril, nasangkot sa isang kontrobersiya si Issa Pressman at ang kanyang rumored boyfriend na si James Reid matapos kumalat ang kanilang sweet photos.


Inamin naman ni James na nagkikita sila subalit lalo itong umani ng mga negatibong komento mula sa mga fans ni Nadine Lustre, dating girlfriend ni James. Naglabasan rin ang ilang mga lumang photos nina James at Issa kung saan makikita silang sweet sa isa't-isa.


Sa panahon iyon ay magkarelasyon pa sina Nadine Lustre at James Reid.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo