Lolit Solis, Nagbigay ng Vission Na Magiging Mrs. Leviste Si Kris Aquino

Biyernes, Hunyo 9, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay ng vission si Manay Lolit Solis kung saan patungo ang relasyon ng Queen of All Media Kris Aquino at Batangas Vice Governor na si Mark Leviste.


Sa kamakailang Instagram post ni Manay Lolit Solis, ipinahayag niya ang kanyang kasiyahan sa pagkakaroon ng baong jowa ni Kris Aquino.


Nakikinita pa umano niya na sa kasalan tutungo ang relasyon ng dalawa. Ipinahayag din ng kolumnista ang kanyang paghanga sa pagiging mapagpasensya ni Mark Leviste.


“Very happy ako na out in the open na ang love nila Kris Aquino at Mark Leviste, Salve. About time na matagpuan na ni Kris Aquino ang love na hinahanap niya. Mabuti na lang at naging pasensiyoso si Mark Leviste. Hinintay niya na maging handa si Kris sa pagtanggap sa kanya. Iyon patience ni Mark ang magiging sandata niya sa relasyon nila ni Kris Aquino."

 

“Alam natin lahat kung minsan may mga moods swing si Kris na dapat mong pagbigyan at unawain. Tiyak na kaya ng tanggapin iyon ni Mark dahil matagal siyang nasa tabi ni Kris. At ang patunay kung hanggang saan ang pagtitiis niya, iyon pagpunta niya sa US para dalawin/ alagaan ito,” pahayag ni Lolit Solis.


Dagdag pa ni Manay Lolit Solis, “Siguro duon natunaw ang puso ni Kris, ang nakitang pagtitiyaga ni Mark Leviste. Naku Salve at Gorgy talagang nakikita ko na magiging Mrs Kris Aquino Leviste siya ni Mark. Sure ako na maiiyak tayo Gorgy at Salve pag natupad ito dahil matagal na natin wish ang happiness ni Kris. Bongga.”


Matatandaan na kamakakailan lamang ay inamin ni Kris Aquino ang tunay na relasyon nila ng politician na si Mark Leviste.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo