Allan K, Pumalag Sa Pahayag Ng TAPE Inc. Patungkol Sa Hindi PagPapasok Sa Dressing Room

Biyernes, Hunyo 9, 2023

/ by Lovely


Itinanggi ng dating Eat Bulaga host na si Allan K. ang pahayag ng Television and Production Exponents Inc. (TAPE Inc.) President Jon Jalosjos na hindi sila tinuring na parang pamilya ng mga Dabarkads.


Sa isang panayam, sinabi pa ni Jon Jalosjos na hindi siya pinapayagang pumasok sa dressing room ng Eat Bulaga talents sa kabila ng pagiging presidente niya ng TAPE.


“Kahit na ako yung president, kahit na kami yung producer, hindi ako nakakapasok diretso sa loob ng dressing room nila,” pagsiiwalat ni Jon Jalosjos.


Agad naman itong inalmahan ng dating host na si Allan K at sinabing pwede namang pumasok sa kanilang dressing room ang mga official ng TAPE. Kaya naman nagtataka siya kung bakit nasabi ito ng mga Jalosjos.


“Paano bang hindi pinapapasok? Hindi ko maintindihan e, they’re free naman to.. pasok, labas, pasok sa dressing room namin. Maybe that instance na naka-lock, siguro yun yung nagpe-pray kami. I dunno. I have no idea kung kailan hindi pinapapasok.”


Sinigundahan naman ito ni Ryan Agoncillo at ipinuntong wala naman silang dahilan na hindi papasukin ang TAPE sa dressing room.


Sa kabilang banda, hindi pa muling nagbigay ng pahayag ang mga Jalosjos hinggil sa pahayag na ito ng mga dating Eat Bulaga hosts.


Matatandaan na kabilang sina Allan K at Ryan Agoncillo sa mga Eat Bulaga hosts na sumunod sa TVJ sa pagreresign sa TAPE Inc. noong May 31, 2023.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo