Isko Moreno at Herlene Budol Bagong Hosts Sa Eat Bulaga Ng Mga Jalosjos!

Biyernes, Hunyo 9, 2023

/ by Jerome

 


Viral at matunog na namang pinag-uusapan ngayon sa social media ang bagong Update issue ng Eat Bulaga ng GMA 7.


Sa pinakabagong pagbubunyag ng kulumnistang si Cristy Fermin sa kanyang show na Cristy Ferminute ay sinabi niyang, may bagong dalawang host daw ngayon na ipapasok ng mga Jalosjos sa Eat Bulaga ng GMA7.


Ayon din sa kanya na bukas din umano June 10, 2023 ay ipapakilala sila ng pormal sa nasabing show.


Ang tinutukoy ng Kulumnistang si Cristy Fermin, na dalawang bagong papasok na maghohost sa Eat Bulaga ng GMA7, ay ang beauty queen na si Herlene Budol a.k.a hipon girl at ang dating mayor ng Maynila na si Isko Moreno.


Ito ay kinumpirma ni Cristy Fermin, dahil nasagap niya daw ang balitang ito mula sa kanyang mapagkakatiwalaang source.


Ayon nga sa kulumnista na nagkaroon daw ng isang meeting si Bullet Jalosjos kay Isko Moreno sa isang restaurant, magkakilala na daw kasi sila noon paman, dahil sa pareho nga silang mga politician.


At ang nangyaring pag-uusap daw ng dalawa ay hindi naman daw pinagplanuhan.


Dahil nung una ay hindi naman daw sumagi sa isip ni Bullet Jalosjos na kunin si Isko bilang host, pero habang sila raw ay nag-uusap at pinag-usapan ang Eat Bulaga ay bigla nalang daw naisipan ni Bullet Jalosjos na alokin si Isko na maging host ng Eat Bulaga.


Kasi naaala daw niya na naging parte daw pala si Isko ng That's Entertainment noong araw.


Kaya naman naisip niyang may ibubuga rin ito pagdating sa paghohost ng isang variety show.


Kaya naman bigla nalang daw inoffer ni Bullet kay Isko ang paghohost sa Eat Bulaga.


Ngunit medyo napaisip pa daw muna si Isko saglit, dahil nga batid nito ang grabing pambabatikos ng mga netizens sa mga bagong host ng naturang show ngayon.


Gayun paman ay napa Oo nga ni Bullet si Isko at napapayag na tanggapin nito ang kanyang alok ni na maging isa sa mga bagong host ng Eat Bulaga.


Bukas daw umano ay ipapakilala na siya ng pormal sa publiko kasabay sa pagpapakilala kay Herlene Budol a.k.a Hipon Girl.








Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo