AiAi Delas Alas Nadamay Sa Bashing Dahil Sa Pakikisimpatya Kay Betong Sumaya

Biyernes, Hunyo 9, 2023

/ by Lovely


Dinepensahan ng komedyante na si Ai-Ai delas Alas ang panibagong host ng rebranded Eat Bulaga na si Betong Sumaya matapos makatanggap ng batikos mula sa mga netizens sa pagtanggap ng offer mula sa TAPE Inc.


Sa isang Facebook post, ipinahayag ni Ai-Ai ang kanyang pakikiramay kay Betong Sumaya kasunod ng mga batikos na natatanggap nito dahil sa pagtanggap lang nito sa hosting gig para sa rebranded version ng Eat Bulaga.


“Nakita kita sa tiktok malungkot ka, mahirap talaga yang sitwasyon niyo ngayon, bilang manggagawa alam ko sumusunod kalang syempre , mabait kang tao , marespeto sa senior sa yo.. isa ka sa mabait na artist na nakilala ko,” pakikisimpatya ni Ai-Ai.


“Dasal lang at tibayan mo ang loob mo ..pag nalulungkot ka isipin mo na lang ilang beses ba naten kakantahin ang in New York Rio Tokyo –“or any other place you see, you feel that dancing fantasy” na hindi tayo nag kakamali sa phrasing haha. God bless you ipag patuloy mo lang na maging mabait si Lord ang bahala,” dagdag pa ni Ai-Ai.


Agad namang umani ng samu't-saring reakyon at komento mula sa mga netizens ang pakikisimpatya ni Ai-Ai sa mga bagong host ng Eat Bulaga.


Pinaalalahan pa ng ilang mga netizens ni Ai-Ai na huwag magsunod ng tulay sa TVJ na malapit rin sa kanya.


“Wow nakisimpatya ka sa kanya pero sa tvj hindi kala ko ba malapit ka sa tvj mas higit na mas masakit ang ngyare sa tvj kase 44 yrs ang pinaguusapan.”


“Magkaiba Ang kindness sa delikadeza alam naming mabait si Betong pero wala syang delikadeza at Integridad yun lang ok TVJ is Eat Bulaga, Eat Bulaga is TV.”


“Palitan muna nila pangalan ng show nila.. dba sila naghihiya magsabi ng 44yrs kung di nman nila pinaghirapan.”



@alientv_official Betong Sumaya to Bashers #tvj #eatbulaga #betong #newhost #basher ♬ original sound - Alien_T.V

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo