Chie Filomeno Nagal1t Sa Sinabi Ni Kyle Echarri Sa It's Your Lucky Day!

Walang komento

Huwebes, Oktubre 26, 2023


 Nagreact ang aktres na si Chie Felomino sa sinabi ng aktor na si Kyle Echarri sa It's Your Lucky Day patungkol sa kanyang mga ginawa noon sa PBB.


Usap-usapan ngayon sa social media ang tweet ng aktres na si Chie Felomino. Tila apektado ang aktres sa mga isiniwalat ni Kyle Echarri sa nasabing noontime show.


Noong martes sa episode ng It's Your Lucky Day, isa-isang sinagot ng mga host ang question of the day na 'Kung anong desisyon na nagawa nila noon na pinagsisihan nila pero tinatawanan na lamang nila ngayon'.


Ayon  kay Kyle Echarri, pinag-sisisihan niya ang mga nagawa niya during PBB days. Tila hindi naman intensyon ni Kyle Echarri na may maoffend sa kanyang sinabi.


Naging malinaw din naman sa kanyang mga co-host na ang kanyang tinutukoy ay ang mga kalokohan na pinagagawa niya noon sa loob ng bahay ni Kuya.


Gayunpaman, tila nasaktan rito ang aktres na si Chie Felomino, hinala niya na ang mga ginawa nila noon sa PBB na magkasama ang pinagtatawanan na lamang ngayon ng aktor.


"The amazing human beings inside that house made me understand people more on a deeper level. Never magiging katawatawa ang experience ko sa loob ng bahay ☺️ I will NEVER regret the things that made me smile 


"wag na lang tayo mandamay nang ibang tao para sa sariling benepisyo, tahimik na ang buhay ko eh. Goodnight"


Agad namang sinaway ng mga netizens si Chie Felomino at ipinagtanggol si Kyle dahil wala naman umano itong sinabi na ang ginawa nila ni Chie noon ang kanyang tinutukoy.


Gayunpaman, muling sinagot ni Chie ang tweet ng netizen kung saan ipinunto niya na kung ang ginawa ni Kyle ang kanyang tinutukoy bakit hindi nito sinagot ang tanong ni Luis Manzano.



Luis Manzano, Nawindang Sa Nakitang Pipin0 Sa Kwart0 Nina Alex Gonzaga, Mikee Morada

Walang komento


 Ikinawindang ng actor-host na si Luis Manzano ang nakita sa ilalim ng kumot nina Alex Gonzaga at Mikee Morada.


Tampok sa kamakailang vlog ni Luis Manzano sa kanyang YouTube channel ang house tour sa condo na tinitirhan ngayon ng kaibigang si Alex Gonzaga at asawa nitong si Mikee Morada.


Naging normal naman ang house tour nilang hanggang sa umabot na sila sa kwarto ng mag-asawa.


Nang tingnan kasi ni Luis ang ilalim ng kanilang kumot may nakita siyang pipino.


Bagama't nagulat natawa na lamang si Luis sa nakita.


“Ay naku nakita n’yo! Ano lang namin ‘yan, kasi minsan si Mikee ‘pag gabi, gutom,” kaagad na paliwanag ni Alex.


“Ang lamig ah, halatang gagamitin pa ‘to mamaya ah,” pagbibirong hirit naman ni Luis Manzano.


Muling sagot ni Alex, “Pipino namin ‘yan. Sorry. Kasi minsan healthy siya before sleeping.”


Samantala, narito naman ang ilang reaction ng mga netizens sa nasabing vlog ng dalawa.


"Napaka ganda ng relationship nila ni luis! Parang magkapatid at swak na swak personality nila. God bless u, luis and alex"


"Eto yung tandem na hindi na kailangan mag isip pa ng content..basta mag usap lang sila content na agad at cguradong laughtrip..dahil love ko kayung dalawa di ako nag iskip ng ad.."


"Ito Ang Na Miss ko uli pag Sila magkasama.tatatawa ka agad sa kanila dalawa.na parang panganay at bunso na asaran nila.basta Ang Saya lang.salamat uli Luis at Alex na may colabs kayo ngayun simply pinasaya niyo kami.sa mga kalokuhan niyo dalawa"



TV Host Pinatatanggal Sa Noontime Show!

Walang komento


 Agad na humiling ng paumanhin ang It's Your Lucky Day host na si Luis Manzano matapos ang pagbibitiw ng joke ng isa sa mga co-host niya sa nasabing show.


Sa naging episode ng It's Your Lucky Day nitong martes October 24, 2023, sinagot ng bawat host ang question of the day na 'Ano ang isang desisyon ninyo sa buhay na pinili niyong gawin noon pero ngayon pinagtatawanan niyo na lang?'


Tulad ng nakasanayan, si Petite ang naunang sumagot.


"Siguro sa jowa. Tila totoo ang kasabihan na 'pag-ibig pag tumama sa puso, hahamakin ang lahat masunod ka lamang'."


Ibinahagi pa ni Petite ang isang kwento ng kanyang ex na nagkaroon umano ng kidney failure.


"Kasi ang ex ko nagkasakit siya, nagkaroon siya ng kidney failure. Kailangan po ng donasyon ng kidney para sa kanya so yung lola ko kinausap ko na baka pwedeng ibigay mo nalang ang kidney mo kasi bata pa siya.


"Hindi pumayag ang lola ko so ang ginawa ko, kinuha ko ng mano mano gamit ko lang yung nailcutter."


Dagdag pang pagbibiro ni Petite, na sa tuwing bumibisita ang kanyang jowa sa bahay nila, napapasigae na lamang ang kanyang lola na nasa wheelchair dahil sa trauma na inabot nito.


Matapos ang pagsagot ng ilan pang mga host, biglang sumingit si Luis Manzano upang humingi ng paumanhin sa naging joke umano ni Petite na maaring naka-offend sa mga taong pinagdadaanan ang kidney failure.


Natameme naman si Petite matapos ang pagsingit na ito ni Luis na tila pinag-iisapan pa kung totoong nakaka-offend ang kanyang joke.


Matatandaan na hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na inireklamo si Petite dahil sa kanyang mga nakaka-offend na jokes.


Sa kamakailang vlog niya, pinuna rin ng mga netizens ang kanyang naging joke patungkol sa mga katutubo.




Barbie Forteza, Nag-React Sa Zoro Costumes Nina Jak Roberto, David Licauco

Walang komento


 Nagbigay ng reaction ang aktres na si Barbie Forteza sa pagkakapareho ng costume ng ka-loveteam niyang si David Licauco at real life boyfriend na si Jak Roberto.


Nagkapareho ng costume sina Jak Roberto at David Licauco sa nagdaang Sparkle Spell Halloween Party kung saan parehong nagsuot sila ng Rinoa Zoro mula sa sikat na karakter ng hit anime series na One Piece.


Hindi naman napigil ng ilang mga netizens na tanungin si Barbie kung sino ang Zoro na pipiliin.


Sa kabilang banda, naitanong naman kay David Licauco kung bakit napili niya ang pagsusuot ng Zoro costume sa panayam niya kay Nelson Canlas.


Ayon kay David, may nakapagsabi umano sa kanya na kamukha niya ng slight.


Samantala, ganito naman umano ang nangyari kay Jak, may nakapagsabi din umano sa kanya na kahawig niya ang nasabing karakter.


Pahayag na lamang ni Jak, na uso pala ngayon online ang pagsusuot ng Zoro costume na tinatawag niyang Zoro Multiverse.


Sa kabilang banda, nahingan naman ng reaksyon si Barbie Forteza hinggil sa pagkakapareha ng costume nina David at Jak.


Ayon kay Barbie Forteza, natatawa siya sa pagkakapareho ng dalawa na para bang nag-usap umano ang mga ito.



Gabby Concepcion, Sharon Cuneta Nagpakilig Sa Kanilang Mga Fans

Walang komento

Marami sa mga fans nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ang kinilig sa ibinahaging video ng Mega Star na kuha mula sa rehearsal nila ni Gabby sa concert na pagsasamahan nila.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang nakaraan nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta, kaya naman hindi napigil ng mga fans ang makaramdam ng kilig sa dalawa sa kabila ng paghihiwalay nila noon.


Makikita sa ibinahaging video ni Sharon Cuneta ang rehearsal nila ni Gabby at kung gaano nila pinaghahandaan ang kanilang nalalapit na concert.


Magsasama sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa Dear Heart Concert na gaganapin sa MOA Arena sa darating na October 27, 2023.


Ngayon pa lamang ay excited na ang kanilang mga tagahanga sa nalalapit na concert nilang dalawa dahil na rin sa ipinakita nilang teaser at sa hindi maitatangging chemistry ng dalawa.


"SHUUTAAAA DI KO NA TALAG KERIII!!! MA PA UTANG NA LOOB PANINDIGAN NYO YONG KILIG KO HAHAHAHA"


"Aguyyyy hirap huminga 🙌❤️🔥 please wag na kayong mag aaway ulit ok na kami Jan good vibes lang ba lagi.. we love you both.."



Hindi Sila Makapaniwala Sa Inasal Ni Belle Mariano Sa Isang Event

Walang komento


 Hindi makapaniwala ang ilang mga fans ni Belle Mariano sa ginawa ng aktres sa isang event na dinaluhan nito kamakailan lamang.


Sinita ni Belle Mariano ang mga guards na humawi sa kanyang mga tagahanga na nais makipag-selfie sa kanya habang naglalakad siya papunta sa activity center are ng Trinoma Mall nitong myerkules ng tanghali.


Maaga pa ang inaabangan na ng mga fans si Belle para sa launching nito sa inendorso niyang online shopping app.


Makikita sa video na pinapalibutan ng mga guards si Belle upang alalayan ito at para na rin hindi malapitan ng mga fans. Binilisan pa ng mga guards ang kanilang paglakad upang madaling makapasok si Belle.


Hindi nagustuhan ng aktres kaya sinita niya ang mga guards na nakapalibot sa kanya at magalang na ipinaliwanag na gusto naman niyang makipagselfie sa kanyang mga fans.


Isa pa, nakasuot ng mahabang dress si Belle at nakaheels kaya hindi siya makapaglakad ng mabilis.


Na-touch naman ang mga fans sa ginawa ni Belle dahil nagkaroon sila ng pagkakataon na makipag selfie rito.




Heart Evangelista, Marian Rivera Naayos Na Ang Matagal Nang Alitan

Walang komento


Ikinatuwa ng mga fans nina Marian Rivera at Heart Evangelista ang kanilang pagkakaayos matapos ang matagal na alitan.


Agad na napansin ng mga mapanuring mata ng mga netizens na pina-follow na ngayon nina Marian Rivera at Heart Evangelista ang isa't-isa sa Instagram.


Matatandaan na nagkaroon ng alitan noon sina Marian Rivera at Heart Evangelista nang magkasama sila sa remake series na Temptation Island na ipinalabas noong 2011.


Lagpas isang dekada na nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa kaya naman marami ang nasiyahan na ngayon ay tila naayos na nila ang anumang gusot sa kanilang pagitan.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, pinili ng dalawa na ayusin ang hindi nila pagkakaunawaan sa pribadong paraan.


Nag-ugat umano ang alitan ng dalawa sa isang insidente sa airport na sangkot ang ina ni Heart. Nais sana umanong magpaalam noon ni Marian Rivera kay Heart subalit sinigawan umano ng ina ng huli si Marian at pinalayo sa kanyang anak.


Bukod dito, pinagsabihan pa umano ng ina ni Heart ng masasakit na salita si Marian Rivera na noon ay nagsisimula pa lamang sa kanyang showbiz career.


Isa pa sa mga itinuturong dahilan ng alitan ng dalawang aktres ay ang pag-amin noon ng dating nobyo ni Heart Evangelista na nais niyang makatambal sa iisang proyekto si Marian Rivera.


Nagpasaring din umano noon si Heart Evangelista kay Marian patungkol sa pagtatrabaho kasama si Dingdong Dantes na nobyo naman noon ni Marian Rivera.




Ricci Rivero, Sasampahan ng Kaso ni Bea Borres

Walang komento


 Pinag-iisapan ngayon ng kaibigan ni Andrea Brillantes na si Bea Borres, ang pagsasampa ng kaso laban kay Ricci Rivero dahil sa direktang pagbanggit ng kanyang pangalan sa isang tweet.


Matatandaang nag-viral si Ricci  Rivero sa social media matapos nitong i-retweet ang post ni Bea at hamunin itong ibunyag ang mga sikretong alam nila sa isa't isa.


Matatandaang nag-viral si Ricci  Rivero sa social media matapos nitong i-retweet ang post ni Bea at hamunin itong ibunyag ang mga sikretong alam nila sa isa't isa.


“Puro tweet bea gusto mo maglabasan tayo ng labada? Tara sabihan tayo kung sino talaga kumakabit? Hingi ka lifeline para may bala ka bago ka mag reply publicly for your publicity. Sayang pakikiaalam mo kung di ka kasama sa headline.”


“Diba dinadamay nila yung isa na walang kasalanan? Dahil ngayon nag sasalita na ako pumapatol na? Antayin natin yung time is the ultimate truth teller ng magka alaman sino talaga. Isama kita sa washing machine eh.” 


Sa isang episode ng radio show na ‘Marites University’ noong October 24, ibinahagi ni DJ Jhai Ho ang mensahe ni Bea na kinukunsulta na niya ang kanyang abogado sa mga posibleng legal na aksyon laban kay Ricci.


“Ang kuwento sa akin ni Bea Borres, sabi niya, when I asked her kung ano ang masasabi niya regarding Ricci na ni-namedrop siya dahil sa post niya without naming names, sabi nito,


"sa ngayon daw, she’s now consulting her lawyer…kasi puwede siyang magsampa ng case ng cyberlibel dahil siguro doon sa sinabing about pagiging kabit. At pinangalanan siya directly doon sa mismong tweet niya.”


Gayunpaman, sinabi ni Bea na hindi pa pinal ang kanyang desisyon, at maaaring magbago ang isip niya kung magpasya si Ricci na ihinto ang pagbanggit sa kanya sa Twitter.


“Sabi niya: ‘sa totoo lang naman petty lang naman ‘yung tweet and everything’. Pero kung magpapatuloy si Ricci…na magganyan pa rin doon sa X, baka talagang ituloy na ni Bea ‘yung pagsasampa ng kaso sa kaniya.”




Ogie Diaz, Approve Sa Diskarte ni Gaile Francesca Rait sa Pagpasok Sa Showbiz

Walang komento

Naniniwala ang talent manager na si Ogie Diaz na tama lang ang paraan na ginamit ni Abegail Rait at ng kanyang anak na si Francesca Rait para magkaroon ng stepping stone sa showbiz.


Sa kanyang online show, ipinahayag ni Ogie Diaz na walang masama kung gusto ni Abegail na makakuha ng exposure nang mabilis sa pamamagitan ng pagsisiwalat niya na illegitimate child ni Francis Magalona si Gaile Francesca.


Naniniwala rin siya na malaking plus para kay Francesca ang soft spoken nito at pagiging magalang.


“Ako feeling ko lang…tama yung diskarte ng mag-ina para mabilis yung pagkakakilanlan dito kay Francesca, kung mag-aartista ito. Tama lang yon.”


“At saka mapapansin mo, yung bata, eh hindi naman epal, hindi naman parang sutil kung sumagot. Magalang pa rin naman. So bentahe rin niya yon.”


Taliwas naman ito sa paniniwala ng dating publicist ni Francis Magalona na si Pilar Mateo, para sa kanya hindi karapat-dapat na gamitin ng mag-ina ang pangalan ni Francis para sa kasikatan.


Dapat umanong magsumikap ang mga ito para makilala ang sarili hindi dahil sa naging relasyon nila kay Francis M. bilang respeto na rin sa orihinal na pamilya nito.


“Ang kailangan sigurong paigtingin nilang mag-ina ay ayusin nila ang buhay nila, wag niyong banggain ang pamilya,” pahayag ni Pilar Mateo


“Kasi ‘yung pamilya ni Francis, nagsasalita na at makikita mo na masama ang loob nila, which is karapatan nila ‘yun na sumama ang loob nila dahil nagugulat sila. Hayaan na muna sila, hayaan na muna ‘yung mga bata.” 




Vice Ganda Hindi Tinanggap ang Paliwanag ng PAL

Walang komento


Hindi ikinatuwa ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang paliwanag na isinulat ng Philippine Airlines hinggil sa kanyang reklamo.


Matatandaan na ginamit ni Vice Ganda ang kanyang mga social media pages para ipahayag ang kanyang pagkadismaya sa PAL dahil sa umano'y isyu sa overbooking na dahilan kung bakit nawalan ng flight ang komedyante.


Subalit ayon sa naging paliwanag ng PAL, ginawa nilang hindi available ang dalawang business class seat dahil sa safety issue, na nagresulta sa pagkawala ng puwesto ni Vice sa eroplano.


Gayunpaman, iginiit ng PAL na nag-alok sila ng alternatibong solusyon kay Vice, sa pamamagitan ng pagbaba ng kanyang mga puwesto sa ekonomiya, na iniulat na tinanggihan ng komedyante.


“First and foremost, we want to clarify that the flight was not overbooked, and we operate with the utmost commitment to safety. 


"During pre-flight safety checks, two business class seats were identified as unserviceable due to safety concerns, rendering them unfit for passenger use. 


"As a result, you were among the passengers offered a seat downgrade to economy class, a decision made to ensure safety and the operational integrity of the flight,” pahayag ng PAL.


Kaagad naman itong sinagot ni Vice Ganda, kung saan ipinagdiinan niya na iba ang dahilan ng communication staff ng kumpanya sa sinabi sa kaniya sa airport.


“Hindi yan ang sinabi sakin sa counter! Ang sabi ng staff “THE FLIGHT WAS OVERBOOKED AND MY SEAT WAS GIVEN TO ANOTHER PASSENGER”. MAG BATO BATO PICK NA LANG KAYO NG STAFF SA COUNTER KUNG SINO SA INYO ANG PAL-PAK! YUNG PANALO LIBRE KO NG ROUND TRIP TICKET VIA CATHAY PACIFIC!”



Piolo Pascual Lumadlad Sa Bar Kasayaw Si Darren Espanto

Walang komento


 Muling naging laman ng mga usapin sa social ang aktor na si Piolo Pascual matapos siyang makitang masayang sumasayaw kasama ang ibang lalaki sa isang club.


Kumakalat ngayon sa social media ang video ni Piolo Pascual na kuha mula sa isang bar. Dahil dito, mulling binalikan ng mga netizens ang naging isyu ng aktor noon patungkol sa kanyang pagiging bakla.


Unang inupload sa TikTok ang video na itinag pa ng uploader sina Darren Espanto at anak ni Piolo Pascual na si Inigo.


Makikita ring kasama ni Piolo Pascual sa iba pang mga video ang iba pang celebrities tulad nina Hayden Kho at Mond Gutierrez.


Sa kalagitnaan ng video, napag-alaman na ang kasayaw ni Piolo Pascual ay walang iba kundi ang aktor na si Darren  Espanto.


Agad namang pinuna ng mga netizens kung bakit sa kapwa lalaki nakipagsayaw si Piolo Pascual. May mga nakapansin pa na iba umano ang tingin nito kay Darren Espanto kung saan tila may kasama umano itong landi.


“Yung tingin ni Piolo kay Darren.”


“Confirmed again for the 100th time.”


“Si Yaya Moi tawang tawa sa likod. Alam niya kasi ang secret ni Papa P.”


Matatandaan na noon pa man ay naging usap-usapan na ang pagiging bakla nina Piolo Pascual at Darren Espanto. Sa kabila nito, iginiit naman ng dalawa na walang katotohanan ang mga isyung ito.




@alisababy30 The vibes @piolo_pascual @inigopascual @darrenespanto ☺️ #fypã‚· #fyp ♬ original sound - shotpuno

Andrea Brillantes Agad Na Sumagot 'Don't Blame The Garapata'

Walang komento

Miyerkules, Oktubre 25, 2023


 Umaani ngayon ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang tila palaban na sagot ni Andrea Brillantes sa mga naging pasaring sa kanya hinggil sa pagsisiwalat ni Ricci Rivero.


Sa kanyang Instagram post ibinahagi ng young actress ang panibagong collection ng DBTK x HM. Makikita sa kanyang post na nakasuot siya ng isang white t-shirt na may nakaprint na 'Don't Blame the Garapata'.


Bagama't mula naman ito sa isang collections, sinasabi ng mga netizens na patama ito ni Andrea Brillantes sa panibagong girlfriend ni Ricci Rivero na si Leren Mae Bautista.


Ipinost din ito ni Andrea Brillantes matapos ang pagpi-flex ng magulang ni Ricci sa panibagong nobya ng anak.


Narito ang ilang komento ng mga netizens.


"Blythe, forget about them. Treat them as if they dont exist. They will only ride in your popularity. You are too pretty for him. And she is too old to be your mother. What happened is for the best."


"Haha garapata as in ung gumagapang sa jowa ng iba"


“Yes bukod sa makati ang garapata, makapit pa ang garapata"


Sa kabilang banda, hindi pa sumasagot si Andrea Brillantes sa panibagong pasabog ni Ricci Rivero kung saan isiniwalat nito na ilang beses siyang nagpupunta sa condo nito kahit madaling araw para lamang makipagbalikan.



Andrea Brillantes Pinupuntahan Si Ricci Rivero Para Makipagbalikan

Walang komento

May panibagong pasabog na naman ang basketball player na si Ricci Rivero, hinggil sa naging relasyon at hiwalayan nila noon ng aktres na si Andrea Brillantes.


Sa online show na Marites University, isiniwalat ni Ricci Rivero na hiwalay na sila ni Andrea noon pang May 6, 2023. Nakilala naman umano niya si Leren Mae Bautista ng May 26, 2023 kaya hindi aniya third party ang konsehala sa hiwalayan nila ni Andrea.


“doon lang tayo sa totoo. Hindi third party si leren alam nila ‘yan. Huwag silang pa-click bait para makuha ang simpatiya ng tao at sirain kami. Magmo-move on kami nang maayos nang walang nasasaktan dahil hindi na ako papayag na may madamay pang iba para lang sa good publicity nila," panimulang mensahe ni Ricci Rivero. 


“Nakilala ko si Leren, May 26… And alam nilang mag-bestfriend na wala na kami that time. We broke up a couple times na early this year kaya magulo na talaga."


"Nakikipagbalikan siya and nung last time na May 6 sinabi niya na wala na, end na because of the girl na alam naman niya na kasama ng friend ko ‘yun na pumunta doon. So paanong overlap doon?”


Dagdag pang pagsisiwalat ni Ricci Rivero sa mensaheng ipinadala niya kay DJ Jaihoo na ilang beses na nagpunta si Andrea Brillantes sa kanyang condo kahit pa dis oras ng gabi o di kaya'y madaling araw para lamang makipagbalikan sa kanya.


“Pumupunta siya ng condo ko nang madaling-araw ilang beses for what? Para makipagbalikan. Nag-yes ba ako? Hindi, kasi ayoko na and sinabi ko ‘yan sa kanya paulit-ulit so I am the bad person here for not publicly telling everyone that I am single."


"She asked me not to let people know muna kasi baka masira ang image niya tapos nung hindi ako pumayag makipagbalikan, sisiraan na ako bigla,” pagpapaliwanag ni Ricci.


Nilinaw din ni Ricci ang kanyang dahilan kung bakit sinagot niya si Bea Borres, isa sa mga kaibigan ni Andrea Brillantes.


“Never akong pumatol sa kanila kahit sa lahat ng pagpaparinig nila. We all know who she’s pertaining to sa mga tweets niya from the very start. Nag-reply ako kasi sumosobra na sila and meron naman talaga ako alam sa kanila pareho pero hindi ako nagsasalita kasi hindi ako ‘yung tao para manira.”




Cristy Fermin, Dinepensahan si Willie Revillame sa Mga Nagsasabing Manggagamit Ito

Walang komento


 Nag-react ang beteranong kolumnista na si Cristy Fermin sa mga akusasyon na ginagamit umano ni Willie Revillame ang mga mahihirap para kumita ng pera.


Sa isa sa mga episode ng online show niya kasama sina Rommel Chika at Wendell Alvarez, ibinahagi ni Cristy  Fermin ang ilang komento ng mga netizens laban kay Willie Revillame at sa show nito.


Nag-react si Cristy sa balitang magiging bahagi si Willie ng state-sponsored channels para aliwin ang ‘lowest of the lowest,’ na umani ng batikos sa social media.


“Hindi ka naman nagta-trabaho para yumaman, ikaw ay gumagamit ng mahihirap para yumaman ka,” paglalahad ni Cristy Fermin sa isang komento mula sa netizen.


Gayunpaman, sinabi ni Cristy na hindi patas ang mga akusasyon laban kay Willie Revillame hindi umano siya naniniwalang ginagamit lamang ni Willie ang mga mahihirap para makakuha ng kasikatan at mataas na talent fee.


Kahit na may mga hindi sila pagkakaunawaan nitong mga nakaraang buwan, naniniwala pa rin si Cristy Fermin na wagas ang intensyon ni Willie na tumulong sa mga mahihirap at hindi dahil sa pera.


“Sana lang wag magpagamit si Willie Revillame sa mga politiko na napakalayo pa ng boxing pero pumuporna na ngayon palang,” pahayag pa ni Cristy Fermin.



Maxene Magalona Sinupalpal Ng Isang Video Si Abegail Rait

Walang komento


 Bagama't walang diretsahang sagot ang aktres na si Maxene Magalona hinggil sa paglalantad ni Abegail Rait sa naging relasyon nila ni Francis Magalona noon.


Ipinahayag pa ni Abegail Rait na mahal na mahal sila noon ng kanyang anak ni Francis at may mga plano pa umano ang mga ito para sa kanilang future na magkasama.


Samantala, tila sinagot naman ito ni Maxene Magalona sa pamamagitan ng pagbabahagi ng video kung saan makikita ang bonding nila ng kanyang ama.


Ipinakita niya na kung mahal man nito noon sina Abegail, mas mahal sila nito bilang original family.


Makikita sa nasabing video na kinakantahan ni Francis M si Maxene na labis namang ikinatuwa ng huli.


Sa kabilang banda, makikita naman sa mga naunang post ni Maxene sa kanyang Instagram ang kanyang pangangalaga sa kanyang katahimikan sa kabila ng mga nililikhang ingay dahil sa paglalantad ni Abegail.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin naglalabas ng opisyal na pahayag ang original na pamilya ni Francis Magalona hinggil sa isiniwalat ni Abegail.


Hindi rin nila sinagot ang naging kahilingan ni Gaile Francesca na tanggapin siya ng mga kapatid dahil wala naman umano siyang masamang intensyon sa paglalantad.



Gail Francesca Rait Bagong E.A.T Host, Kontrata Pirmado Na

Walang komento


Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang sinasabing bunsong anak ng Master Rapper na papasok umano sa mundo ng showbiz ar susunod sa yapak ng kanyang ama matapos ang 15 years na pananahimik.


Umaani ngayon ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang biglaang pagbubunyag ni Abegail Rait sa naging relasyon nila noon ni Francis Magalona at ang pagpapakilala niya sa kanilang anak.


Marami ang naghinala na ginawa ito ngayon ng mag-ina para madaling makapasok sa showbiz si Francesca.


Samantala, usap-usapan naman ngayon sa social media ang pagpasok ni Francesca sa E.A.T dahil sa tulong ng TVJ.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, isa umano sa mga habilin noon ni Francis Magalona sa TVJ ay gabayan ng mga ito ang kanyang bunsong anak sa pagdating nga tamang panahon.


Dumating naman ang tamang panahon dahil kamakailan lamang ay ipinahayag ni Francesca na gusto niyang sundan ang yapak ng ama sa showbiz.


Unang mapapanood si Francesca M sa E.A.T sa darating na November 6, 2023.


Matatandaan na naging bahagi noon ng Eat Bulaga at nakasama ng TVJ bago ito pumanaw noong 2009.




Ricci Rivero Binaliktad Si Andrea Brillantes Sa Pagiging Cheater

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa social media ang pag-amin ni Ricci Rivero sa totoong relasyon nila ni Leren Mae Bautista ilang buwan matapos ang kontrobersyal na hiwalayan nila noon ni Andrea Brillantes.


Matatandaan na pinaghihinalaan ng mga fans ni Andrea Brillantes na si Leren Mae ang babaeng naabutan ni Andrea Brillantes sa loob ng condo ni Ricci Rivero na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.


Pinabulaanan naman ito ni Ricci Rivero at sinabing bagama't may naabutang babae si Andrea Brillantes, hindi naman umano sa kanya ito.


Pinabulaanan din ni Ricci noon ang relasyon nila ni Leren Mae Bautista.


Subalit, kamakailan lamang ay hayagan nang inamin ni Ricci ang relasyon nila Leren Mae Bautista. Hindi ito nagustuhan ng ilang mga netizens dahil tila binaliktad ni Ricci ngayon ang kwento.


Tila pinapalabas umano ni Ricci Rivero na si Andrea Brillantes ang may kasalanan sa nangyaring hiwalayan nilang dalawa.


Napansin ito ng mga netizens sa paraan ng pag-amin ni Ricci at maging sa mga social media posts ng mga magulang ni Ricci Rivero.


Kung saan ipinapahayag ng mga ito na walang mang-aagaw at hindi umano manloloko ang kanilang anak.


Nagpasaring pa umano ang ama ni Ricci Rivero hinggil sa pagiging bastos at kawalan ng respeto ni Andrea Brillantes.


Maging si Leren Mae ay ipinahayag din na si Andrea na lamang ang tanungin patungkol sa cheating issue.



Kyle Echarri Todo Alalay Kay Andrea Brillantes Sa It's Your Lucky Day

Walang komento


 Hindi nakapasok ngayong araw sina Andrea Brillantes at Kyle Echarri sa It's Your Lucky Day dahil may nakaschedule silang taping para seryeng pinagbibidahan nila, ang Senior High.


Sa kabila nito, ipinakita naman ng nasabing show ang ilang off-cam moment ng dalawa na labis na nagpakilig sa kanilang mga tagahanga.


Makikita sa nasabing video ang pag-alalay ni Kyle Echarri kay Andrea Brillantes habang papunta sila sa stage. Maging sa kanilang mga performance ay makikitang palaging nasa tabi lamang ni Andrea si Kyle Echarri.


Labis naman ang kilig na nadarama ng mga KyleDrea Fans ngayon dahil mas lalo pa silang naging close ngayon.


Marami pa rin ang umaasa na sana'y maging sunod-sunod na ang mga proyekto nina Andrea Brillantes at Kyle Echarri na magkasama tuluyan nang maging magka-loveteam.


Matatandaan na nilinaw noon nina Andrea at Kyle na wala silang balak na pumasok sa isang loveteam at nais na lamang mag-solo.


Marami ang nagsasabi na bagay naman ang dalawa at may malakas ring chemistry.




Kim Chiu, Xian Lim Hindi Pa Hiwalay Lay Low Lang Para Sa Ka-Love Team Nila

Walang komento


 Tuluyan nang tinuldukan ng Kapamilya actress na si Kim Chiu ang balitang naghiwalay na sila ng kanyang long time boyfriend na si Xian Lim.


Hanggang ngayon ay kumakalat pa rin sa social media ang mga usap-usapang naghiwalay na umano sina Kim Chiu at Xian Lim.


Nag-ugat ang isyung ito sa malimit na pagsasama nina Kim Chiu sa mga event kagaya noon nagdaang ABS-CBN's Ball.


Hindi na rin nakikita ang dalawa na nagkakasama sa mga bakasyon.


Napansin din ng mga netizens na hindi na nila-like nina Kim Chiu at Xian ang kani-kanilang mga social media post.


Samantala, tila binasag na ni Kim Chiu ang isyung hiwalayan nila ni Xian Lim. Makikitang ni-like na ni Kim Chiu ang latest post ni Xian Lim sa kanyang Instagram account.


Bagama't hindi naman ito nag-iwan ng komento, naniniwala ang mga KimXi fans na indikasyon ang paglike ni Kim Chiu na maayos parin ang kanilang relasyon.


Naniniwala ang kanilang mga tagahanga na ang totoong dahilan kung bakit tila nanahimik sina Kim at Xian ay ang pagkakaroon nila ng projects kung saan may katambal silang ibang mga artista.


Hindi naman umano ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagla-lay low ang mga celebrity couples sa tuwing may mga projects sila dahil may sinusunod silang protocol.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo