Gabby Concepcion, Sharon Cuneta Nagpakilig Sa Kanilang Mga Fans

Huwebes, Oktubre 26, 2023

/ by Lovely

Marami sa mga fans nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ang kinilig sa ibinahaging video ng Mega Star na kuha mula sa rehearsal nila ni Gabby sa concert na pagsasamahan nila.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang nakaraan nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta, kaya naman hindi napigil ng mga fans ang makaramdam ng kilig sa dalawa sa kabila ng paghihiwalay nila noon.


Makikita sa ibinahaging video ni Sharon Cuneta ang rehearsal nila ni Gabby at kung gaano nila pinaghahandaan ang kanilang nalalapit na concert.


Magsasama sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa Dear Heart Concert na gaganapin sa MOA Arena sa darating na October 27, 2023.


Ngayon pa lamang ay excited na ang kanilang mga tagahanga sa nalalapit na concert nilang dalawa dahil na rin sa ipinakita nilang teaser at sa hindi maitatangging chemistry ng dalawa.


"SHUUTAAAA DI KO NA TALAG KERIII!!! MA PA UTANG NA LOOB PANINDIGAN NYO YONG KILIG KO HAHAHAHA"


"Aguyyyy hirap huminga 🙌❤️🔥 please wag na kayong mag aaway ulit ok na kami Jan good vibes lang ba lagi.. we love you both.."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo