TV Host Pinatatanggal Sa Noontime Show!

Huwebes, Oktubre 26, 2023

/ by Lovely


 Agad na humiling ng paumanhin ang It's Your Lucky Day host na si Luis Manzano matapos ang pagbibitiw ng joke ng isa sa mga co-host niya sa nasabing show.


Sa naging episode ng It's Your Lucky Day nitong martes October 24, 2023, sinagot ng bawat host ang question of the day na 'Ano ang isang desisyon ninyo sa buhay na pinili niyong gawin noon pero ngayon pinagtatawanan niyo na lang?'


Tulad ng nakasanayan, si Petite ang naunang sumagot.


"Siguro sa jowa. Tila totoo ang kasabihan na 'pag-ibig pag tumama sa puso, hahamakin ang lahat masunod ka lamang'."


Ibinahagi pa ni Petite ang isang kwento ng kanyang ex na nagkaroon umano ng kidney failure.


"Kasi ang ex ko nagkasakit siya, nagkaroon siya ng kidney failure. Kailangan po ng donasyon ng kidney para sa kanya so yung lola ko kinausap ko na baka pwedeng ibigay mo nalang ang kidney mo kasi bata pa siya.


"Hindi pumayag ang lola ko so ang ginawa ko, kinuha ko ng mano mano gamit ko lang yung nailcutter."


Dagdag pang pagbibiro ni Petite, na sa tuwing bumibisita ang kanyang jowa sa bahay nila, napapasigae na lamang ang kanyang lola na nasa wheelchair dahil sa trauma na inabot nito.


Matapos ang pagsagot ng ilan pang mga host, biglang sumingit si Luis Manzano upang humingi ng paumanhin sa naging joke umano ni Petite na maaring naka-offend sa mga taong pinagdadaanan ang kidney failure.


Natameme naman si Petite matapos ang pagsingit na ito ni Luis na tila pinag-iisapan pa kung totoong nakaka-offend ang kanyang joke.


Matatandaan na hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na inireklamo si Petite dahil sa kanyang mga nakaka-offend na jokes.


Sa kamakailang vlog niya, pinuna rin ng mga netizens ang kanyang naging joke patungkol sa mga katutubo.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo