Kim Chiu, Xian Lim Hindi Pa Hiwalay Lay Low Lang Para Sa Ka-Love Team Nila

Miyerkules, Oktubre 25, 2023

/ by Lovely


 Tuluyan nang tinuldukan ng Kapamilya actress na si Kim Chiu ang balitang naghiwalay na sila ng kanyang long time boyfriend na si Xian Lim.


Hanggang ngayon ay kumakalat pa rin sa social media ang mga usap-usapang naghiwalay na umano sina Kim Chiu at Xian Lim.


Nag-ugat ang isyung ito sa malimit na pagsasama nina Kim Chiu sa mga event kagaya noon nagdaang ABS-CBN's Ball.


Hindi na rin nakikita ang dalawa na nagkakasama sa mga bakasyon.


Napansin din ng mga netizens na hindi na nila-like nina Kim Chiu at Xian ang kani-kanilang mga social media post.


Samantala, tila binasag na ni Kim Chiu ang isyung hiwalayan nila ni Xian Lim. Makikitang ni-like na ni Kim Chiu ang latest post ni Xian Lim sa kanyang Instagram account.


Bagama't hindi naman ito nag-iwan ng komento, naniniwala ang mga KimXi fans na indikasyon ang paglike ni Kim Chiu na maayos parin ang kanilang relasyon.


Naniniwala ang kanilang mga tagahanga na ang totoong dahilan kung bakit tila nanahimik sina Kim at Xian ay ang pagkakaroon nila ng projects kung saan may katambal silang ibang mga artista.


Hindi naman umano ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagla-lay low ang mga celebrity couples sa tuwing may mga projects sila dahil may sinusunod silang protocol.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo