Gail Francesca Rait Bagong E.A.T Host, Kontrata Pirmado Na

Miyerkules, Oktubre 25, 2023

/ by Lovely


Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang sinasabing bunsong anak ng Master Rapper na papasok umano sa mundo ng showbiz ar susunod sa yapak ng kanyang ama matapos ang 15 years na pananahimik.


Umaani ngayon ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang biglaang pagbubunyag ni Abegail Rait sa naging relasyon nila noon ni Francis Magalona at ang pagpapakilala niya sa kanilang anak.


Marami ang naghinala na ginawa ito ngayon ng mag-ina para madaling makapasok sa showbiz si Francesca.


Samantala, usap-usapan naman ngayon sa social media ang pagpasok ni Francesca sa E.A.T dahil sa tulong ng TVJ.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, isa umano sa mga habilin noon ni Francis Magalona sa TVJ ay gabayan ng mga ito ang kanyang bunsong anak sa pagdating nga tamang panahon.


Dumating naman ang tamang panahon dahil kamakailan lamang ay ipinahayag ni Francesca na gusto niyang sundan ang yapak ng ama sa showbiz.


Unang mapapanood si Francesca M sa E.A.T sa darating na November 6, 2023.


Matatandaan na naging bahagi noon ng Eat Bulaga at nakasama ng TVJ bago ito pumanaw noong 2009.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo