Maxene Magalona Sinupalpal Ng Isang Video Si Abegail Rait

Miyerkules, Oktubre 25, 2023

/ by Lovely


 Bagama't walang diretsahang sagot ang aktres na si Maxene Magalona hinggil sa paglalantad ni Abegail Rait sa naging relasyon nila ni Francis Magalona noon.


Ipinahayag pa ni Abegail Rait na mahal na mahal sila noon ng kanyang anak ni Francis at may mga plano pa umano ang mga ito para sa kanilang future na magkasama.


Samantala, tila sinagot naman ito ni Maxene Magalona sa pamamagitan ng pagbabahagi ng video kung saan makikita ang bonding nila ng kanyang ama.


Ipinakita niya na kung mahal man nito noon sina Abegail, mas mahal sila nito bilang original family.


Makikita sa nasabing video na kinakantahan ni Francis M si Maxene na labis namang ikinatuwa ng huli.


Sa kabilang banda, makikita naman sa mga naunang post ni Maxene sa kanyang Instagram ang kanyang pangangalaga sa kanyang katahimikan sa kabila ng mga nililikhang ingay dahil sa paglalantad ni Abegail.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin naglalabas ng opisyal na pahayag ang original na pamilya ni Francis Magalona hinggil sa isiniwalat ni Abegail.


Hindi rin nila sinagot ang naging kahilingan ni Gaile Francesca na tanggapin siya ng mga kapatid dahil wala naman umano siyang masamang intensyon sa paglalantad.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo