Barbie Forteza, Nag-React Sa Zoro Costumes Nina Jak Roberto, David Licauco

Huwebes, Oktubre 26, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay ng reaction ang aktres na si Barbie Forteza sa pagkakapareho ng costume ng ka-loveteam niyang si David Licauco at real life boyfriend na si Jak Roberto.


Nagkapareho ng costume sina Jak Roberto at David Licauco sa nagdaang Sparkle Spell Halloween Party kung saan parehong nagsuot sila ng Rinoa Zoro mula sa sikat na karakter ng hit anime series na One Piece.


Hindi naman napigil ng ilang mga netizens na tanungin si Barbie kung sino ang Zoro na pipiliin.


Sa kabilang banda, naitanong naman kay David Licauco kung bakit napili niya ang pagsusuot ng Zoro costume sa panayam niya kay Nelson Canlas.


Ayon kay David, may nakapagsabi umano sa kanya na kamukha niya ng slight.


Samantala, ganito naman umano ang nangyari kay Jak, may nakapagsabi din umano sa kanya na kahawig niya ang nasabing karakter.


Pahayag na lamang ni Jak, na uso pala ngayon online ang pagsusuot ng Zoro costume na tinatawag niyang Zoro Multiverse.


Sa kabilang banda, nahingan naman ng reaksyon si Barbie Forteza hinggil sa pagkakapareha ng costume nina David at Jak.


Ayon kay Barbie Forteza, natatawa siya sa pagkakapareho ng dalawa na para bang nag-usap umano ang mga ito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo