Heart Evangelista, Marian Rivera Naayos Na Ang Matagal Nang Alitan

Huwebes, Oktubre 26, 2023

/ by Lovely


Ikinatuwa ng mga fans nina Marian Rivera at Heart Evangelista ang kanilang pagkakaayos matapos ang matagal na alitan.


Agad na napansin ng mga mapanuring mata ng mga netizens na pina-follow na ngayon nina Marian Rivera at Heart Evangelista ang isa't-isa sa Instagram.


Matatandaan na nagkaroon ng alitan noon sina Marian Rivera at Heart Evangelista nang magkasama sila sa remake series na Temptation Island na ipinalabas noong 2011.


Lagpas isang dekada na nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa kaya naman marami ang nasiyahan na ngayon ay tila naayos na nila ang anumang gusot sa kanilang pagitan.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, pinili ng dalawa na ayusin ang hindi nila pagkakaunawaan sa pribadong paraan.


Nag-ugat umano ang alitan ng dalawa sa isang insidente sa airport na sangkot ang ina ni Heart. Nais sana umanong magpaalam noon ni Marian Rivera kay Heart subalit sinigawan umano ng ina ng huli si Marian at pinalayo sa kanyang anak.


Bukod dito, pinagsabihan pa umano ng ina ni Heart ng masasakit na salita si Marian Rivera na noon ay nagsisimula pa lamang sa kanyang showbiz career.


Isa pa sa mga itinuturong dahilan ng alitan ng dalawang aktres ay ang pag-amin noon ng dating nobyo ni Heart Evangelista na nais niyang makatambal sa iisang proyekto si Marian Rivera.


Nagpasaring din umano noon si Heart Evangelista kay Marian patungkol sa pagtatrabaho kasama si Dingdong Dantes na nobyo naman noon ni Marian Rivera.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo