Kyle Echarri Todo Alalay Kay Andrea Brillantes Sa It's Your Lucky Day

Miyerkules, Oktubre 25, 2023

/ by Lovely


 Hindi nakapasok ngayong araw sina Andrea Brillantes at Kyle Echarri sa It's Your Lucky Day dahil may nakaschedule silang taping para seryeng pinagbibidahan nila, ang Senior High.


Sa kabila nito, ipinakita naman ng nasabing show ang ilang off-cam moment ng dalawa na labis na nagpakilig sa kanilang mga tagahanga.


Makikita sa nasabing video ang pag-alalay ni Kyle Echarri kay Andrea Brillantes habang papunta sila sa stage. Maging sa kanilang mga performance ay makikitang palaging nasa tabi lamang ni Andrea si Kyle Echarri.


Labis naman ang kilig na nadarama ng mga KyleDrea Fans ngayon dahil mas lalo pa silang naging close ngayon.


Marami pa rin ang umaasa na sana'y maging sunod-sunod na ang mga proyekto nina Andrea Brillantes at Kyle Echarri na magkasama tuluyan nang maging magka-loveteam.


Matatandaan na nilinaw noon nina Andrea at Kyle na wala silang balak na pumasok sa isang loveteam at nais na lamang mag-solo.


Marami ang nagsasabi na bagay naman ang dalawa at may malakas ring chemistry.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo