Andrea Brillantes Pinupuntahan Si Ricci Rivero Para Makipagbalikan

Miyerkules, Oktubre 25, 2023

/ by Lovely

May panibagong pasabog na naman ang basketball player na si Ricci Rivero, hinggil sa naging relasyon at hiwalayan nila noon ng aktres na si Andrea Brillantes.


Sa online show na Marites University, isiniwalat ni Ricci Rivero na hiwalay na sila ni Andrea noon pang May 6, 2023. Nakilala naman umano niya si Leren Mae Bautista ng May 26, 2023 kaya hindi aniya third party ang konsehala sa hiwalayan nila ni Andrea.


“doon lang tayo sa totoo. Hindi third party si leren alam nila ‘yan. Huwag silang pa-click bait para makuha ang simpatiya ng tao at sirain kami. Magmo-move on kami nang maayos nang walang nasasaktan dahil hindi na ako papayag na may madamay pang iba para lang sa good publicity nila," panimulang mensahe ni Ricci Rivero. 


“Nakilala ko si Leren, May 26… And alam nilang mag-bestfriend na wala na kami that time. We broke up a couple times na early this year kaya magulo na talaga."


"Nakikipagbalikan siya and nung last time na May 6 sinabi niya na wala na, end na because of the girl na alam naman niya na kasama ng friend ko ‘yun na pumunta doon. So paanong overlap doon?”


Dagdag pang pagsisiwalat ni Ricci Rivero sa mensaheng ipinadala niya kay DJ Jaihoo na ilang beses na nagpunta si Andrea Brillantes sa kanyang condo kahit pa dis oras ng gabi o di kaya'y madaling araw para lamang makipagbalikan sa kanya.


“Pumupunta siya ng condo ko nang madaling-araw ilang beses for what? Para makipagbalikan. Nag-yes ba ako? Hindi, kasi ayoko na and sinabi ko ‘yan sa kanya paulit-ulit so I am the bad person here for not publicly telling everyone that I am single."


"She asked me not to let people know muna kasi baka masira ang image niya tapos nung hindi ako pumayag makipagbalikan, sisiraan na ako bigla,” pagpapaliwanag ni Ricci.


Nilinaw din ni Ricci ang kanyang dahilan kung bakit sinagot niya si Bea Borres, isa sa mga kaibigan ni Andrea Brillantes.


“Never akong pumatol sa kanila kahit sa lahat ng pagpaparinig nila. We all know who she’s pertaining to sa mga tweets niya from the very start. Nag-reply ako kasi sumosobra na sila and meron naman talaga ako alam sa kanila pareho pero hindi ako nagsasalita kasi hindi ako ‘yung tao para manira.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo