Chie Filomeno Nagal1t Sa Sinabi Ni Kyle Echarri Sa It's Your Lucky Day!

Huwebes, Oktubre 26, 2023

/ by Lovely


 Nagreact ang aktres na si Chie Felomino sa sinabi ng aktor na si Kyle Echarri sa It's Your Lucky Day patungkol sa kanyang mga ginawa noon sa PBB.


Usap-usapan ngayon sa social media ang tweet ng aktres na si Chie Felomino. Tila apektado ang aktres sa mga isiniwalat ni Kyle Echarri sa nasabing noontime show.


Noong martes sa episode ng It's Your Lucky Day, isa-isang sinagot ng mga host ang question of the day na 'Kung anong desisyon na nagawa nila noon na pinagsisihan nila pero tinatawanan na lamang nila ngayon'.


Ayon  kay Kyle Echarri, pinag-sisisihan niya ang mga nagawa niya during PBB days. Tila hindi naman intensyon ni Kyle Echarri na may maoffend sa kanyang sinabi.


Naging malinaw din naman sa kanyang mga co-host na ang kanyang tinutukoy ay ang mga kalokohan na pinagagawa niya noon sa loob ng bahay ni Kuya.


Gayunpaman, tila nasaktan rito ang aktres na si Chie Felomino, hinala niya na ang mga ginawa nila noon sa PBB na magkasama ang pinagtatawanan na lamang ngayon ng aktor.


"The amazing human beings inside that house made me understand people more on a deeper level. Never magiging katawatawa ang experience ko sa loob ng bahay ☺️ I will NEVER regret the things that made me smile 


"wag na lang tayo mandamay nang ibang tao para sa sariling benepisyo, tahimik na ang buhay ko eh. Goodnight"


Agad namang sinaway ng mga netizens si Chie Felomino at ipinagtanggol si Kyle dahil wala naman umano itong sinabi na ang ginawa nila ni Chie noon ang kanyang tinutukoy.


Gayunpaman, muling sinagot ni Chie ang tweet ng netizen kung saan ipinunto niya na kung ang ginawa ni Kyle ang kanyang tinutukoy bakit hindi nito sinagot ang tanong ni Luis Manzano.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo