Ipinapakita ang mga post na may etiketa na celebrations. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na celebrations. Ipakita ang lahat ng mga post

Pagpapalayas Kay Sarah Geronimo at Matteo Ng Inang Si Divine, Binalikan Matapos Tawagin Ni Sarah Bilang 'Hero' Ang Ina

Walang komento

Martes, Marso 12, 2024


 Sa gitna ng mga usap-usapan ngayon patungkol sa pagbati ni Sarah Geronimo sa kanyang ina na si Mommy Divine sa kanyang pagtanggap ng award sa Billboard's Women in Music 2024, marami ang binalikan ang mga ginawa ng ina  matapos itong suwayin ng aktres.


Sa kamakailang panayam kay Sarah Geronimo, ipinahayag niya sa buong mundo ang kanyang pagmamahal at pagka-proud sa kanyang ina. Sinabi pa niya na ito ang naging hero sa kanyang buhay at nagpapasalamat siya sa lahat ng mga sakripisyo nito para sa kanilang pamilya.


Dahil sa naging pahayag na ito ni Sarah Geronimo, binalikan ng mga netizens ang mga nakaraang kontrobersya at mga ginawa ng ina ni Sarah Geronimo habang nasa puder pa siya nito at matapos ang pagpapakasal niya kay Matteo Guidicelli.


Marami sa mga netizens ang tumaas ang kilay sa naging pahayag ni Sarah Geronimo dahil tila ginamit lamang nito ang kanyang ina para maging impactful ang kanyang speech gayung hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hindi maayos ang kanilang relasyon ngayon.


Ilang beses rin umanong nadamay sa kontrobersiya ang singer dahil sa ginagawa ng kanyang ina.


Hindi rin naman ito ang unang pagkakataon na binati ni Sarah Geronimo ang kanyang mga magulang partikular na ang kanyang ina sa publiko.


Matatandaan na noong 20th anniversary celebration ni Sarah Geronimo ay binati rin niya ang kanyang ina subalit hindi man lamang siya nakatanggap ng reaksyon mula sa mga ito.


Bagama't marami ang naantig sa ginagawang pagpapakumbaba ni Sarah Geronimo sa kanyang mga magulang at sa consistency nito sa paghingi ng paumanhin at pagreach out ay marami narin ang tila nagbabahid ng malisya sa ginagawa ng singer.


Sinasabi nilang tila ginagamit na lamang rin ni Sarah ang isyu nila ng kanyang mga magulang upang mapag-usapan sa tuwing may malalaki siyang event kagaya na lamang noong mayroon siyang comeback concert at sa pagtanggap niya ng award ngayon.


Binalikan pa ng ilang mga fans ni Sarah Geronimo ang pagpapalayas sa kanila ni Mommy Divine sa bahay at sa tinitirhan nitong subdivision sa Quezon, City.


Bukod sa pagpapalayas ni Mommy Divine, sinabihan rin umano ni Mommy Divine ang mga guards ng subdivision na bawal nang pumasok ang mag-asawa sa kanilang lugar.


Hindi naman sumusuko si Sarah Geronimo sa panunyo niya sa kanyang mga magulang subalit, tila magpahanggang ngayon ay bigo pa rin ang actress-singer na mapatawad at matanggap muli ng mga ito.


@kapamilyaonlineworld2 Popstar Royalty Sarah Geronimo salutes Mommy Divine, her mother and Hero. 🥹🥹🥹 “Shout out to my mother. Mommy Divine Geronimo. You are the best. You are my hero. I love you very much.” SARAH G BILLBOARD HONOREE #BBWomenInMusic  #GlobalForceSarahG #sarahgerinimo #popstarroyalty #foryou #fyp #trending #viral #abscbn #starmagic #kapamilyaforever #kapamilyachannel #philippines #primetimebida #primetime #fypシ゚viral #tfc #thefilipinochannel #artist #actor #universe #action ♬ original sound - Kapamilya Online World

Mommy Divine May Mga Kondisyon Bago Nakipag Ayos Kay Sarah Geronimo!

Walang komento

Lunes, Marso 11, 2024


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang balitang nagkaayos na umano ang mag-inang sina Sarah Geronimo at Divine Geronimo.


Marami ang naghinala na baka tuluyan nang nagkaayos sina Popstar Royalty Sarah Geronimo at Mommy Divine Geronimo matapos ang ilang taong alitan dahil sa pakikipagrelasyon at pagpapakasal ni Sarah Geronimo kay Matteo Guidicelli sa kabila ng mahigpit na pagtutol ng kanyang ina.


Subalit, tila nagkaayos na rin sa wakas ang mag-iina dahil sa kamakailang panayam kay Sarah Geronimo sa pagtanggap niya sa parangal na Global Force Awards ay binati niya ang kanyang ina na si Mommy Divine.


Inihayag ni Sarah Geronimo ang kanyang pasasalamat at pagmamahal kay Mommy Divine bilang kanyang 'Hero'. Pinasalamatan rin niya ito sa lahat ng mga sakripisyong ginawa nito para sa kanya at sa kanilang pamilya.


Bilang married woman, naiintindihan na rin umano niya ang mga pinagdadaanan ng karamihan ng married woman dahil alam na umano niya na talagang hindi madali ang pagkakaroon ng asawa.


Nauna na rito, napag-usapan sa isang episode ng Marites University ang pagkakabati umano nina Sarah Geronimo at ina nitong si Mommy Divine.


Marami naman ang nasiyahan sa balitang ito dahil ilang taon na ring hindi maayos ang relasyon nilang mag-iina at sa katunayan ay hindi na pinapayagan ni Mommy Divine na magpunta si Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli maski sa village na tinitirhan ng mga ito.


Maging ang mga liham ni Sarah Geronimo ay hindi rin sinasagot ng kanyang ina at paligi lamang nilang dinidedma ang mga pagbati ng singer sa mga importanteng mga okasyon.


Tila napatunayan rin naman ni Sarah Geronimo na hindi siya nagkamali sa pagpili ng lalaki dahil hanggang ngayon ay going strong parin ang relasyon nila sa kabila ng hindi nila pagkakaroon ng anak.


Samantala, marami naman ang nasisiyahan sa mga balitang nagkaayos na sina Sarah Geronimo at ina niyang si Mommy Divine.


Subalit, hindi rin naman maiiwasan na may kakalat na balitang may mga kondisyon umano si Mommy Divine sa pagkikipagkasundo nito kay Sarah Geronimo.


Hindi naman isiniwalat ng mga sources kung ano-ano ang kondisyunis ng mga magulang ni Sarah Geronimo subalit marami ang naghinala na may kaugnayan naman ito sa pera na noon paman ay isyu na sa pagitan nila.



May Pinaboran? Netizens Nagulat Sa Ginawa Ng Abs Cbn!

Walang komento


 Nagsanib pwersa ang mga female young star ng ABS-CBN na sina Belle Mariano, Alexa Ilacad at Francine Diaz para sa iisang awitin.


Sina Belle Mariano, Alexa Ilacad at Francine Diaz ang napiling kumanta sa theme song ng Star Magical Prom 2024 na pinamagatang 'Believing in Magic'.


Bongga ang naging collaboration ng mga nasabing female young stars ng Star Magic, kaagad din itong umani ng samu't-saring papuri mula sa mga netizens. Dahil dito, kaagad itong nagtrending sa iba't-ibang mga social media platforms.


Sa kabila naman ng mga papuring natatanggap ng tatlo, marami rin ang hindi naiwasang pagkumparahin ang tatlo sa kung sino ang may pinakamagandang boses. 


Marami sa mga fans nina Francine Diaz at Alexa Ilacad dahil kay Belle Mariano napunta ang end ng title lyrics nito sa YouTube.


Samantala, kaagad namang dumipensa ang mga fans ni Belle Mariano kung saan iginiit nilang deserve naman ng aktres na sa kanya nararapat na mapunta ang end ng song dahil sa malaking kontribusyon niya sa ABS-CBN kung ikukumpara kina Alexa Ilacad at Francine Diaz.



Iginiit pa ng ilang mga fans ni Belle Mariano ang ilan sa mga hit projects na ginawa ng aktres kagaya na lamang ng He's Into Her, Top song, sold out concerts, hit series na Can't Buy Me Love. 


Bukod pa rito, si Belle Mariano rin ang hinirang bilang prom queen noong nakaraang taon habang ang kanyang ka-loveteam na si Donny Pangilinan ang tinaguriang Prom King.


May mga fans naman ni Francine Diaz ang bumwelta na nauna naman umanong sumikat at nakilala ang aktres sa teleseryeng Kadenang Ginto noon.


Samantala, iginiit naman ng mga fans na si Alexa Ilacad na bagama't wala pang napapatunayan ang aktres sa larangan ng pag-arte, ito naman umano ang mayroong pinakamagandang boses sa pagitan ng  tatlo kaya dapat sa kanyang napupunta ang magagandang parte ng song.


Ipinahayag rin ng ibang mga fans na ang tinig naman ni Alexa Ilacad ang siyang nangingibabaw sa kanta. May mga nagsasabi pa na mas bongga umanong magpakilig ang KDLex loveteam o ang tambalan nina Alexa Ilacad at KD Estrada.


Sa kabila naman ng mga pagtatalo ng ilang mga fans, marami parin ang nasisiyahan at natutuwa sa collaboration ng tatlo dahil ipinapahiwatig na umano ng ABS-CBN kung sino-sino ang magiging future ng network na susunod sa mga yapak noon ng tambalang KathNiel, JaDine, at LizQuen.




Ria Atayde Binuntis Ni Zanjoe Marudo! Sylvia Sanchez Naglabas Ng Saloobin

Walang komento

Lunes, Pebrero 26, 2024


 Naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang patungkol sa pagiging engaged ng celebrity couple na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.


Bagama't marami ang nasiyahan sa pagiging engaged ng dalawa matapos ang mahigit isang taon na relasyon hindi pa rin maiiwasan na may ilang mga netizens na magbibigay kulay sa mga nangyayari.


May mga naglabasang mga balitan na kaya nagpropose si Zanjoe Marudo kay Ria Atayde ay dahil nagdadalang tao na umano ang aktres.


Nag-ugat ang mga haka-hakang ito nang may lumabas na blind item na pinaghihinalaang si Ria Atayde ang tinutukoy. Sa kamakailang episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, nitng February 22, napag-usapan nina Ogie Diaz ang patungkol sa blind item na ito.


Ayon kay Ogie Diaz, may mga naglabasang blind item patungkol sa isang aktres na nabuntis ng aktor. Ang aktres umanong ito ay may kapatid na lalaking aktor at ang kanilang ina ay isang aktres.


Inilahad naman ni Mama Loi na marami sa mga netizens ang nagtuturo kay Ria Atayde bilang tinutukoy sa nasabing blind item dahil sa biglaan nilang announcement ng kanilang engagement.


Bukod pa rito, ang ina ni Ria Atayde ay si Sylvia Sanchez na isang aktres habang kapatid naman niya si Arjo Atayde na isa ring aktor. Marami naman ang naghinalang may katuturan naman ang mga hinala ng mga netizens sa nangyayari.


May mga nagsasabi naman na hintayin na lamang ang pag-amin ng dalawa kung sakali mang totoong nagbubuntis na si Ria Atayde dahil nasa tamang edad na rin naman ito.


Samantala, iginiit naman ni Ogie Diaz na kung totoong buntis man si Ria Atayde ay hindi umano nararapat na sila ang mag-aannounce. Mas nararapat umano na ang dalawa ang mag-announce kung sakaling totoong buntis na ang aktres.


Matatandaan, na inanunsyo ni Ria Atayde ang kanilang engagement ni Zanjoe Marudo sa pamamagitan ng isang social media post noong February 23, 2024. Kaagad namang bumuhos ang mga mensahe ng pagbati para sa dalawa.


Maging ang kanyang ina na si Sylvia Sanchez ay ipinahayag rin ang kanyang tuwa sa pagkaka-engage ng kanyang anak kay Zanjoe Marudo.


Actual Video Ng Biglaang Wedding Proposal Kay Karylle Ng Mister Nyang Si Yael Yuzon Sa Showtime

Walang komento


 Hindi inaasahan ng It's Showtime host na si Karylle na may mangyayaring pasabog sa kamakailang episode ng It's Showtime matapos ang kanyang spiel.


Nitong February 26, 2024, isang araw bago ang 10th wedding anniversary nila ng kanyang mister na si Yael Yuzon, labis na nasurpresa si Karylle sa biglaang paglabas nito at pagpopropose sa kanya.


Hindi inaasahan ni Karylle na muling magpo-propose sa kanya ang kanyang mister na si Yael Yuzon para sa kanilang renewal of vows sa pag-uumpisa ng episode ng It's Showtime.


Bago naganap ang proposal, binabati ng It's Showtime family si Karylle para sa kanyang matagumpay ng Ballet Musical show niya na Rama Hari kung saan gumanap siya bilang si Sita. Matapos ang batian biglang lumabas si Yael at ginawa na ang hinandang surpresa si Karylle.


Ayon naman kay Yael Yuzon, hindi umano sanay si Karylle na sinusurpresa ng ganoon dahil gusto ng actress na nakaplano at alam niya itong lahat.


Aminado naman si Yael na hindi naging smooth ang pagsasama nila ni Karylle sa loob ng 10 years, nagkaroon din umano sila ng mga ups and downs. Mas special na rin umano sa pagkakataong ito dahil mayroon na silang 10 years.


Marami naman sa mga madlang pipol ang kinilig sa stunt na ginawa ni Yael Yuzon sa muling pagpopropose niya sa kanyang asawa na si Karylle. Kaagad ring bumuhos sa social media ang mensahe ng pagbati para sa kanilang dalawa.


@abscbnpr Congrats #Karylle and #Yael! Happy 10 years! Sinopresa nga ni Yael ang asawa sa #ItsShowtime nang magpropose ito sa kanya muli. #proposal #anniversary #showtime #kapamilya #husbandwife #kapamilyaforever #fyp #foryou #foryoupage #surprise #abscbn ♬ original sound - ABS-CBN PR

Julia Barretto at Amang Si Dennis Padilla Nagkabati Na

Walang komento


 Masayang ibinahagi ng comedian actor na si Dennis Padilla na nakatanggap siya ng text message mula sa kanyang anak na si Julia Barretto.


Sa isang panayam kay Dennis Padilla, inilahad niya ang kanyang kasiyahan at sa katunayan ay naging emosyunal pa umano siya ng mabasa ang mensahe ng kanyang anak para sa kanya.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na nagkaroon muli ng gap sa pagitan nina Dennis Padilla at kanyang mga anak kay Marjorie Barretto sa hindi malamang dahilan. Maging si Julia Barretto ay tikom din ang bibig kung bakit muli silang nagkaroon ng isyu sa kanilang ama noong 2022.


Subalit sa pagbabahagi ni Dennis Padilla sa pagbati sa kanya ni Julia Barretto para sa kanyang kaarawan ay tila nalalapit na rin ang tuluyang pagkakaayos nila.


Marami naman sa ilang mga netizens ang nagsasabi na talagang totoo ang kasabihan na 'blood is thicker than water'.


Matatandaan na noong February 6, 2024 ay nagbahagi ng mga larawan si Dennis Padilla ng kanyang mga anak kay Marjorie Barretto na sina Julia at Claudia Barretto. Sa caption, muling ipinahayag ni Dennis Padilla kung gaano na niya ka-miss ang kanyang mga anak. Ginamit naman niya bilang background music ang awiting Love is All That Matters.


Tila nagkatroon naman ng magandang resulta ang patuloy na pagri-reach out ni Dennis Padilla para sa kanyang mga anak dahil nitong kaarawan niya ay nagpadala umano ng text message si Julia Barretto sa kanya.


Masayang isiniwalat ni Dennis Padilla na may komunikasyon na muli sila ni Julia Barretto dahil sa pagbati nito sa kanya noong 62nd birthday niya.


Sa isang video na kumakalat ngayon sa social media, makikita ang pagpapahayag ni Dennis Padilla na nais niyang maihatid si Julia Barretto sa altar kapag nagpakasal na ito.


Subalit kung hindi man siya mapabibigyan ng opportunity na iyon ay nais na lamang niya na kahit ma-witness lamang ang pagpapakasal ni Julia Barretto. Hiling din ni Dennis na magkaayos na sila ng tuluyan, hindi lamang si Julia, pati na rin sina Claudia at Leon Barretto.



@mjmarfori #fyp #DennisPadilla tinext na ng anak na si #JuliaBarretto ! Plano ni Dennis na mas kausapin pa ang anak privately. #entertainmentnewsph #WhenMagicHurts pcon #parentsoftiktok ♬ original sound - Mj Marfori

Hindi Pabor Si Dina Bonnevie Sa Pagdami Ng Anak Nina Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto!

Walang komento

Miyerkules, Pebrero 21, 2024

Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang umano'y reakson ng ina ni Oyo Sotto na si Dina Bonnivie sa muling pagdadalangtao ni Kristine Hermosa.



Matatandaan na masayang isiniwalat ni Kristine Hermosa sa kanyang Instagram account ang balitang muli na naman siyang nagdadalang tao sa edad na 40 years sa ikaanim nilang anak ni Oyo Sotto.


Inihayag pa noon ni Kristine Hermosa kung paano siya kasaya at ka-excited nang makita niya ang positive pregnancy test kahit pa ilang beses na rin naman umano siyang nanganak noon. Ang kanyang kasiyahan ay katulad pa rin umano sa unang pagkakataon nang malaman niyang nagbubuntis siya noon.


Kaagad namang bumuhos ang mga mensahe ng pagbati para kina Kristine Hermosa at Oyo Sotto sa pagkakaroon muli nila ng supling.


Samantala, aminado naman si Kristine Hermosa na talagang nasurpresa siya nang malaman niya nagbubuntis siyang muli dahil mayroon na silang limang anak ni Oyo Boy Sotto. Bukod pa rito nasa 40s na rin siya kaya naman hindi na umano niya inaasahan ang pagbubuntis.


Gayunpaman, alam umano ni Kristine Hermosa na by God's will ang kanyang pagbubuntis ngayon kaya naman masaya pa rin niya itong tinatanggap. 


Sa kabilang banda, may ilang mga netizens naman ang nagsasabi na napakarami na ng mga anak nina Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto. Sa katunayan maging ang ina umano ni Oyo Sotto na si Dina Bonnevie ay tila hindi na rin nasisiyahan sa pagkakaroon ng sunod-sunod na anak nina Kristine Hermosa at Oyo Sotto.


Sa isang panayam kay Dina Bonnevie, inamin umano ng batikang artista na pinagsabihan na niya sina Kristine Hermosa at Oyo Sotto na tama na ang pag-anak dahil nakakarami na rin naman sila.


Samantala, naniniwala naman ang mga fans nina Kristine Hermosa at Oyo Sotto na wala namang problema kung magkaroon man ng maraming anak ang dalawa dahil kaya naman nila itong buhayin.

 

Ria Atayde, Zanjoe Marudo Engaged Na!

Walang komento

Martes, Pebrero 20, 2024


 Sa gitna ng mga sunod-sunod na nangyayaring hiwalayan ngayon sa pagitan ng mga celebrity couple, nagkaroon ng pag-asa ang mga netizens na mapuputol na ang trend dahil sa pagsisiwalat ni Ria Atayde sa engagement nila ni Zanjoe Marudo.


Isiniwalat mismo ni Ria Atayde sa kanyang social media account ang masayang balita patungkol sa panibagong journey nila ni Zanjoe Marudo bilang isang engaged couple.


Hindi naman nagbigay ng anumang detalye si Ria Atayde patungkol sa nangyaring engagement nila ni Zanjoe Marudo, tanging maikling mensahe lamang kung saan inihayag niyang handa siya makasama panghabangbuhay si Zanjoe Marudo kalakip ang larawan kung saan ibinida niya ang kanyang engagement ring.


Samantala, ibinahagi naman ni Zanjoe Marudo ang isang sweet photo nila ni Ria Atayde habang nakahiga kung saan binati niya ito sa caption bilang fiance.


Kaagad namang bumuhos ang mga mensahe ng pagbati para sa celebrity couple mula sa kanilang mga fans at maging ng mga kasamahan nila sa industriya ng showbiz.


Sa kabilang banda marami naman ang humihiling na sana ay matuldukan na ng engagement nina Ria Atayde at Zannjoe Marudo ang sunod-sunod na hiwalayan ng mga celebrity couples.


Matatandaan na magkasunod na naibabalita noon ang hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Miles Ocampo at Elijah Canlas, Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, Kim Chiu at Xian Lim at kamakailan lamang ang nakakagulat na paghihiwalay nina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Sa lahat ng nabanggit ang hiwalayan ng celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque ang pinakahindi inaasahan sa lahat dahil nasa gitna na sila ng pagpaplano para sana sa kanilang kasal.


Samantala, hindi naman maiiwasan na may ilang mga netizens talaga ang nagbahid ng malisya sa pagkaka-engaged nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo ilang linggo matapos makumpirmang naghiwalay na sina Dominic Roque at Bea Alonzo.


Sa nangyari ay tila ba ipinamumukha umano ngayon na naging masaya na ang mga ex ni Bea Alonzo habang ang aktres ay hindi pa rin umano settled sa kabila ng edad nito. Hindi rin naman kasi lingid sa kaalaman ng nakararami ang nakaraan nina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo noon na nauwi rin sa isang masalimoot na hiwalayan.



Detalye! Kristine Hermosa Pregnant Again Sa Pang Anim Na Anak Nila Ni Oyo Sotto at the Age of 40!!

Walang komento

Lunes, Pebrero 19, 2024


 Muling nagdadalang tao ang isa sa maituturing na may pinakamagandang mukha sa industriya ng showbiz na walang iba kundi si Cristine Hermosa sa pang-anim na anak nila ni Oyo Sotto sa kanyang edad ngayon na 40 years old.


Inamin naman ni Kristine Hermosa na bagama't hiniling niya na bibigyan sila ng kanyang asawa ng mga anak ng panginoon ay hindi umano niya inexpect na magkakaroon sila ng marami at madadagdagan pa ito.


Masayang ibinahagi ng dating aktres na si Kristine Hermosa na muli na naman silang nagbubuntis ng kanyang asawang si Oyo Sotto sa pang-anim nilang anak.


Samantala, sa isang Instagram post ibinahagi ni Kristine Hermosa ang larawan ng kanyang mister na si Oyo Sotto bilang pagbibigay pugay niya rito bilang isang haligi sa kanilang lumalaking pamilya. Kasunod naman nito ay ang larawan ng isang sonogram na larawan ng kanilang pang-anim na kasalukuyang nasa kanyang sinapupunan.


Ayon pa kay Kristine Hermosa na hiniling umano niyang mabuntis muli subalit hindi na siya nag-eexpect dahil sa kanyang edad. Gayunpaman, ipinahayag ni Kristine Reyes ang labis na kasiyahan na kapareho pa rin noong unang pagkakataon na siya ay nagdadalang tao.


Pagbabahagi ni Kristine Hermosa, "Funny as it may seem, but I still get those butterflies evertime I see double lines on the PT, kahit pa na ang dami na nila, parang laging 1st time.. ibat ibang level ng overwhelming emotions each stage of every pregnancy.  ibang level din when you can already see and hear the heartbeat iba lang talaga ang peace and joy pag galing kay God."


Dagdag pa niya, "One things for certain, we really cannot limit God’s power.. even how impossible it may seem —- God’s plans will always come into completion whether we like or not. akala ko noon, last na si Isaac… ngayon, hindi ko na talaga alam kay God.."


Kaagad namang bumuhos ang mga mensahe ng pagbati para kay Kristine Reyes sa panibagong blessings sa kanilang pamilya, marami ang masaya dahil magkakaroon na naman ng panibagong anghel sa kanilang buhay.


Nakakaiyak Na Wedding Vows Nina Heart Evangelista at Chiz Escudero

Walang komento

Biyernes, Pebrero 16, 2024


 Muling pinatunayan ng mag-asawang sina Heart Evangelista at Chiz Escudero sa publiko na matatag ang kanilang pagsasama sa loob ng maraming taon nila bilang mag-asawa.


Nitong huwebes February 15, 2024 naganap ang renewal of vows sa pagitan nina Heart Evangelista at Chiz Escudero sa Balesin Island kung saan sila nagpakasal noon sa parehong lugar at sa kaparehong petsa.


Kasabay ng wedding, inilabas rin ng Harpers Bazaar SG fashion magazine ang kanilang panibagong edition kung saan itinampok nila si Heart Evangelista at ang naganap na intimate renewal of vow nito.


Ibinahagi pa ng fashion magazine ang maikling behind the scenes ng naganap na photoshoot para sa fabulous beach wedding gown ni Heart Evangelista na gawa ng Lebanese fashion designer na si Elie Saab.


Naging mas espesyal ang renewal of vows nina Heart Evangelista at Chiz Escudero sa pagkakataong ito dahil sinamahan ni Cecile Ongpauco ang anak sa paglalakad sa aisle.


Malaki ang epekto nito dahil matatandaang hindi pumunta noon sa kasal nina Heart Evangelista at Chiz Escudero ang mga magulang ni Heart Evangelista dahil tumututol sila sa relasyon ng mga ito.


Subalit, sa tagal ng pagsasama nina Heart Evangelista at Chiz Escudero tila napatunayan na rin ng actress na masaya siya sa piling ni Chiz Escudero at totoong nagmamahalan silang dalawa.


Ilang beses ring naging emosyunal si Heart Evangelista sa kabuuan ng ceremony lalo na noong nagpalitan na sila ng wedding vows ni Sen. Chiz Escudero.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang ilan sa mga pinagdaanang pagsubok ng couple mula pa noong magkasintahan pa lamang ang mga ito. Una na rito ang pagtutol ng mga magulang ni Heart Evangelista sa kanilang relasyon.


May mga naglabasan ring isyu noon na ginawa lamang na panakip butas ni Heart Evangelista si Chiz Escudero sa kanyang failed relationhip. May mga nagsasabi ring tila nagrebelde umano si Heart Evangelista sa kanyang mga magulang kaya pinakasalan niya si Chiz Escudero na hayagang tinutulan ng kanyang mga magulang.


Hindi rin nakalagpas sa mga netizens ang matinding pagsubok na pinagdaanan ng dalawa noong 2022 kung saan napapabalita pa sa maraming mga pahayagan ang kanilang paghihiwalay.


Subalit, pinatunayan ng dalawa ang kasabihang love conquers all dahil sa pagiging masaya nila ngayon matapos ang lahat ng mga pagsubok na tila lalong nagpapalakas sa kanila.




Sa Wakas! Nanay Ni Heart Hindi Na Masama Ang Loob Kay Chiz! Dumalo Na Sa Renewal of Vows!

Walang komento


 Naging laman sa mga usap-usapan sa social media ang nakakakilig na renewal og vows ng mag-asawang Chiz Escudero at Heart Evangelista nitong hwebes February 15, 2024 sa Balesin Island.


Labis na lumutang ang ganda ni Heart Evangelista habang naglalakad sa aisle bakas sa mukha ang kasiyahan.


Tuwang-tuwa naman ang kanilang mga tagahanga sa matatag na pagsasama nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero sa kabila ng mga pinagdaanang marital issues sa loob ng siyam na taon nilang pagsasama.


Sa naganap na renewal of vows nina Heart Evangelista at Chiz Escudero ay nakadalo na rin ang ina ng fashion icon na si Cecile Ongpauco. Subalit, sa kasamaang palad ay hindi naman nakadalo ang ama nito na si Rey Ongpauco dahil kasalukuyan itong nagpapagamot sa United States.


Gayunpaman, marami pa rin sa mga loyal fans nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista ang natutuwa dahil sa wakas ay nakadalo na rin ang ina nitong si Cecile dahil hindi naman naging lingid sa kaalaman ng lahat ang nagdaang isyu sa pagitan nila noong nagpakasal si Heart Evangelista kay Chiz Escudero.


Matatandaan na parehong hindi dumalo sa kasal nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero ang parehong mga magulang ng aktres. Lalo pa itong naging kontrobersyal nang isapubliko ng mga ito ang kanilang pagtutol sa relasyon nina Heart Evangelista at Chiz Escudero.


Sa isang opisyal na pahayag noon ng ina ni Heart Evangelista tinawag pa niya noon si Chiz Escudero na isang arogante, alcoholic at bastos na tao. Noong 2015, tanging liham lamang ang natanggap ni Heart Evangelista mula kanyang ama sa mismong araw ng kasal nito.


Subalit, ngayon ay tila naging maayos naman ang kanilang relasyon ngayon at inamin na ng ama ni Heart Evangelista na nanghinayang siya na hindi siya dumalo sa kasal ng kanyang anak at sana ay noon pa sila nagkaayos.


Ang labis pa na ikinatuwa ng mga fans ni Heart Evangelista dahil mismong ang ina na nitong si Cecile ang naghatid sa kanya sa altar. Makikita pa sa video ang pagiging emosyunal nito habang yakap-yakap si Heart Evangelista.


Matatandaan na hinangaan rin ng mga netizens ang ginawang pagsuporta noon ni Cecile sa mag-asawang Chiz Escudero at Heart Evangelista nang magkaroon sila ng isyu noong 2022. Napapabalita kasi noon ang paghihiwalay nina Chiz Escudero at Heart Evangelista.


@celebrity_clips8 #fyp #fypシ #foryoupage #foryoupageofficiall ♬ original sound - D

Bea Alonzo Mag Isa Sa Valentines Day Kaya Sinurpresa Ng Kanyang Mga Angels

Walang komento


 Hindi na nakapagdiriwang ng Valentine's day ang celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque dahil sa kanilang paghihiwalay.


Ikinalungkot naman ito ng kanilang mga tagahanga dahil naging tradisyon na para sa mga ito ang pag-aabang sa kung ano ang hinandang surpresa ni Dominic Roque para kay Bea Alonzo.


Samantala, makikita sa social media post ni Bea Alonzo ipinakita niya ang mga nangyari sa kanya sa araw ng mga puso. Sa ibinahaging video ni Bea Alonzo makikita ang pagsupresa sa kanya ng mga kasama niya sa bahay.


Makikita pa sa video ang pagiging emosyunal ni Bea Alonzo dahil hindi niya inaasahan ang gagawin sa kanya ng kanyang mga angels.


Kabilang sa mga ibinahaging larawan ni Bea Alonzo ay ang kuha niya kasama ang kanyang alagang aso na si Walter White marami naman sa kanyang mga tagahanga ang napapatanong kung nasaan ang isa pa niyang pet na si Chico na ibinigay sa kanya noon ni Dominic Roque.


Marami naman ang naghinala na baka isinauli na rin ito ni Bea Alonzo kay Dominic Roque kasabay ng pagsasauli niya sa kanilang engagement ring.


Sa kabilang banda, kapansin-pansin naman sa ibinahaging video ni Bea Alonzo ang kalungkutan ng kanyang mukha habang nagdidiriwang ang lahat sa araw ng mga puso.


Dahil dito marami ang naghinala na apektado rin siya sa nangyaring hiwalayan nila ni Dominic Roque.


Sa panig naman ni Dominic Roque makikita ang pagpi-flex niya sa bouquet of flower na ibinigay niya sa kanyang ina na si Mommy Lena.


Sa ngayon, ay patuloy paring umaasa ang ilang mga tagahanga nina Bea Alonzo at Dominic Roque na maayos na ng dalawa ang kung anumang hindi pagkakaunawaan sa kanilang pagitan.


Matatandaan na ginulat nina Bea Alonzo at Dominic Roque ang kanilang mga tagahanga nang mapabalita ang kanilang paghihiwalay sa gitna ng paghahanda na sana nila sa kanilang pagpapakasal.


Ayon sa mga hinala ng mga netizens na isa sa mga dahilan ng hindi pagkakaunawaan nina Bea Alonzo at Dominic Roque ay may kinalaman sa usapin ng pera.



Daniel Padilla Sobrang Sweet Sa Kapatid Nyang Si Carmella Ford Sa 18th Birthday Party Nito

Walang komento

Lunes, Pebrero 12, 2024


 Hinangaan ng mga netizens ang closeness ng mga anak ni Karla Estrada na nasaksihan ng marami sa naganap na 18th birthday ng kanyang bunsong anak na si Carmella Ford na ginanap noong sabado.


Naroon naman sa nasabing celebrations ang kanilang mga mahal sa buhay, mga kamag-anak at malalapit na kaibigan sa loob at labas ng showbiz industry.


Kaagad naman na nagtrending sa ilang mga social media platforms ang sweet dance nina Daniel Padilla at Carmella Ford dahil kitang-kita umano ang pagiging malapit nila sa isa't-isa.


Ayon naman sa ilang mga tagahanga ng aktor na hindi lang naman kay Carmella malapit si Daniel Padilla kundi sa lahat ng kanyang mga kapatid na sina Magui at Jose Carlito.


Marami naman ang nakapansin sa ganda ni Carmella Ford kaya naman marami ang mga nagsasabing nararapat rin nitong pasukin ang industriya ng showbiz.


Samantala sa mga nakaraang panayam kay Carmella sinabi niyang handa siyang pumasok sa mundo ng showbiz kagaya ng kanyang kuya na si Daniel Padilla at ina na si Karla Estrada.


Gayunpaman, inilahad ni Carmella na wala sa kanya ang desisyong ito dahil nasa kanyang ina at kuya subalit kung siya man ang pagpapadesisyunin ay handa siyang pasukin ang magulong mundo ng showbiz.


Naitanong rin noon kay Carmella kung handa ba siyang harapin ang mga bashing at negative comments na kaakibat ng kanyang trabaho. Kaagad naman itong sinagot ni Carmella na gusto niyang subukan ang lahat ng ito.


Sa kabilang banda, ipinahayag naman ni Karla Estrada ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga tao na bumubuo sa pre-debut photoshoot ni Carmella na ginanap sa Bagac Bataan.


Ayon kay Karla Estrada, isa itong buwis buhay na karanasan dahil walang takot na umakyat sa mataas na puno si Carmella kaya naman tinatawag niya ito bilang warrior princess.


Pahayag ni Karla Estrada, malaki ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga suplliers na tumulong upang maging matagumpay ang pre-debut shoot ng kanyang anak at tinupad ng mga ito ang pangarap ng kanyang anak.


Hindi rin kinalimutan ni Karla Estrada na pasalamatan ang Nice Print Photography na nasa likod sa pag-capture sa masasayang moments ng kanilang pamilya sa debut ni Carmella Ford.



@niccajoysmi 🤗party²💙🌻#ford #family #forever #always #fyppppppppppppppppppppppp #fyp #foryoupageofficiall #fypシ゚viral #pep #fyppppppppppppppppppppppp #💙💙💙💙 #kathrynbernardo #danielpadilla #supremo #danielpadilla #pageforyou #fypp #fyppppppppppppppppppppppp #foryourpage #💙💙 #🌻🌻🌻 #kathnielfan #kathniel #kathrynbernardo #danielpadilla #loveyou #lovelots #iloveyouboth #fyppppppppppppppppppppppp #foryou #page #pageforyou #viral #kathnielforever #fypppppppppppppp #kathniel🌻🌻🌻 #danielpadillakathrynbernardo #foryoupageofficiall #fyp #pageforyou_🔥 #bernardokath #foryoupage #foryourpage #biggestfan #kapamilyaforever #iloveyouboth #🌻🌻🌻 #fyppppppppppppppppppppppp #fyp #fypシ #fypシ゚viral #fypage #foryourheart #abscbn #kathrynbernardo #kathrynbernardoofficial #fyppp #kathnielbreakup #kayoparinhangganghuli #🥺🥺 #supremodp #danryn #foryo #bernardo #padilla #🧡🧡 #🌻🧡 #🥰😘 #🙏 #👫 #fy #pageforyou #kathrynbernardo #danielpadilla #fyppppppppppppppppppppppp #fypシ #fypシ゚viral #foryoupageofficiall #viral #danryn🌻 #kathniel🌻🌻🌻 #🌻🌻💙 #pageforyou #kathnielforever #kathrynbernardo #kathry 🧡🧡 #balkathniel #KathNiel #danielpadillakathrynbernardo #pageforyou #kathniel🌻🌻🌻 #fypppppppppppppp #kathnielforever #bernardokath🐘 #pageforyou #viral #kathrynbernardo 💙hi kathreng🥰🫶🌻#fyp #foryoupageofficiall #fypシ゚viral #pepsi #fyppppppppppppppppppppppp #💙💙💙💙 #kathrynbernardo #danielpadilla #supremo #danielpadilla #pageforyou #fypp #fyppppppppppppppppppppppp #foryourpage #💙💙 #🌻🌻🌻 #kathnielfan #kathniel #kathrynbernardo #danielpadilla #loveyou #lovelots #iloveyouboth #fyppppppppppppppppppppppp #foryou #page #pageforyou #viral #kathnielforever #fypppppppppppppp #kathniel🌻🌻🌻 #danielpadillakathrynbernardo #foryoupageofficiall #fyp #pageforyou_🔥 #bernardokath #foryoupage #foryourpage #biggestfan #kapamilyaforever #iloveyouboth #🌻🌻🌻 #fyppppppppppppppppppppppp #fyp #fypシ #fypシ゚viral #fypage #foryourheart #abscbn #kathrynbernardo #kathrynbernardoofficial #fyppp #kathnielbreakup #kayoparinhangganghuli #🥺🥺 #supremodp #danryn #foryo #bernardo #padilla #🧡🧡 #🌻🧡 #🥰😘 #🙏 #👫 #fy #pageforyou #kathrynbernardo #danielpadilla #fyppppppppppppppppppppppp #fypシ #fypシ゚viral #foryoupageofficiall #viral #danryn🌻 #kathniel🌻🌻🌻 #🌻🌻💙 #pageforyou #kathnielforever #kathrynbernardo #kathry 🧡🧡 #balkathniel #KathNiel #danielpadillakathrynbernardo #pageforyou #kathniel🌻🌻🌻 #fypppppppppppppp #kathnielforever #bernardokath🐘 #pageforyou #viral #kathrynbernardo #danielpadilla #supremo #danielpadilla #pageforyou #fypp #fyppppppppppppppppppppppp #foryourpage #💙💙 #🌻🌻🌻 #kathnielfan #kathniel #kathrynbernardo #danielpadilla #loveyou #lovelots #iloveyouboth #fyppppppppppppppppppppppp #foryou #page #pageforyou #viral #kathnielforever #fypppppppppppppp #kathniel🌻🌻🌻 #danielpadillakathrynbernardo #foryoupageofficiall #fyp #pageforyou_🔥 #bernardokath #foryoupage #foryourpage #biggestfan #kapamilyaforever #iloveyouboth #🌻🌻🌻 #fyppppppppppppppppppppppp #fyp #fypシ #fypシ゚viral #fypage #foryourheart #abscbn #kathrynbernardo #kathrynbernardoofficial #fyppp #kathnielbreakup #kayoparinhangganghuli #🥺🥺 #supremodp #danryn #foryo #bernardo #padilla #🧡🧡 #🌻🧡 #🥰😘 #🙏 #👫 #fy #pageforyou #kathrynbernardo #danielpadilla #viral #foryoupageofficiall #KathNiel #danielford #pageforyou ##fyp #fypシ゚viral #sunflower #blueheart #🌻 #💙💛 #kathnielforever #fyppppppppppppppppppppppp #fypシ #fypシ゚viral #foryoupageofficiall #viral #danryn🌻 #kathniel🌻🌻🌻 #🌻🌻💙 #pageforyou #kathnielforever #kathrynbernardo #kathry 🧡🧡 #balkathniel #KathNiel #danielpadillakathrynbernardo #pageforyou #kathniel🌻🌻🌻 #fypppppppppppppp #kathnielforever #bernardokath ♬ Beautiful Day - Sundarsono
Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo