Ipinapakita ang mga post na may etiketa na celebrations. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na celebrations. Ipakita ang lahat ng mga post

Mika Dela Cruz Ipinakita ang Baby Bump niya sa Wedding nila ni Nash Aguas!

Walang komento

Lunes, Mayo 20, 2024


 Laman ng mga usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang balitang nagdadalang tao si Mika Dela Cruz matapos mapansin ng maraming mga netizens ang tila baby bump ng aktres na makikita sa hapit niyang wedding dress.


Matatandaan na ginulat nina Nash Aguas at Mika Dela Cruz ang maraming mga netizens nang maglabasan sa social media ang kanilang wedding photos. Walang kaalam-alam ang marami na nagbabalak na palang magpakasal ang childhood sweethearts na sina Nash Aguas at Mika Dela Cruz na parehong kabilang sa mga nagku-cutan bata sa Goin' Bulilit noon.


Samantala, iniisyu naman ngayon ng maraming mga netizens ang ilang mga kuhang larawan ng dalawa dahil sa mga naglabasang hinala na nagdadalang tao ang aktres dahil sa may kalakihan niyang tiyan na makikita.


Hinala ng maraming mga netizens na baby bump na ito at tila nasa tatlo o apat na buwan na. May mga nakapansin rin na sa ibang mga larawan na ibinahagi ay tila sadya umanong tinatakpan ni Mika ang kanyang tiyan.


Sa kabilang banda, marami naman ang nagsasabing hindi na masama kung totoong buntis na si Mika Dela Cruz dahil parehong 25 na sila ni Nash Aguas at tila handa na rin naman sila na maging magulang. Bukod pa rito, ay ikinasal na ang dalawa patunay na nagiging responsible na ang aktor sa kanyang magiging mag-ina kung sakaling totoong nagdadalang tao na ang aktres.


May mga naniniwala rin naman na hindi buntis si Mika Dela Cruz, tabain lamang umano ito dahilan para lumaki ang kanyang tiyan. Binalikan rin nila ang pag-amin noon ng aktres sa pagkakaroon ng auto-immune disease na siyang dahjlan ng kanyang pagtaba.



Pag Iyak Ni Angelika Dela Cruz Sa Kasal Ni Mika at Nash Aguas Binatikos

Walang komento


 Naging emosyunal ang celebrity couple na sina Nash Aguas at Mika Dela Cruz sa kanilang pag-iisang dibdib noong May 18, 2024 sa Tagaytay City.


Hindi napigilan nina Nash Aguas at Mika Dela Cruz ang kanilang mga emosyun habang nagpapalitan sila ng vow sa Adriano's Events Place and Prayer Garden na matatagpuan sa Tagaytay City.


Samantala, tila naging agaw-eksena naman ang kapatid ni Mika Dela Cruz na si Angelika Dela Cruz sa nasabing event dahil sa kanyang pag-iyak dala ng labis na kasiyahan.


Sa kumakalat na video, makikita ang pagiging emosyunal ni Angelika Dela Cruz habang tinatanaw ang kanyang kapatid na naglalakad papunta sa altar.


Makikita rin sa video ang pagluha ni Nash Aguas nang makita na niya ang kanyang bride, maging si Mika ay hindi rin napigil ang pag-iyak nang makita ang naghihintay niyang groom, mga bisita at ang lumuluha niyang kapatid.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang closeness ng magkapatid na sina Angelika Dela Cruz at Mika Dela Cruz. Sa katunayan, sa mga nagdaang panayam ni Mika ay palagi niyang ibinabandera ang closeness nila ng kanyang kapatid.


Inilahad rin ni Mika na dahil sa malaking age gap nilang magkapatid kung saan papasa na siyang maging anak nito, ang dahilan ng kanilang naiibang closeness at ng pag-aalaga nito sa kanya.


Samantala, may mga netizens naman na nang-ookray ngayon kay Angelika Dela Cruz sa kanyang pag-iyak sa kasal ng kapatid dahil tila naaagawan na umano nito ng eksena ang bagong kasal.


Subalit, kaagad itong ipinagtanggol na kanilang mga tagahanga at ipinunto na papasa na rin namang ina ni Mika si Angelika kaya ganoon na lamang ang pagbuhos ng emosyun ng aktres.




Kim Atienza Tinawag Na Gwapo Ang Anak Ni Lea Salonga Na 18 Years Old Na!

Walang komento

Biyernes, Mayo 17, 2024


 Marami sa mga fans ni Lea Salonga ang natutuwa at sinasabing napakadali lamang ng panahon dahil kamakailan lamang ay ipinagdiriwang ng nag-iisang anak ni Lea Salonga ang ika-18 na kaarawan nito.


Ipinahayag ni Lea Salonga sa kanyang Instagram post ang pagbati para sa kanyang anak at ang mensahe niya para rito, "This is my 18-year-old. My artistic, sensitive, creative, smart, beautiful, affectionate, loving, incredible 18-year-old. I’m beyond blessed and fortunate to call this one mine. Happy Birthday, my babes! Momma loves you to the moon and back!"


Kaagad na umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens at ilang mga celebrities na bumati rin sa nag-iisang anak ni Lea Salonga. Ipinahayag nilang masaya sila dahil lumalaki ng maayos ang anak ni Lea Salonga na si Nicole at napaka-talented din nito katulad ng kanyang ina.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na isang Queer ang anak ni Lea Salonga kaya naman 'this' ang ginamit niyang pantukoy rito, na siyang umani ng reaksyon ng maraming mga netizens.


Kabilang sa mga nagkomento sa post ni Lea Salonga ay si Kim Atienza, sinabi niyang gwapo ang anak nito.


Umani ito ng komento mula sa mga netizens, dahil mismong si Lea Salonga 'this' ang ginamit na siyang neutral na pantukoy sa gender ng anak. Ayon sa maraming mga netizens na dapat ay naghinay-hinay si Kim Atienza sa pagkokomento sa post ni Lea Salonga.


Dapat ay pabayaan na lamang umano nito si Lea Salonga na eenjoy ang kanyang anak.


Komento naman ng mga netizens na dapat ay huwag nang gawing isyu ang gender ng anak ni Lea Salonga  at pabayaan na lamang na magkapag-celebrate ito ng maayos sa kaarawan.


Isabelle Daza Pranks Sister Ava Daza Sa Mismong Kasal Nito!

Walang komento


 Nagbigay ng kakaibang  maid of honor speech ang aktres na si Isabelle Daza at nakakalokong prank sa kasal ng kanyang kapatid na si Ava Daza kamakailan sa Puglia, Italy.


Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Isabelle Daza ang kanyang nakakatawang speech na sinundan ng isang hindi inaasahang prank.


“At 25, I learned from my baby sister that not everything in life revolves around money and fame and what other people thought, but it’s about relationships that you nurture,” pahayag ni Isabelle sa kanyang speech.


“And it was such a bitter pill to swallow because I like money,” natatawang dagdag niya.


Nang oras na para sa toast ng kasal, gumawa ng isang prank si Isabelle kung saan hiniling niya ang lahat na tumayo nang hindi nila alam na masasaksihan nila ang pisikal na pag-aaway ng dalawang lalaki.


Nang ipahayag na ni Ava ang kanyang pag-aalala, bigla na lamang sumingit si Isabelle Daza at tinawag ang atensyon ng lahat sinasabing, “I just wanted to wake everyone up.”


Ang mga lalaking sangkot sa kalokohan ay bigla na lamang sumayaw ng "Bella Ciao," isang kanta na pinasikat ng  Netflix series na "Money Heist."


Nagkomento naman si Ava sa nasabing video at inihayag niyang maasahan talaga ang kanyang kapatid na si Isabelle sa mga weirdest wedding.


“You can count on my sister to do the weirdest thing ever.”


Kamakailan lamang ay ikinasal si Ava kay Luch Zanirato sa pangalawang pagkakataon.


Kabilang sa mga bisitang dumalo sa nasabing pag-iisang dibdib ay ang kapatid ni Ava na si Isabelle, ang kanilang ina na si Gloria Diaz, Georgina Wilson, Jess Wilson, Martine Cajucom-Ho, at Nicole Andersson.


Na-engage sina Ava at Luch noong 2019 at nagpakasal sa isang civil ceremony makalipas ang isang taon. Pagkalipas ng dalawang taon, ipinanganak ni Ava ang kanilang unang anak.


Noong 2022, inilunsad nina Isabelle at Ava ang kanilang sexual wellness brand na Jellytime. Mayroon din silang podcast na tinatawag na "Sexy Time," na naglalayong gawing normal ang mga pag-uusap tungkol sa sex and pleasure.


Bokalista ng “True Faith” na si Medwin Marfil, Ikinasal Na Sa Kanyang Nobyo

Walang komento

Huwebes, Mayo 16, 2024


 Ginulat ni Medwin Marfil ang kanyang mga tagahanga nang ianunsyo niya ang kanyang pagpapakasal sa kanyang boyfriend na si Mark Angeles.


Sa kanyang post sa social media, ibinahagi ni Medwin ang isa sa mga highlight ng kanyang buhay pagkatapos niyang legal na pakasalan ang kanyang kasintahan sa California, kung saan legal same sex marriage.


Makikita sa larawang ibinahagi niya na pareho silang nakasuot ni Mark Angeles ng puting mahabang manggas, khaki na pantalon, at puting sapatos, na posibleng kuha pagkatapos ng kanilang kasal.


Si Mark Angeles ay nakabase sa America at nagtatrabaho sa healthcare industry sa California habang si Medwin naman ay naninirahan na rin sa California nang maraming taon pagkatapos magdesisyon ang kanyang banda na magpahinga.


Matatandaang noong 2022, ibinunyag ni Medwin na pinag-uusapan na ng kanyang mga ka-banda ang pag-disband ng True Faith.


Kaagad namang umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens at ilang mga tagahanga ng True Faith ang isiniwalat ng Bokalistang si Medwin. Marami ang nagulat sa inamin nitong kabilang pala siya sa LGBTQ community dahil wala namang umanong indikasyon nito.


Sa kabila nito, marami pa rin ang nagpadala ng kanilang mga mensahe ng pagbati para sa panibagong journey nito sa buhay.


Sunshine Cruz ,Cesar Montano Magkasama Sa Graduation Ng Anak Na Si Chesca Montano

Walang komento

Miyerkules, Mayo 15, 2024


 Masayang ibinahagi ng batikang aktres na si Sunshine Cruz ang ilan sa mga highlights sa graduation ng kanilang bunsong anak ni Cesar Montano na si Cheska Montano.


Bakas sa mukha nina Sunshine Cruz at Cesar Montano ang kanilang kasiyahan nang umakyat na sa stage ang kanilang anak upang tanggapin ang diploma nito.


Ang ikinatuwa ng maraming mga netizens ay naroon din sa nasabing graduation ang kinakasama ngayon ni Cesar Montano. Kaagad namang umani ng papuri mula sa mga netizens ang blended family nina Sunshine Cruz at Cesar Montano.


"Nakakatuwa ung partner ni Cesar hindi madamot na ipahiram si Cesar para sa special milestone ng anak nya."


"his is the way it should be.. even if the mom and dad are already divorced, they should still be friends and get along as co- parents to their children.. it has a great impact on the well- being of the kids… congrats Sunshine and Cesar for making it through,and raising successful children!"


"Model ang pamilyang ito ng napakagandang values at yung meaning ng blended family napaka husay. Mababait na tao pati ang mga anak ganun din. Mabuting mga magulang"


Samantala sa latest post ni Sunshine Cruz, nagbigay siya ng mensahe para sa kanyang bunsong anak.


"College is just around the corner @chesca.montano. While it’s a bit unexpected for you to be living in a condo on your own, we know this is part of your exciting journey. The whole family is incredibly proud of you, Chesca! Remember, no matter what, we will always be here to support and guide you. Chase after your dreams, and know that we’ve always got your back. We love you bunso."


Markus Paterson Tinawag Na Best Mother Si Janella Salvador Para Sa Kanya at Sa Kanilang Anak

Walang komento

Martes, Mayo 14, 2024


 Sa isang pinakabagong post sa social media ng aktor na si Markus Paterson, binati niya si Janella Salvador sa pagdiriwang ng Mother's Day ngayong taon, na ikinatuwa ng mga netizens at mga tagasuporta ng aktres.


Nitong Linggo, May 12, 2024 nag-post si Markus Paterson sa kanyang official na Instagram page ng nakakaantig na mensahe para kay Janella Salvador kalakip ang larawan ng aktres na karga-karga ang kanilang anak na si Jude Trevor.


Kaagad naman na nag-viral ang nasabing larawan larawan, na makikitang all-smiles sina Janella Salvador at Jude habang papasok sila sa loob ng huge bubble sa isang grand party. 


Samantala, ang pumukaw sa puso ng mga netizen ay ang taos-puso pagbati ni Markus Paterson kay Janella Salvador sa Mother's Day, na tinawag niyang "best mother" sa kanilang anak.


"Happy Mother's Day to you, mother of my child. You're the best mother me and Jude could ever dream of," caption ni Markus Paterson sa larawan nina Janella at Jude.


Matatandaan na ginulat ni Markus Paterson at Janella Salvador ang kanilang mga tagahanga ng kumpirmahin ang kanilang paghihiwalay noong 2022.


Gayunpaman, tila naging maayos naman ang kanilang co-parenting set-up sa kanilang nag-iisang anak na si Jude Trevor Paterson.


Samantala, kamakailan lamang ay nasa ilalim ng spotlight si Markus Paterson dahil sa kanyang pinakabagong online post. 


Sa kanyang Instagram page, nag-upload si Markus ng ilang cozy photos na kuha niya kasama si Lou Yanong, isang modelo. Sa mga larawan, makikita ang dalawa na naka-pose sa tabi ng isa't isa, na nakasuot ng contrasting na damit. Ito ang nag-udyok kay Markus na i-dub ang kanilang larawan bilang "contrast cuteness" pagkatapos. 



Kim Chiu May Nakakakilig Na Mensahe Para Kay Paulo Avelino Sa Birthday Nito

Walang komento


 Kim Chiu, may nakakakilig na pagbati para kay Paulo Avelino sa kamakailang pagdiriwang ng kaarawan nito.


Tuwang-tuwa ang mga fans ng tamabalang Kim Chiu at Paulo Avelino matapos magbigay ang aktres ng nakakatouch na mensahe para sa kaarawan ng aktor.


Ipinagdiwang ng aktor na si Paulo Avelino ang kanyang ika-36 na kaarawan noong May 13, 2024.


Hindi kinalimutan ni Kim Chiu ang kaarawan ng kanyang co-star na si Paulo Avelino, sa Instagram account ng aktres, hindi lamang simpleng pagbati ang kanyang ginawa para rito.


Sa unang post ni Kim Chiu, ibinahagi niya ang isang larawan ng aktor kalakip ang kanyang pagbati para rito.


"Happy Birthday, Victor/BMC/Paulo."


Matatandaan na ginampanan ni Paulo Avelino ang papel bilang Victor sa unang collaboration nila ni Kim Chiu sa seryeng Linlang. Ang initials naman na BMC ay ang karakter na ginampanan naman ng aktor sa ikalawang serye nila ni Kim Chiu na What's Wrong With Secretary Kim?


Inulit pa ni Kim Chiu ang kanyang pagbati kay Paulo Avelino sa kasunod niyang post kung saan makikitang tila pagod ang aktor at may maliit lamang na ngiti sa labi.


Sa pagkakataong ito ay may mensahe na si Kim Chiu para kay Paulo Avelino kung saan sinabihan niya ang aktor na palaging ngumiti dahil mas nababagay umano ito sa kanya, may wink sign pa si Kim Chiu sa kanyang pagbati.


Ang ikatlong pagbati naman ni Kim Chiu sa aktor, ay ang pagbabahagi ni Kim Chiu ng larawan nilang dalawa suot ang matching t-shirt mula sa The Eras Tour ni Taylor Swift.


"P birthday swiftie," caption ni Kim Chiu na naka-mention pa si Paulo Avelino na tila tinutukso ito ng aktres sa pagiging isang fan ni Taylor Swift.


Maging ang mga fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino ay bumati rin sa aktor.


Samantala, marami naman ang kinilig sa pabati ni Kim Chiu sa kanyang leading man na si Paulo Avelino, marami ang nagsasabing nagkakamabutihan na talaga ang dalawa.


Kumakalat rin ngayon ang ilang mga behind the scenes sa seryeng pinagsasamahan ngayon ni Paulo Avelino at Kim Chiu kung saan makikitang nagsi-share minsan sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa iisang tumbler.


Kaagad namang pinasalamatan ni Paulo Avelino ang lahat ng mga netizens at fans na hindi nakalimutan ang kanyang kaarawan.



Judy Ann Santos 46th Birthday Naiyak Sa Surprise Ni Jolina, Marvin, Mylene, Dominic Gimik Reunion

Walang komento

Huwebes, Mayo 9, 2024


 Kitang-kitang masaya ang batikang aktres na si Judy Ann Santos, sa kanyang kamakailang post sa kanyang Instagram account, kung saan makikita ang kanyang mga kaibigan at dating co-stars noong 90s hit TV series na Gimik.


Nagkaroon sila ng mini-reunion nang dumating ang mga ito upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan. kabilang na rito sina Jolina Magdangal, Dominic Ochoa, Mylene Dizon, at Marvin Agustin. 


Ang apat, kasama si Judy Ann Santos, ay bahagi ng main cast ng 90s show, na umiikot sa buhay ng 12 bata, na kinabibilangan nina Juday, Dominic, Marvin, Jolina at Mylene, at ang kanilang mga karanasan.


Sa kanyang caption inamin ni Judy Ann Santos niya na napakasaya niyang dumating ang apat para ipagdiwang ang kanyang espesyal na araw.


“Hindi mapawi ang ngiti at saya ko,” caption ni Judy Ann Santos.


Pinasalamatan rin ni Judy Ann Santos ang kanyang dating mga kasamahan sa pagpunta sa kanyang kaarawan na siyang nagpapasaya sa kanya ng labis.


Kamakailan ay nag-post si Juday ng video sa kanyang social media account, na kitang-kita namang masaya siya sa birthday surprise ng Aivee Clinic para sa kanya. 


Sa video, makikita ang lahat ng staff ng nasabing pasilidad na nagsasama-sama sa pagsorpresa kay Juday at sa pagbibigay sa kanya ng isang masarap na cake. 


Nasa itaas naman ng cake ang kanilang dedication, "pinakamaligayang kaarawan" kay Judy-Ann at ang pangalan ng sangay ng nasabing klinika. 


Sa caption na isinulat niya sa video, ipinahayag ni Juday ang kanyang pasasalamat “sa lahat ng magaganda at mapagmahal na empleyado ng Aivee.” 


Ipinagdiriwang ng batikang aktres na si Judy Ann Santos ang kanyang ika-46 na kaarawan.



Joey De Leon Binatikos Matapos Ipahiya Si Miles Ocampo Sa Birthday, Tinawag na Mataba

Walang komento

Lunes, Mayo 6, 2024


 Muling nakatanggap ng pambabatikos ang batikang host at komedyante na si Joey De Leon mula sa maraming mga netizens matapos kumalat sa social media ang video clip kung saan makikita ang pagbibiro ni Joey De Leon sa kanyang kapwa Eat Bulaga host na si Miles Ocampo kaugnay sa pagiging mataba nito.


Ang nasabing video ay kuha sa mismong araw na ipinagdiwang ni Miles Ocampo sa Eat Bulaga ang kanyang ika-27 na kaarawan.


Unang nagbiro si ang Eat Bulaga host na at former Senador na si Tito Sotto kay Miles Ocampo kung saan ginamit nito ang segment nilang 'Perapy, pataas o pababa' para ilarawan ang edad ni Miles Ocampo.


Subalit, bigla na lamang sumingit si Joey De Leon at sinabi niyang 'pataba', kaagad naman nitong binawi ng komedyante at sinabi 'pababa'.


Hindi naman ito nagustuhan ng mga tagahanga ni Miles Ocampo dahil naniniwala silang hindi deserved ng aktres na si Miles Ocampo o ng kahit na sinong babae na pagsabihan ng mataba lalo na kung hindi naman alam kung ano ang totoong pinagdadaanan nito.


May mga nagsasabi pang talagang hindi na nagbabago si Joey De Leon sa mga nakaka-offend nitong pagbibiro sa kanyang mga kasamahan sa Eat Bulaga na tila ba hindi umano nito iniisip ang nararamdaman ng kanyang mga kasamahan sa show.


May mga nagsasabi pang talagang nakak-offend ang komento ni Joey De Leon dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na mayroong sakit si Miles Ocampo. Iyong iniinum nitong gamot ang siyang nagpapataba sa aktres.


May mga nagsasabi pang nararapat nang magretire si Joey De Leon dahil matanda na ito. May nakapansin rin na tila nagiging cringey na ito lately at minsan ay inaaway na nito ang kanilang mga contestant.


Marami naman ang naawa kay Miles Ocampo dahil noon pa man ay aminado na ang aktres na naaapektuhan siya sa mga nam-body shame sa kanya subalit wala siyang magagawa dahil mayroon siyang health conditions.


Samantala, may mga nagtatanggol pa rin naman kay Joey De Leon kung saan ipinunto nila ang closeness nila ni Miles Ocampo. May mga nagkumpara pa sa mga biro ni Vice Ganda sa kanyang mga kasamahan na maihahalintulad rin naman umano sa ginawa ni Joey De Leon kay Miles Ocampo.


Vhong Navarro Naglabas Ng Pahayag Matapos Ang Inilabas Na Hatol ng Taguig RTC Laban Kina Deniece at Cedric Lee

Walang komento

Huwebes, Mayo 2, 2024


 Kaagad na naglabas ng pahayag ang TV-host, actor na si Vhong Navarro sa inilabas na desisyon ng korte kung saan hinatulan sina Deniece Cornejo at Cedric Lee ng habambuhay na pagkakabilanggo.


Labis ang sayang nararamdaman ngayon ng It's Showtime host na si Vhong Navarro sa natamong legal victory laban kina Cedric Lee at Deniece Cornejo.


Tuluyan nang inilabas ng Taguig Regional Trial Court ang kanilang hatol laban sa mga akusado na sina Cedric Lee, Deniece Cornejo, Zimmer Raz at Ferdinand Guerrero nitong Hwebes ng umaga ng May 2, 2024.


Hinatulang guilty ang mga akusado at ipinag-uutos na rin ng korte ang agarang pag-aresto sa mga ito upang harapin ang parusang habambuhay na pagkakabilanggo.


Bagama't maari pa namang iapela ng mga akusado ang desisyon ng korte, kinansela naman ang kanilang bail bond.


Samantala, kaagad naman naglabas ng reaksyon si Vhong Navarro sa naging hatol ng korte sa mga akusado.


Nitong, hwebes ng tanghali sa noontime show na It's Showtime, ibinahagi ni Vhong Navarro ang kanyang nararamdaman sa naging desisyon ng korte.


Ipinahayag ni Vhong Navarro ang kanyang pasasalamat sa nakamit na hustisya matapos ang mahigit sampung taon na paghihintay.


Unang pinasalamatan ni Vhong Navarro ang Panginoon na palaging nakagabay sa kanya. Pinasalamatan din ni Vhong Navarro ang Taguig Regional Trial Court sa hatol laban sa mga akusado.


Hindi rin kinalimutan ni Vhong Navarro na pasalamatan ang kanyang legal team sa pangunguna ni Atty. Alma Mallonga dahil sa hindi nito pagbitaw at pagsama sa kanya hanggang sa nakamit na umano niya ang nararapat na hustisya sa ginawa nina Cedric Lee, Deniece Cornejo at iba pang mga kasamahan sa kanya.


Bukod sa mga ito, ay pinasalamatan din ni Vhong Navarro ang kanyang ABS-CBN family na hindi tumalikod sa kanya, nagtiwala at naniniwala sa kanya.


Ipinahayag din ni Vhong Navarro ang kanyang pasasalamat sa kanyang manager na si Direk Chito Rono, at mga kaibigan kasama na ang Streetboys.


Maging ang mga fans na patuloy na naniniwala sa actor-TV host ay hindi rin niya nakalimutang pasalamatan sa patuloy na pagsuporta sa kanya sa likod ng maraming pambabatikos.


Talagang makabagbag damdamin rin ang mensahe ni Vhong Navarro para kanyang It's Showtime Family na tumanggap sa kanya pagkatapos ng mga pinagdaanan.


"Sa staff ng Showtime, Showtime family, maraming salamat kasi hinahabaan niyo yung pasensiya niyo.


"Kasi minsan lutang ako, rollercoaster pinagdaanan ko, ang hirap explain, pero minsan sabaw ako dito, e.


"Pero nandiyan kayo, kahit yung mga bitaw ko, mga hirit ko, e, sablay, papuntang norte, papuntang south.


"Hindi ko alam, pero nandiyan kayo to support me, dahil alam kong mahal na mahal niyo ako."


Pinasalamatan din ni Vhong Navarro ang kanyang pamilya, ang kanyang mga anak, at asawang si Tanya Bautista na ala m niyang labis na naapektuhan sa pinagdaanan niyang legal battle.


Malaki ang pasasalamat ni Vhong Navarro sa kanyang asawa, dahil sa kabilang mga paghihirap at pagiging imperfect husband niya ay hindi pa rin siya nito iniwan.


Sa kabilang banda, hindi pa naman naglalabas ng pahayag ang kampo nina Deniece Cornejo at Cedric Lee sa pagkatalo nila sa kaso.




Kc Concepcion at Sharon Cuneta Nagdededmahan, Walang Greetings Sa Isa't-Isa?

Walang komento

Miyerkules, Mayo 1, 2024


 Laman ng mga usap-usapan ngayon sa ilang social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang patungkol sa muling pagdededmahan ng mag-inang sina Sharon Cuneta at KC Concepcion sa social media kung saan hindi nila binati ang isa't-isa.


Marami ang nakapansin na tila dinedma umano ni KC Concepcion ang 28th wedding anniversary ng kanyang ina at ni Former Senator na si Kiko Pangilinan.


Bagkos, ay nagkaroon ito ng extended birthday celebration kasama ang kanyang mga malalapit na kaibigan.


Naroon rin sa nasabing selebrasyon ang sina Ruffa Gutierrez at iba pang malalapit kay KC Concepcion sa showbiz industry subalit, kapansin-pansin na hindi parin namataan ang kinilalang boyfriend nito na si Mike Wuthrich.


Sa kabilang banda, nagbahagi naman ng social media post si Sharon Cuneta kung saan binati nito ang kanyang mister na si Kiko Pangilinan para sa kanilang 28th wedding anniversary.



“Happy 28th Wedding Anniversary to my “Sutart,” “neybor,” “playmate,” number 1 fan, cheerleader - the best Dad to our children and the best hus-band! Though we’ve experienced some ‘turbulence’ in our marriage, and it hasn’t always been easy being married to each other, we both know that WE are always worth fighting for.Thank you for loving me, loving us the way you do. I love you so very much!”


Marami naman sa mga fans ni Sharon Cuneta ang naantig dahil sa emosyunal na pagbati ni Miel Pangilinan para sa kanyang mga magulang para sa wedding anniversary ng mga ito.


Nirepost kaagad ito ni Sharon Cuneta kalakip ang pasasalamat sa kanyang anak.


Narito ang buong nakakaantig damdamin na pahayag ni Miel Pangilinan para sa kanyang mga magulang.


“happy 28th anniversary, mama and dada


“for the years i’ve been alive, you’ve shown me what it means to love someone—to love them patiently and perseveringly and unconditionally. in turn, my siblings and i have grown into individuals with so much love to give that it seeps from us without even trying.


“in a world filled with so much hatred and resentment, thank you for showing me that love always prevails. thank you for teaching me how to love, and what it feels like to have it reciprocated.


“the invisible string that brought you two together, some 28 years ago has spun new threads around my siblings and i, and will continue to spin until the time comes that i get to have my own kids and raise them with the same love you did me.


“here’s to another 28. and another 28. and another 28. into infinity.


“miel”


Samantala, napansin naman ng maraming mga netizens ang hindi pagbabahagi ng post ni KC Concepcion bilang pagbati sa kanyang ina at sa asawa nitong si Kiko Pangilinan.


Hinala tuloy ng maraming mga netizens na hanggang ngayon ay mayroon pa ring hindi pagkakaintindihan sa pagitan nina KC Concepcion at sa panibagong pamilya ng kanyang anak.



Nakakaiyak Bagong Rebelasyon Ni Angelica Panganiban 1 Week Matapos Ikasal Kay Gregg Homan!

Walang komento


 Hindi naiwasan ng maraming mga netizens na maantig ang kanilang mga damdamin sa naging pahayag ng aktres na si Angelica Panganiban ilang linggo matapos ang ikalawang kasalan nila ni Gregg Homan.


Noong April 20, 2024, naganap ang second wedding nina Greg Homan sa Isla ng Siargao kung saan dinaluhan ito ng kanyang malalapit na kaibigan sa loob a labas ng industriya sa showbiz.


Viral at pinag-uusapan ngayon sa social media ang ibinahaging pahayag ng aktres na si Angelica Panganiban para sa kanyang asawa na si Gregg Homan ilang araw matapos ang kanilang ikalawang wedding na naganap sa Siargao apat na buwan matapos ang una nilang pagpapakasal sa Amerika.


Hanggang ngayon ay nadarama pa rin ni Angelica Panganiban ang labis na kasiyahan dahil sa wakas ay tuluyan nang natupad ang matagal na niyang pinapangarap na maikasal sa lalaking pinakamamahal niya at mahal na mahal rin siya.


Sa kamakailang Instagram post ni Angelica Panganiban, inihayag niya na nararapat lamang na pasalamatan ng kanyang pamilya, malalapit na kaibigan at mga fans si Gregg Homan dahil tinapos nito ang kanyang sad girl era.


Dahil din umano kay Gregg Homan ay nakapag-sign off na siya na kinilala bilang patron saint ng mga babaeng sawi sa pag-ibig.


Sa huiling bahagi ng kanyang post ay nagbiro pa si Angelica Panganiban kung sino ang nagbabalak na sumalo sa kanyang korona.


Sa kabilang banda, malaki rin ang pasasalamat ni Angelica Panganiban sa kanyang adoptive mom n na si Annabelle Panganiban dahil sa wakas ay nauwi na rin siya sa tamang tao. Isiniwalat din ni Angelica Panganiban na naging biruan na nila ng kanyang ina ang pagsabihan siya nito na dapat siyang umayos at alagaang mabuti si Gregg Homan.


Sinasagot naman umano niya ang kanyang ina na hinding-hindi siya iiwan ni Gregg Homan dahil patay na patay naman ito sa kanya.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng maraming netizens at mga tagahanga ni Angelica Panganiban ang mga pinagdaanan ng aktres bago pa man nito matagpuan si Gregg Homan. Sa katunayan ay tinawag pa ng maraming mga netizens si Angelica Panganiban na patron saint ng mga babaeng sawi.


Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo