Pagpapalayas Kay Sarah Geronimo at Matteo Ng Inang Si Divine, Binalikan Matapos Tawagin Ni Sarah Bilang 'Hero' Ang Ina

Martes, Marso 12, 2024

/ by Lovely


 Sa gitna ng mga usap-usapan ngayon patungkol sa pagbati ni Sarah Geronimo sa kanyang ina na si Mommy Divine sa kanyang pagtanggap ng award sa Billboard's Women in Music 2024, marami ang binalikan ang mga ginawa ng ina  matapos itong suwayin ng aktres.


Sa kamakailang panayam kay Sarah Geronimo, ipinahayag niya sa buong mundo ang kanyang pagmamahal at pagka-proud sa kanyang ina. Sinabi pa niya na ito ang naging hero sa kanyang buhay at nagpapasalamat siya sa lahat ng mga sakripisyo nito para sa kanilang pamilya.


Dahil sa naging pahayag na ito ni Sarah Geronimo, binalikan ng mga netizens ang mga nakaraang kontrobersya at mga ginawa ng ina ni Sarah Geronimo habang nasa puder pa siya nito at matapos ang pagpapakasal niya kay Matteo Guidicelli.


Marami sa mga netizens ang tumaas ang kilay sa naging pahayag ni Sarah Geronimo dahil tila ginamit lamang nito ang kanyang ina para maging impactful ang kanyang speech gayung hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hindi maayos ang kanilang relasyon ngayon.


Ilang beses rin umanong nadamay sa kontrobersiya ang singer dahil sa ginagawa ng kanyang ina.


Hindi rin naman ito ang unang pagkakataon na binati ni Sarah Geronimo ang kanyang mga magulang partikular na ang kanyang ina sa publiko.


Matatandaan na noong 20th anniversary celebration ni Sarah Geronimo ay binati rin niya ang kanyang ina subalit hindi man lamang siya nakatanggap ng reaksyon mula sa mga ito.


Bagama't marami ang naantig sa ginagawang pagpapakumbaba ni Sarah Geronimo sa kanyang mga magulang at sa consistency nito sa paghingi ng paumanhin at pagreach out ay marami narin ang tila nagbabahid ng malisya sa ginagawa ng singer.


Sinasabi nilang tila ginagamit na lamang rin ni Sarah ang isyu nila ng kanyang mga magulang upang mapag-usapan sa tuwing may malalaki siyang event kagaya na lamang noong mayroon siyang comeback concert at sa pagtanggap niya ng award ngayon.


Binalikan pa ng ilang mga fans ni Sarah Geronimo ang pagpapalayas sa kanila ni Mommy Divine sa bahay at sa tinitirhan nitong subdivision sa Quezon, City.


Bukod sa pagpapalayas ni Mommy Divine, sinabihan rin umano ni Mommy Divine ang mga guards ng subdivision na bawal nang pumasok ang mag-asawa sa kanilang lugar.


Hindi naman sumusuko si Sarah Geronimo sa panunyo niya sa kanyang mga magulang subalit, tila magpahanggang ngayon ay bigo pa rin ang actress-singer na mapatawad at matanggap muli ng mga ito.


@kapamilyaonlineworld2 Popstar Royalty Sarah Geronimo salutes Mommy Divine, her mother and Hero. 🥹🥹🥹 “Shout out to my mother. Mommy Divine Geronimo. You are the best. You are my hero. I love you very much.” SARAH G BILLBOARD HONOREE #BBWomenInMusic  #GlobalForceSarahG #sarahgerinimo #popstarroyalty #foryou #fyp #trending #viral #abscbn #starmagic #kapamilyaforever #kapamilyachannel #philippines #primetimebida #primetime #fypã‚·゚viral #tfc #thefilipinochannel #artist #actor #universe #action ♬ original sound - Kapamilya Online World

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo