Julia Barretto at Amang Si Dennis Padilla Nagkabati Na

Lunes, Pebrero 26, 2024

/ by Lovely


 Masayang ibinahagi ng comedian actor na si Dennis Padilla na nakatanggap siya ng text message mula sa kanyang anak na si Julia Barretto.


Sa isang panayam kay Dennis Padilla, inilahad niya ang kanyang kasiyahan at sa katunayan ay naging emosyunal pa umano siya ng mabasa ang mensahe ng kanyang anak para sa kanya.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na nagkaroon muli ng gap sa pagitan nina Dennis Padilla at kanyang mga anak kay Marjorie Barretto sa hindi malamang dahilan. Maging si Julia Barretto ay tikom din ang bibig kung bakit muli silang nagkaroon ng isyu sa kanilang ama noong 2022.


Subalit sa pagbabahagi ni Dennis Padilla sa pagbati sa kanya ni Julia Barretto para sa kanyang kaarawan ay tila nalalapit na rin ang tuluyang pagkakaayos nila.


Marami naman sa ilang mga netizens ang nagsasabi na talagang totoo ang kasabihan na 'blood is thicker than water'.


Matatandaan na noong February 6, 2024 ay nagbahagi ng mga larawan si Dennis Padilla ng kanyang mga anak kay Marjorie Barretto na sina Julia at Claudia Barretto. Sa caption, muling ipinahayag ni Dennis Padilla kung gaano na niya ka-miss ang kanyang mga anak. Ginamit naman niya bilang background music ang awiting Love is All That Matters.


Tila nagkatroon naman ng magandang resulta ang patuloy na pagri-reach out ni Dennis Padilla para sa kanyang mga anak dahil nitong kaarawan niya ay nagpadala umano ng text message si Julia Barretto sa kanya.


Masayang isiniwalat ni Dennis Padilla na may komunikasyon na muli sila ni Julia Barretto dahil sa pagbati nito sa kanya noong 62nd birthday niya.


Sa isang video na kumakalat ngayon sa social media, makikita ang pagpapahayag ni Dennis Padilla na nais niyang maihatid si Julia Barretto sa altar kapag nagpakasal na ito.


Subalit kung hindi man siya mapabibigyan ng opportunity na iyon ay nais na lamang niya na kahit ma-witness lamang ang pagpapakasal ni Julia Barretto. Hiling din ni Dennis na magkaayos na sila ng tuluyan, hindi lamang si Julia, pati na rin sina Claudia at Leon Barretto.



@mjmarfori #fyp #DennisPadilla tinext na ng anak na si #JuliaBarretto ! Plano ni Dennis na mas kausapin pa ang anak privately. #entertainmentnewsph #WhenMagicHurts pcon #parentsoftiktok ♬ original sound - Mj Marfori

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo