Ria Atayde, Zanjoe Marudo Engaged Na!

Martes, Pebrero 20, 2024

/ by Lovely


 Sa gitna ng mga sunod-sunod na nangyayaring hiwalayan ngayon sa pagitan ng mga celebrity couple, nagkaroon ng pag-asa ang mga netizens na mapuputol na ang trend dahil sa pagsisiwalat ni Ria Atayde sa engagement nila ni Zanjoe Marudo.


Isiniwalat mismo ni Ria Atayde sa kanyang social media account ang masayang balita patungkol sa panibagong journey nila ni Zanjoe Marudo bilang isang engaged couple.


Hindi naman nagbigay ng anumang detalye si Ria Atayde patungkol sa nangyaring engagement nila ni Zanjoe Marudo, tanging maikling mensahe lamang kung saan inihayag niyang handa siya makasama panghabangbuhay si Zanjoe Marudo kalakip ang larawan kung saan ibinida niya ang kanyang engagement ring.


Samantala, ibinahagi naman ni Zanjoe Marudo ang isang sweet photo nila ni Ria Atayde habang nakahiga kung saan binati niya ito sa caption bilang fiance.


Kaagad namang bumuhos ang mga mensahe ng pagbati para sa celebrity couple mula sa kanilang mga fans at maging ng mga kasamahan nila sa industriya ng showbiz.


Sa kabilang banda marami naman ang humihiling na sana ay matuldukan na ng engagement nina Ria Atayde at Zannjoe Marudo ang sunod-sunod na hiwalayan ng mga celebrity couples.


Matatandaan na magkasunod na naibabalita noon ang hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Miles Ocampo at Elijah Canlas, Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, Kim Chiu at Xian Lim at kamakailan lamang ang nakakagulat na paghihiwalay nina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Sa lahat ng nabanggit ang hiwalayan ng celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque ang pinakahindi inaasahan sa lahat dahil nasa gitna na sila ng pagpaplano para sana sa kanilang kasal.


Samantala, hindi naman maiiwasan na may ilang mga netizens talaga ang nagbahid ng malisya sa pagkaka-engaged nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo ilang linggo matapos makumpirmang naghiwalay na sina Dominic Roque at Bea Alonzo.


Sa nangyari ay tila ba ipinamumukha umano ngayon na naging masaya na ang mga ex ni Bea Alonzo habang ang aktres ay hindi pa rin umano settled sa kabila ng edad nito. Hindi rin naman kasi lingid sa kaalaman ng nakararami ang nakaraan nina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo noon na nauwi rin sa isang masalimoot na hiwalayan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo