Claudine Barretto Reaksyon Sa Pagbabati Nina Bea Alonzo at Julia Barretto

Walang komento

Huwebes, Marso 21, 2024


 Naglabas ng reaksyon ang kilalang aktres na si Claudine Barretto sa trending na pagbabati ng kanyang pamangkin na si Julia Barretto at Bea Alonzo sa tribute party para kay Mr. M.


Inilahad ni Claudine Barretto na masaya naman siya na tila nagkaayos na sina Julia Barretto at si Bea Alonzo.


Matatandaan na nagviral sa ilang mga social media platforms ang video kung saan nakikitang nagbebeso at nagyayakapan sina Julia Barretto at Bea Alonzo sa tribute party para sa Star Maker na si Johnny Manahan noong March 16, 2024.


Naging malaking usapin ito sa mga netizens dahil ito ang kauna-unahng pagkakataon na nagkaroon ng interactions sa isa't-isa sina Julia Barretto at Bea Alonzo matapos masangkot sa kontrobersiya noong 2019.


Samantala sa isang panayam kay Claudine Barretto naitanong sa kanya kung ano ang kanyang saloobin sa tila pagkakasundo ng dalawa.


Ayon kay Claudine Barretto na labis niyang ikinatuwa ang nangyaring pagkakasundo ng dalawa.


Aminado rin si Claudine Barretto na worried siya noong gabing iyon knowing na maaring magkrus ang landas nina Bea Alonzo at Julia Barretto.


Nagaalala umano siya para kay Julia Barretto dahil hindi ito katulad niya na matapang sa katunayan ay mahiyain umano si Julia Barretto.


Samantala, pakiramdam naman ni Claudine Barretto na matagal na ring nakapag-move on si Bea Alonzo sa nangyaring isyu sa pagitan nila nina Julia at Gerald Anderson.


Matatandaan na dumaan sa matinding intriga sina Bea Alonzo at Julia Barretto nang malink ang huli sa aktor na si Gerald Anderson na kasalukuyang karelasyon noon ni Bea Alonzo.


Nauwi sa hiwalayan ang relasyon nina Gerald Anderson at Bea Alonzo noong 2019 dahil sa involvement ni Julia Barretto.


Sa isang panayam noon kay Bea Alonzo, inilahad niyang hindi naman sila pormal na naghiwalay ni Gerald Anderson, bigla na lamang umano itong tumigil na makipag-usap sa kanya.


Sa nangyari, marami ang nagtuturo kay Julia Barretto bilang dahilan ng hiwalayan o panggo-ghost ni Gerald Anderson kay Bea Alonzo.


Samantala, itinanggi naman ito noon ni Julia Barretto at Gerald Anderson kung saan pareho nilang iginiit na hindi totoong naging third party si Julia Barretto.


Nagbigay rin noon ng prangkang pahayag si Julia Barretto para kay Bea Alonzo kung saan sinaway na niya ang aktres sa pagpi-feeling victim nito sa publiko sa nangyaring pang-iiwan ni Gerald Anderson.


Pahayag noon ni Julia Barretto,  "Bea, you wanted to keep your hands clean by not mentioning me in your controversial post, but with a click of your finger, in your sly way, you have charged everybody to destroy me for you."


Dagdag pa niya, "You can play the victim all you want, but I refuse to be your victim."



Gretchen Barretto Nagbenta Na Din Kay Boss Toyo Kasama Si Atong Ang

Walang komento


 Trending at usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang pagpunta ni Gretchen Barretto sa pawnshop ni Boss Toyo para magbenta, kasama pa niya rito si Atong Ang.


Kaagad na nagviral sa ilang mga social media platform ang TikTok video na ibinahagi ni Boss Toyo sa kanyang account kung saan makikitang nagpunta sa Pinoy Pawnstar ang dating actres at socialite na si Gretchen Barretto kasama ang gambling icon billionaire na si Atong Ang.


Saglit namang nakausap ni Boss Toyo si Gretchen Barretto kung saan naitanong nito sa dating aktres kung ang kanyang ibinibenta.


Kaagad naman itong sinagot ni Gretchen Barretto at sinabi na ang kanyang ibinibenta ay mismong si Atong Ang. 


Bagama't nagulat ay natatawa namang sumagot si Boss Toyo at inihayag na hindi niya afford si Atong Ang.


Samantala, hindi naman nakaiwas sina Gretchen Barretto at Atong Ang sa panibagong kontrobersiya patungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na matagal ng pinaghihinalaang mayroong mas malalim na relasyon ang dalawa bukod sa pagiging magkaibigan.


Lalo pang tumindi ang mga isyung ito patungkol sa dalawa dahil naging madalas na ang pagsasama nina Gretchen Barretto at Atong Ang na sila lamang dalawa.


Matatandaan na noong January 2024, naglabasan rin ang mga videos kung saan nakitang magkasama sina Gretchen at Atong Ang sa pamimili ng gadget sa isang mall sa Green Hills.


Samantalang, nitong March 6, lamang ay namataang kasama ni Gretchen Barretto si Atong Ang sa pagdiriwang ng kanyang birthday.


Dahil dito, patuloy na tinatanong ng ilang mga netizens si Gretchen Barretto kung ano ang totoong relasyon nila ni Atong Ang at kung bakit hindi na sila nagkakasama ngayon ng kanyang longtime partner na si Toni Boy o kung naghiwalay na nga ba silang dalawa dahil tila naging bukas na sa publiko ang pagsasama nila ni Atong Ang ngayon.


Marami naman ang naniniwalang naghiwalay na sina Toni Boy Cojuangco at Gretchen Barretto dahil hindi na sila nakikitang nagkasama at maging noong kaarawan ni Gretchen ay wala rin doon si Toni Boy.


Samantala, noon pa man ay may mga intriga nang mayroong tinatagong relasyon sina Gretchen Barreto at Atong Ang kahit pa pareho silang mayroong karelasyon.


Subalit, palagi itong pinabubulaanan ni Gretchen Barretto at iginigiit na magkaibigan lamang silang dalawa at kasosyo sa negosyo.


Maging si Atong Ang ay nanindigan noon na wala silang relasyon ni Gretchen Barretto at iginiit na kahit kailan ay hindi niya sisirain ang kanyang pamilya.




It'S Showtime May Tatanggalin Na Host

Walang komento


 Pinaghandaan ng mga It's Showtime hosts ang pagpunta sa GMA Network para saksihan ang isa sa makasaysayang araw sa telebisyon.


Inamin rin ng mga host ng It's Showtime na mix emotion ang kanilang nararamdaman na mapapanood na sa GMA7 ang kanilang noontime show sa darating na April  6, 2024.


Ayon sa naging pahayag ni Vhong Navarro sa isang panayam, hinding-hindi niya malilimutan ang araw na ito, March 20, 2024 at ituturing niyang historical moment para sa mga Madlang Pipol at mga Kapuso viewers.


Ang nangyaring contract signing ay ang pangalawang collaboration ng It's Showtime at ng GMA Network. Nauna nang nagsanib pwersa ang ABS-CBN at GMA Network sa It's Showtime, nang ilabas sa subsidiary channel ng GMA na GTV ang It's Showtime noong umalis sila sa TV5 dahil sa paglipat naman ng TVJ nang umalis sila sa pamunuan ng TAPE Incorporated.


Samantala, nitong March 20, 2024 naganap ang It's Showtime sa GMA contract signing sa studio ng GMA7 kung saan nagkita-kita ang mga big bosses ng ABS-CBN at GMA7.


Sa kabilang banda, sa naging panayam ni Vhong Navarro sa Fast Talk with Boy Abunda inamin ni Vhong Navarro na labis silang natutuwa sa nangyayari ngayon sa kanilang show. Feeling thankful at grateful din umano silang lahat sa GMA Network.


Ayon kay Vhong Navarro, talagang pinaghandaan nila ang pagpunta sa GMA studio dahil napaka-special ng panibagong bahay na kanilang papasukan.


Maging sila ay hindi rin umano lubos na makapaniwala na ang It's Showtime ay papasok na sa GMA7 mula sa GTV.


Naitanong rin ni Boy Abunda kay Vhong Navarro kung sino-sino ang mga Kapuso na papasok sa It's Showtime bilang host ngayong nasa main channel na sila ng GMA.


Ayon kay Vhong Navarro, inaayos na sa ngayon kung sino-sino sa mga Kapuso artist ang papasok bilang host ng It's Showtime. Kung maging magiging daily ba, salitan o kung may magiging regular host ba ng show.


Bukod kay Vhong Navarro naroon din ang iba pang mga It's Showtime hosts na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Kim Chiu, Karylle, Amy Perez, Jhong Hilario, Ogie Alcasid, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ryan Bang, Ion Perez, Jacky Gonzalez, MC, Lassy, Zian Dominguez at Darren Espanto. 


Samantala, hindi naman malinaw sa ngayon kung may tatanggaling nga bang host sa It's Showtime mula sa mga regular host ng show at papalitan ng Kapuso artist o madadagdagan lamang sila.





Singer- Actor Opisyal Ng Regular Host Sa It's Showtime!

Walang komento


 Mainit na sinalubong ng mga executives at ng mga empleyado ng GMA Network ang motorcade ng mga host ng It's Showtime papunta sa kanilang bakuran.


Nanggaling ang motorcade ng It's Showtime hosts sa ABS-CBN compound, habang papunta naman sa GMA7 ay bakas sa mga mukha ng It's Showtime hosts ang kanilang kasiyahan at excitement sa kanilang panibagong journey sa Kapuso network.


Nakasuot naman ang mga It's Showtime host na kinabibilangan nina Vice Ganda, Anne Curtis, Kim Chiu, Karylle, Amy Perez, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Ogie Alcasid, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ryan Bang, Ion Perez, Jacky Gonzales, MC, Lassy, Zian Dominguez at Darren Espanto ang kulay pula na sumisimbolo ng swerte.


Samantala, hindi namang lingid sa kaalaman ng lahat na sina Anne Curtis, Karylle at Ogie Alcasid ay dating mga talent ng GMA Network bago lumipat sa ABS-CBN.


Bukod sa It's Showtime host nagpunta rin sa GMA ang mga ABS-CBN executives na pinangungunahan ng CEO- President na si Carla Katigbak.


Naging matagumpay namana ng contract signing sa pagitan ng dalawang malalaking network para sa pinakabonggang collaboration ng GMA at ABS-CBN.


Inaasahan na mapapanood na sa GMA Kapuso ang It's Showtime simula sa darating na April 6, 2024 alas 12 ng tanghali.


Sa araw din iyong ipagdidiwang ni Vice Ganda ang kanyang ika-48 na kaarawan. Samantala, bukod sa pagiging trending ng It's Showtime nakaagaw din ng pansing ang ipinakilala at kasama sa contract signing, ang singer na si Darren Espanto bilang regular host ng It's Showtime.


Ikinatuwa naman ito ng mga madlang pipol dahil naging double celebration na ang nangyari dahil matagal na ring hinihiling ng mga madlang pipol na maging regular host na ng It's Showtime si Darren Espanto.



Paglakad Ni Karylle at Kim Chiu Sa Red Carpet Ng GMA, Ikinumpara!

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news site ang naganap na contract signing sa pagitan ng GMA Network at ABS-CBN para sa paglipat ng noontime show na It's Showtime sa main channel ng GMA Network.


Hanggang ngayon ay patuloy pa ring umaani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang paglipat ng It's Showtime sa GMA7 dahil unang inakala ng lahat na hanggang haka-haka lamang ito.


Marami ang hindi makapaniwala, subalit masaya naman sa napakalaking plot twist na nangyayari ngayon sa dating mahigpit na magkatapat na channels, ang ABS-CBN at GMA7.


Samantala, hindi naman napigilan ng ilang mga netizens na pansinin ang nangyaring grand entrance ng mga It's Showtime hosts sa red carpet ng GMA sa nangyaring contract signing kahapon, March 20, 2024.


Ayon sa ilang mga netizens, tila hindi umano naging fair ang management kay Karylle dahil hindi ito nabigyan ng solo moment sa pagrampa sa red carpet gayung isa si Karylle sa pinakamatagal ng host sa nasabing show.


Hindi rin naiwasan ng iba pang mga netizens na pagkumparahin sina Karylle at Kim Chiu dahil nabigyan ito ng solo moment sa red carpet gayung mas nauna naman si Karylle kay Kim Chiu na naging host ng It's Showtime.


Iginiit pa ng ilan na hindi naman nararapat na gawing basehan sa paglalakad sa red carpet ang kung sino ang sikat na artista ngayon.


Samantala, panghuli namang pumasok ang Unkabogable Star na si Vice Ganda. Unang rumampa ng solo sa red carpet si Kim Chiu, sinundan siya ni Jhong Hilario, kasunod naman si Vhong Navarro at pangalawa sa panghuli si Anne Curtis.


Ang iba namang host ay may kasamang naglakad katulad na lamang ni Karylle na kasama niya si Tiyang Amy.


Sa kabilang banda, nalulungkot man ang ilang mga tagahanga ni Karylle dahil tila muli na naman umano itong naitsapwera tila hindi naman ito naging big deal sa kanya kung pagbabasehan ang kanyang mga ipinopost sa socila media.


Makikita rin naman sa mukha ni Karylle na masaya siyang kasama si Tyang Amy sa paglalakad sa red carpet sa katunayang ay masaya pa niyang ipinlex sa kanyang social media account ang kanyang kasiyahan na nakasama niya ito sa pagrampa.


Samantala, marami naman ang humihiling ngayon na mga fans ni Karylle na sana ay mapagbigyan rin ito ng mas mahabang airtime dahil matagal na rin naman itong host ng It's Showtime at hindi iyong palagi na lamang umano itong nasa gilid.




Matet De Leon Ibinunyag Ang Ugali Ni Lotlot De Leon Mula Noong Bata Pa Sila

Walang komento


 Nagpahayag ng isang mensahe si Matet De Leon para sa kanyang ate na si Lotlot De Leon kung saan inihayag ang kanyang nararamdaman patungkol rito.


Sa isang Instagram post nagbahagi si Matet De Leon ng isang mensahe para kay Lotlot De Leon kung saan ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat at pagmamahal para sa kanyang ate Lotlot De Leon.


"Sa tingin ko, ikaw ang unang taong minahal ko mula nung dumating ako dito sa mundo.. Thank you ate for the love na binibigay mo sa amin mula nung bata pa kami hanggang ngayon. Mahal na mahal ka namin! Wala kang katulad. Happy happy birthday ate @ms.lotlotdeleon Miss na miss kitaaaaa," caption ni Matet De Leon sa kanyang Instagram post kalakip ang larawan nila ni Lotlot.


Kaagad namang umani ng mga papuri mula sa mga netizens ang ginawang tribute ni Matet De Leon para sa kanyang kapatid na si Lotlot De Leon. Sa pagsisiwalat na ito ni Matet De Leon, marami ang nagsasabi na napakabait talaga na kapatid ni Lotlot De Leon.


Samantala, sinagot naman kaagad ni Lotlot De Leon ang pagbati sa kanya ni Matet De Leon sa mismong comment section ng Instagram post nito. 


Kung saan inihayag niyang subok na subok na sila ng panahon sa mga pinagdaanan na tila ba isang telenovela ang kanilang buhay subalit sa huli ay bumabalik pa rin ang pagmamahal nila para sa isa't-isa.


Mensahe ni Lotlot De Leon para kay Matet, "Subok na subok na tayo ng panahon no? Dami na natin pinagdaanan! Yung tipong pang tele novela! Yung lahat ng pwedeng maramdam andun na! mahalaga sa dulo lagi pa din tayong bumabalik sa isa’t isa.. Hahahha sooo… hinding hindi mauubos ang pagmamahal ko para sayo! Okay? Okay!!! Love you!"


Marami naman sa kanilang mga tagahanga ang natutuwa dahil sa kabila ng hindi pagiging perfect ay nagawa parin nilang magmahalang magkapatid.


Narito naman ang ilang mga saloobin ng mga netizens sa ibinahaging mensahe ni Matet De Leon para kay Lotlot.


"Happy Birthday Ms Lot i can't quite imagine i was 11 yrs old when i became a fan. And even my mom nagtataka kasi dapat daw naglalaro and happy happy palang ako. Lahat pinanuod ko movies and i buy magazines and watching ur tv shows and til now kay Ms Janine naman. 


"Thank you dahil naging maganda kang halimbawa bilang mabuting tao at nanay ng mga anak mo. I salute you and Happy Happy Birthday Ms Lot God bless you all the days of your life."


Kilalanin Ang Mga Artistang May Gusto Kay Paulo Avelino!

Walang komento


 Kilala ang aktor na si Paulo Avelino sa kanyang galing sa pag-arte mapabida man o kontrabida ang papel na kanyang ginagampanan. Bukod pa rito, kilala rin si Paulo Avelino bilang isang misteryoso, mabait, tahimik, mapagbigay at higit sa lahat gwapo.


Dahil dito, hindi na kataka-taka na maraming mga kababaihan mapa showbiz o non-showbiz man ang nahuhumaling sa kanya gusto siyang makatrabaho at aminadong may crush sa kanya.


Narito ang ilang mga kababaihan sa showbiz industry na aminadong may crush kay Paulo Avelino at nangangarap na makasama ang aktor sa iisang project.


Sanya Lopez



Isa si Sanya Lopez sa sikat na mga artista sa Kapuso Network Si Sanya Lopez ay maganda, morena, sexy at isang magaling na artista. Sa isang panayam, inamin ni Sanya Lopez na na starstruck siya kay Paulo Avelino dahil sa taglay nitong kagwapuhan.


Ayon kay Sanya Lopez, hindi lamang gwapo si Paulo Avelino, tahimik rin ito, napakabait at napakamapagbigay sa kanyang mga naging katrabaho.


Jane De Leon



Si Jane De Leon ay isang Kapamilya actress na gumanap bilang Darna noong 2022. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na talagang nakakabighani ang angking kagandahan ni Jane De Leon. Samantala, sa isang panayam inamin ni Jane De Leon na kung may isang aktor siya na gustong makasama sa trabaho ito ay walang iba kundi si Paulo Avelino.


Ivana Alawi



Ang sexy actress na si Ivana Alawi ay unang nakikilala bilang isang sikat na YouTuber. Sumikat si Ivana Alawi sa kasagsagan ng pandemya. Marami ang huminga kay Ivana Alawi dahil sa angkin nitong kagandahan at kaseksihan. Bukod pa rito, kilala rin si Ivana Alawa dahil sa kanyang kabaitan.


Sa isa sa naging vlog nila noon ng kanyang kapatid, naitanong nito kay Ivana Alawi kung sino ang kanyang local celebrity crush, inihayag ni Ivana na si Paulo Avelino ito. Inamin rin niya sa kaparehong vlog na gusto niya ang mga lalaking mabango at malinis sa katawan.


Barbie Imperial



Kilala si Barbie Imperial sa angkin niyang kagandahan at kaseksihan. Isa rin siya sa mga maituturi na hot celebrity ngayon at complete package na rin umano ito, maganda, sexy at magaling umarte.


Sa isang panayam noon, inamin ni Barbie Imperial na isa sa mga gusto niyang makatrabaho ay si Paulo Avelino.


Lovi Poe



Kilala si Lovi Poe bilang isang magaling na artista sa larangan ng showbiz. Matagal na rin ito sa showbiz industry at naging leading lady na ng mga sikat at gwapong artista.


Subalit, sa isang panayam inamin ni Lovi Poe na gusto niyang makatrabaho ang aktor na si Paulo Avelino.


Rhen Escano



Si Rhen Escano ay isang artista sa Kapuso network, sa isang panayam inamin niya na gusto niyang makasama sa iisang project si Paulo Avelino dahil ang mga katulad nitong magaling ang gusto niyang makasama at maging ka-loveteam.


Paulo Avelino Todo Alaga Kay Kim Chiu Kahit Sabay Na Tinamaan Ng Sakit!

Walang komento

 


Maraming mga netizens ang nasorpresa sa ibinahaging balita nina Kim Chiu at Paulo Avelino tungkol sa kanilang kasalukuyang sitwasyon. Ikinagulat ng lahat nang malaman na pareho silang tinamaan ng COVID-19, isang impormasyong inilahad nila sa media conference ng kanilang bagong teleserye na Linlang noong Enero 15, 2024.


Hindi nakapunta nang personal sina Paulo Avelino at Kim Chiu sa media conference ng Linlang na malapit na ring ipalabas sa telebisyon, dahil sa kanilang pagkakasakit. Subalit, nananatiling optimistiko si Kim Chiu sa kabila ng kanyang kondisyon, na nagpapakita ng kanyang positibong pananaw sa buhay.


Ayon kay Kim Chiu, kahit na siya ay positibo sa COVID, nananatili siyang tapat sa kanyang karakter bilang Juliana. Maraming fans nina Kim at Paulo ang nagpaabot ng kanilang pag-asang mabilis na makabawi ang dalawa sa kanilang kalusugan upang maipagpatuloy nila ang kanilang mga proyekto.


May mga pangamba rin ang ilan kung paanong sabay na nagkasakit sina Paulo at Kim. Kasabay nito, umaasa ang ilang netizens na ang pagiging malapit nina Paulo at Kim sa isa't isa ay mauwi sa totohanan, lalo na ngayong single muli si Kim Chiu.


Sa kabilang banda, si Paulo Avelino ay hindi direktang kinumpirma kung siya ba at si Janine Gutierrez ay may relasyon. Dahil dito, marami ang umaasang ang KimPau ang susunod na magkatuluyan. Ngunit, may mga tagasuporta rin ni Kim Chiu na nagpapayo sa aktres na tamasahin muna ang pagiging single at huwag magmadali sa pagpasok sa isang bagong relasyon.


@rohnromulo #linlangteleseryeversion @pauavelino34 @kimberlysuechiu @dreamscapeph @abscbn #fyp #foryoupage ♬ original sound - Rohn Romulo

Willie Revillame Binibenta Na Ang Mga Ari Arian, Na Lubog Raw Sa Utang?

Walang komento


 Usap-usapan sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang mga haka-hakang ibinenta na ni Willie Revillame sa ang kanyang tropical house na matatagpuan sa Tagaytay City sa halagang 3 billion pesos.


Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms patungkol sa isyung unti-unti na umanong binibenta ni Willie Revillame ang kanyang mga ari-arian.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens may mga hindi naniniwala dahil hindi naman umano lingid sa kaalaman ng lahat na maraming mga negosyo si Willie Revillame kaya naman imposible umano na magbibenta ng mga ari-arian si Willie.


May mga nagsasabi naman na baka ay hindi na gusto ni Willie Revillame ang nasabing property kaya naman napagpasyahan na lamang niya itong ibenta.


Gayunpaman, hindi pa rin maiiwasan ang ilang mga netizens na nang-iintriga kay Willie Revillame lalo na't alam naman ng lahat na ilang taon na ring hindi umiere ang kanyang show na Wowowin.


Hindi rin naging maganda ang pagtatapos ng kanyang show noong sa ALLTV dahil sa kawalan ng mga advertisers dahil mahina ang kanilang reach sa audience.


Samantala, may mga nagsasabi naman na pinapaupahan lamang ni Willie Revillame ang kanyang mansion sa Tagaytay City sa isang mag-asawa na napakayaman na may-ari ng isang resort sa Boracay.


Nagustuhan umano ng mag-asawa ang sinasabing bahay kaya naman, tinanong nila si Willie Revillame kung magkano ang halaga nito. Naisip naman umano ni Willie Revillame na hindi naman niya kailangan ang bahay sa Tagaytay dahil sa bahay niya sa Puerto Galera siya tumutuloy.


Bukod sa bahay ay nabenta na rin umano ni Willie Revillame ang isa niyang chopper sa ibang buyer.


Samantala, may mga kumakalat naman ngayong mga bulong-bulungan kung saan magbabalik na umano ang show ni Willie Revillame na Wowowin subalit mapapanood lamang ito via Facebook live dahil naghahanap pa si Willie ng  TV network.


Hindi natuloy si Willie Revillame sa PTV dahil nakagulo umano ang mga nakakausap niyang executives dahil pinapangunahan na ng mga ito ang mga komisyon na makukuha nila mula sa show ni Willie.


Nauna nang naiulat ang pakikipagmeeting ni Willie Revillame sa TV5 subalit wala pa rin umanong final decision patungkol rito.



Julia Montes Trending Ang Birthday Post Na Pasabog!

Walang komento


  Feeling grateful na sinalubong ng Kapamilya actress na si Julia Montes ang kanyang ika-29 na kaarawan.


Sa kamakailang social media post ni Julia Montes pinasalamatan niya ang lahat ng kanyang mga tagahanga at ang lahat ng mga bumati sa kanya. Ibinahagi rin niyang may panibago siyang project na malapit nang ilabas.


Kabilang sa mga nagpaabot ng mensahe kay Julia Montes ay ang kanyang mga tagasuporta. Maging ang ilang mga celebrities na nakasama niya sa industriya ng showbiz.


Nagbahagi ng isang nakakaantig na mensahe si Cherry Pie Picache kung saan inilahad niya ang kanyang pagmamahal sa aktres na ilang beses na rin niyang nakakasama sa mga teleserye at pelikula.


Nagpost rin ang Cornerstone Management ng mensahe ng pagbati para sa kanilang artist na si Julia Montes.


Sa pagsalubong ni Julia Montes sa kanyang kaarawan, marami ang na-excite kung ano ang gagawin ng kanyang boyfriend na si Coco Martin.


Hindi naman lingid sa kaalaman na noon paman ay nalilink na sina Coco Martin at Julia Montes. Ilang beses na ring naiisyu ang pagbubuntis ni Julia Montes sa kanilang anak ni Coco Martin subalit nanatiling tikom ang bibig ng dalawa.


Hindi naman ito kagulat-gulat pa dahil noon pa man ay naging bukas na si Coco Martin sa pagpapahalaga niya sa kanyang privacy. Iginiit pa nito sa isang panayam noon na naiiba ang kanyang buhay pag-ibig sa kanyang trabaho sa industriya ng showbiz.


Matatandaan na noong nakaraang taon ay naghanda pa si Coco Martin ng isang birthday surprise para kay Julia Montes kung saan naroroon ang mga malalapit na kaibigan ng aktres.


Dahil dito, marami ang naghinalang may hinanda ring surpresa ngayon si Coco Martin para kay Julia Montes na hindi na nila ipinasilip sa mga netizens.


Sa kabilang banda, marami naman ang naku-curious ngayon sa kung ano ng proyekto ang gagawin ni Julia Montes kung isa nga ba itong pelikula o kaya naman ay isang teleserye.



It's Showtime at Eat Bulaga Balik Ang Labanan!

Walang komento

Miyerkules, Marso 20, 2024


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang muling pagsasagupaan ng mga noontime show na Eat Bulaga at It's Showtime sa mainstream media.


Bagama't marami nang nanonood sa mga online streaming platforms ngayon, ang panonood pa rin sa mga telebisyon ang pinagbabasehan kung naghit ang isang show dahil dito nanonood ang mga tao na nakatira sa mga probinsya at sa ibang mga liblib na lugar ng bansa.


Samantala noong sabado, March 16, 2024 tinalo ng ipinalabas na lumang pelikula ng GMA7 sa unang pagkakataon ang show ng TVJ sa TV5 na Eat Bulaga at ang It's Showtime.


Ang Kapuso movie Festival na pumasok ng 11:30 A.M ay nakakuha ng 3.5% habang ang Kapuso lunch time movie hits na pumasok naman ng ala-una ng hapon ay nakakuha ng 4.8%.


Ang Eat Bulaga ay nakakuha ng 3.7% habang ang It's Showtime naman ay nakakuha ng 3.6%. Ang nasabing datos ay base sa nakuhang impormasyon ng AGV Nielsen.


Samantala, mas magiging matindi ang labanan sa mga noontime shows ngayong magsasanib pwersa na ang GMA7 at ang It's Showtime.


Gayunpaman, marami naman sa mga tagasubaybay ng Eat Bulaga ang nagsasabing matatag na ang viewership rating ng longest running noontime show sa Pilipinas kaya hindi na umano bothered ang mga ito sa paglipat ng It's Showtime sa GMA7.


Gayunpaman, hindi pa rin naiiwasang isipin ng ilang mga netizens na muli na namang magkakatapat ang It's Showtime at Eat Bulaga na una nang nagkatapat noong may prangkisa pa ang ABS-CBN habang nasa GMA naman ang Eat Bulaga.


Samantala, excited naman ngayon ang ilang mga madlang pipol sa panibagong journey ng It's Showtime sa panibago nilang tahanan sa GMA Network.


Matatandaan na noon lamang nagdaang taon, nailipat sa GTV ang It's Showtime matapos ang pag-alis ng TVJ sa TAPE Incorported at GMA7, na lumipat naman sa TV5 kung saan umiire noon ang It's Showtime.


Labis namang nagpapasalamat ang si Vice Ganda sa GMA Network sa pagbibigay sa kanila ng panibagong tahanan.



Daniel Padilla, Hinangaan Dahil Sa Pagtupad Nito Ng Pangako Sa Kanyang Fan

Walang komento


 Pinahanga ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla ang mga netizens sa kumakalat na video clips mula sa dinaluhan niyang concert ng singer na si Apl.De.Apt sa Boracay dahil sa ipinakita umanong kabutihan nito sa kanyang mga tagahanga na naghintay sa kanya ng matagal.


Habang nagsisiyahan ang ilang mga sikat na Star Magic babies para sa surprise birthday celebration ng mga ito para kay Mr. M, nasa Boracay naman si Daniel Padilla at nakiparty sa sa concert ni Apl.De.Apt sa kabila ng pagiging anak-anakan din niya ni Mr. M.


Samantala, naghatid naman ng saya ang aktor sa kanyang mga fans sa Boracay at hinangaan ng marami dahil sa pagpapakita nito ng pag-aalala sa kanyang mga fans na naghintay sa kanya ng matagal para lamang magpa-picture.


Ayon sa pagbabahagi ng uploader ng nasabing video, dahil busy si Daniel Padilla sa show, matagal na naghintay sa kanya ang mga fans na umaasang makipag-selfie rito.


Nangako naman umano si Daniel Padilla sa kanyang mga fans na babalik siya para pagbigyan ang mga kahilingan ng mga fans. 


Labis na hinangaan ng mga fans si Daniel Padilla dahil hindi talaga ito nakakalimot sa mga pangako.


Makikita sa kumakalat na video na habang paalis si Daniel Padilla kasama ang ilang mga bouncer ay tinawag niya ang isang fan na pinangakuan niyang babalikan para makapag-selfie kasama siya.


Maririnig rin sa nasabing video ang paghingi ng pasensya ni Daniel Padilla dahil pinaghintay niya ng matagal ang babae.


Bukod pa rito, umani rin ng positibong reaksyon mula sa mga netizens ang video kung saan makikitang nasa airport si Daniel Padilla at pumipila sa regular lane gayung maari naman itong pumila sa ibang lane para makaiwas sa mga tao.


"I still admire for being a simple and down-to-earth person. Ayaw mo ng VIP treatment at sa regula lane ka pa mismo pumila during boarding kahit na meron namang priority lane."


Sa kabilang banda, patuloy paring nakakatanggap ng pambabatikos si Daniel Padilla dahil marami pa rin ang naniniwala na totoong nagloko siya sa relasyon nila ni Kathryn Bernardo na naging dahil ng pagkasira sa kanilang 11 na taong pinagsamahan.



Vice Ganda May Ibinunyag Sa Ginawa Ng GMA7 Sa ABS-CBN, It's Showtime!

Walang komento


 Emosyunal na nagbigay ng mensahe ang comedian-TV host na si Vice Ganda sa katatapos lamang na contract signing ng ABS-CBN at GMA sa pag-ere sa GMA7 ng Kapamilya show na It's Showtime.


Sa kanyang speech inilahad niya ang kanyang pasasalamat sa mga taong bumubuo ng GMA Network sa mainit na pagtanggap sa kanila.


Ipinahayag din ni Vice Ganda na palagi niyang sasambitin kung gaano kabait ang mga taga-GMA at kung gaano kaayos kausap ang mga ito.


Emosyunal ding inilahad ni Vice Ganda ang tulong na ibinigay sa kanila ng GMA Network noong lugmok na lugmok ang ABS-CBN.


Ayon kay Vice Ganda, noong sadsad na sadsad ang ABS-CBN ay naroon ang GMA hindi para lalo silang tapakan kundi nag-offer umano ang mga ito ng kamay upang unti-unti silang makabangon sa kanilang pagkakalugmok.


Dahil dito, hinding-hindi umano nila makakalimutan ang tulong na ibinibigay sa kanila ng Kapuso Network.


Nagpapasalamat rin si Vice Ganda sa panibagong opportunity na ibinigay sa kanila ng GMA Network na magkaroon ng panibagong tahanan upang lalo pang maka-reach ng marami madlang pipol.


"Hindi niyo lang kami tinutulungan makatayo, pinagbuksan niyo pa kami tahanan para doon muli magpalakas, magpagaling magpahilom at makatindig ulit, na kapiling kayo," pahayag ni Vice Ganda.


Inilahad pa ni Vice Ganda na malaki ang pasasalamat ni Vice Ganda sa GMA7 dahil marami naman umano silang pagpipilian subalit sila pa rin ang pinili ng mga ito sa huli.


"Napakarami niyong pwedeng ibang piliin pero sa dulo ay pinili niyo kami. Maraming-maraming salamat po sa pagpili niyo sa amin. Napakarami niyo pong maaring piliin pero sa huli ay pinili niyo ho pa rin kami. Ngayon po na pinili niyo kami, halika na magsanib-pwersa na po tayo para mapanalunan at mapagtagumpayan ang mas malalaking hamon."


Una nang umire sa subsidiary channel ng GMA na GTV ang It's Showtime matapos nilang umalis sa TV5. Matapos naman ang pag-alis ng Tahanang Pinakamasaya nasa GMA Network na ang It's Showtime.




Angeline Quinto Nakakuha Ng Kakaibang Reaction Kay Martin Nievera

Walang komento


 Naglabas ng saloobin ang Kapamilya actress-singer na si Angeline Quinto sa mga nagsasabing Curacha o walang pahinga na siya dahil sa sunod-sunod na trabaho.

Marami sa mga tagahanga ng actress-singer na si Angeline Quinto ang natutuwa dahil nagkakaroon pa rin siya ng oras para makasama ang kanyang pamilya sa kabila ng kanyang busy schedules.

Kaagad na umani ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens ang ibinahaging larawan ni Angeline Quinto sa kanyang social media account kung saan makikita ang pagbo-bonding nilang mag-anak sa isang beach.

Sa caption inilahad ni Angeline Quinto na 90% ang kanyang kasiyahan samantalang ang nalalabing 10% ay ang pagiging burnt.

Ikinatuwa naman ito ng kanilang mga fans lalo na nang makitang malaki na ang anak ngayon ni Angeline Quinto at going strong pa rin sila ng kanyang non-showbiz partner na si Nonrev Daquina.

Maging ang singer na si Martin Nievera ay nag-iwan rin ng komento sa post ni Angeline Quinto kung saan tila inaasar nito ang kaibigan.

Matatandaan na nauna nang naiulat na lahat ng mga inaalok sa singing gig kay Angeline Quinto ay tinatanggap nito para masuportahan niya ang kanyang pamilya.

Dahil dito, ilang beses nang napag-usapan ang patungkol sa isyung si Angeline Quinto ang mag-isang nagtatrabaho at bumubuhay sa kanyang mag-ama. Umani man ito ng mga negatibong komento mula sa mga netizens bakas naman sa mukha ni Angeline Quinto na masaya siya sa kanyang buhay kasama ang kanyang mag-ama.

Marami rin naman ang nagtatanggol sa partner ni Angeline Quinto kung saan ipinupunto nila ang pag-aalaga nito sa kanilang anak at ang pagiging supportive nito kay Angeline Quinto sa lahat ng bagay.

Ayon pa sa ilang mga netizens na mas makakabuti para kay Angeline Quinto na hilingin ang ikakabuti nito, na magiging maayos ang kanyang kaludugan upang patuloy siyang makakapagtrabaho para suportahan ang kanyang mga mahal sa buhay lalo na ngayong lumalaki na ang kanilang anak.

Hiniling rin ng mga tagahanga ni Angeline na huwag naman kaagad na husgahan ang partner nito lalo na't wala namang nakakaalam sa totoong pagkatao nito.

Kapuso Stars, Pinagpipilian Na Maging Host Ng It's Showtime Sa Paglipat Sa GMA7

Walang komento


 Sa tuluyang paglipat ng Kapamilya noontime show na It's Showtime sa GMA7 matapos mabakante ang noontime timeslot ng nasabing network dahil sa biglaang pagkakahinto ng noontime show ng TAPE Incorporated na Tahanang Pinakamasaya.


Sa nangyayaring collaboration ng GMA7 at ABS-CBN sa paglipat ng It's Showtime, usap-usapan ngayon ang balita patungkol sa isang Kapuso artist na magiging kabilang sa mga host ng It's Showtime.


May mga nagsasabi na isa sa mga pinagpipiliang Kapuso artist ay si Julie Anne San Jose. Kabilang din umano sa mga pinagpipilian ngayon ay ang Kapuso actress na si Barbie Forteza.


Matatandaan na naging trending ang pagiging guest host noon ni Barbie Forteza sa It's Showtime noong wini-welcome nila ito sa GTV matapos lumipat mula sa TV5.


Marami pa ang nagsasabi noon na ipinapakita ni Barbie Forteza ang energy ng isang It's Showtime host sa pagbati sa mga madlang pipol.


Ipinakita rin ni Barbie Forteza ang kanyang galing sa paghohost sa It's Showtime kaya naman hindi napigilan ng ilang mga netizens na hilingin na sana ay maging kabahagi ng It's Showtime si Barbie Forteza.


Isa pa sa mga Kapuso na maaring maging host ng It's Showtime ay ang actress na si Sanya Lopez, matatandaan na labis na nag-enjoy ang mga madlang pipol sa mainit na dance performance ni Tanya Lopez noong naging guest siya sa It's Showtime.


Marami rin ang napahanga sa magandang pagkanta ni Sanya Lopez sa theme song ng It's Showtime, hayagan pang hiniling noon ni Sanya Lopez na sana ay muli siyang makatungtong sa It's Showtime stage.


Samantala, umani naman ng papuri mula kay Vice Ganda ang Kapuso actress na si Bianca Umali dahil sa angking kagandahan nito at sa galing sa pagsayaw.


Sa kabilang banda, umaasa naman ang mga fans ni Michael V sa kabila ng naging pahayag nito noon sa kanyang contract signing sa GMA na hindi pa siya handang maging host ng isang TV show, hinihiling pa rin ng marami na maging kabilang siya sa mga host ng It's Showtime ngayong nasa bakuran na sila ng GMA Network.



Miles Ocampo at Elijah Canlas, Nagbabalikan Na Ngayon! Detalye Sa Pagbabalikan Ng Kanilang Relasyon!

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang haka-hakang nagkabalikan na sina Miles Ocampo at Elaijah Canlas.


Muling naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang dating celebrity couple na sina Miles Ocampo at Elaijah Canlas matapos kumalat sa social media ang isyu ng kanilang pagkakabalikan.


Nag-ugat ang mga usaping ito nang namataan silang magkasama sa birthday celebration ng actress-host na si Maine Mendoza. Makikita naman sa ilang mga videos at photos na kumakalat ang pagiging malapit nila sa isa't-isa.


Hindi na rin umano mababakas ang ilangan at awkwardness sa pagitan ng dalawa. Lalo pang umugong ang balitang ito nang magbakasyon si Miles Ocampo sa Hongkong.


Bagama't hindi naman niya sinabing kasama niya si Elaijah Canlas sa pagbabakasyon marami pa rin ang naghinala na ito ang kasama ng aktres na siyang taga-kuha ng video at larawan nito na ibinabahagi nito sa social media.


Samantala, sa isang interview natatawang sinabi ni Miles Ocampo na hindi si Elaijah Canlas ang kumukuha ng kanyang mga larawan at videos kundi ang kanyang mga kapatid at magulang na kasama niya sa pagbabakasyon.


Subalit, masayang inamin ni Miles Ocampo na wino-work out na nila ni Elaijah Canlas ang kanilang relationship.


Isa pa sa mga nagbibigay ng clue patungkol sa pagkakaayos nina Elaijah Canlas at Miles Ocampo ay ang panunukso ng mga Eat Bulaga hosts kay Miles Ocampo patungkol sa kasalukuyang estado ng kanyang puso.


Nauna na ring inamin ni Miles Ocampo sa isang panayam noon na nag-umpisa ang 2024 na maayos ang pakikitungo nila ni Elaijah Canlas sa isa't-isa at muli na rin umano silang nagkakausap.


"We started this year na okay kami, nag-uusap na ulit. May mga bagay kaming dalawa lang ang makakaalam at makakasagot sa isa't-isa, so might as well be friends for now," pahayag ni Miles Ocampo.


Matatandaan na naghiwalay sina Miles Ocampo at Elaijah Canlas noong November 2023 at inamin ito mismo ni Elaijah sa isang panayam.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo