Matet De Leon Ibinunyag Ang Ugali Ni Lotlot De Leon Mula Noong Bata Pa Sila

Huwebes, Marso 21, 2024

/ by Lovely


 Nagpahayag ng isang mensahe si Matet De Leon para sa kanyang ate na si Lotlot De Leon kung saan inihayag ang kanyang nararamdaman patungkol rito.


Sa isang Instagram post nagbahagi si Matet De Leon ng isang mensahe para kay Lotlot De Leon kung saan ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat at pagmamahal para sa kanyang ate Lotlot De Leon.


"Sa tingin ko, ikaw ang unang taong minahal ko mula nung dumating ako dito sa mundo.. Thank you ate for the love na binibigay mo sa amin mula nung bata pa kami hanggang ngayon. Mahal na mahal ka namin! Wala kang katulad. Happy happy birthday ate @ms.lotlotdeleon Miss na miss kitaaaaa," caption ni Matet De Leon sa kanyang Instagram post kalakip ang larawan nila ni Lotlot.


Kaagad namang umani ng mga papuri mula sa mga netizens ang ginawang tribute ni Matet De Leon para sa kanyang kapatid na si Lotlot De Leon. Sa pagsisiwalat na ito ni Matet De Leon, marami ang nagsasabi na napakabait talaga na kapatid ni Lotlot De Leon.


Samantala, sinagot naman kaagad ni Lotlot De Leon ang pagbati sa kanya ni Matet De Leon sa mismong comment section ng Instagram post nito. 


Kung saan inihayag niyang subok na subok na sila ng panahon sa mga pinagdaanan na tila ba isang telenovela ang kanilang buhay subalit sa huli ay bumabalik pa rin ang pagmamahal nila para sa isa't-isa.


Mensahe ni Lotlot De Leon para kay Matet, "Subok na subok na tayo ng panahon no? Dami na natin pinagdaanan! Yung tipong pang tele novela! Yung lahat ng pwedeng maramdam andun na! mahalaga sa dulo lagi pa din tayong bumabalik sa isa’t isa.. Hahahha sooo… hinding hindi mauubos ang pagmamahal ko para sayo! Okay? Okay!!! Love you!"


Marami naman sa kanilang mga tagahanga ang natutuwa dahil sa kabila ng hindi pagiging perfect ay nagawa parin nilang magmahalang magkapatid.


Narito naman ang ilang mga saloobin ng mga netizens sa ibinahaging mensahe ni Matet De Leon para kay Lotlot.


"Happy Birthday Ms Lot i can't quite imagine i was 11 yrs old when i became a fan. And even my mom nagtataka kasi dapat daw naglalaro and happy happy palang ako. Lahat pinanuod ko movies and i buy magazines and watching ur tv shows and til now kay Ms Janine naman. 


"Thank you dahil naging maganda kang halimbawa bilang mabuting tao at nanay ng mga anak mo. I salute you and Happy Happy Birthday Ms Lot God bless you all the days of your life."


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo