Angeline Quinto Nakakuha Ng Kakaibang Reaction Kay Martin Nievera

Miyerkules, Marso 20, 2024

/ by Lovely


 Naglabas ng saloobin ang Kapamilya actress-singer na si Angeline Quinto sa mga nagsasabing Curacha o walang pahinga na siya dahil sa sunod-sunod na trabaho.

Marami sa mga tagahanga ng actress-singer na si Angeline Quinto ang natutuwa dahil nagkakaroon pa rin siya ng oras para makasama ang kanyang pamilya sa kabila ng kanyang busy schedules.

Kaagad na umani ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens ang ibinahaging larawan ni Angeline Quinto sa kanyang social media account kung saan makikita ang pagbo-bonding nilang mag-anak sa isang beach.

Sa caption inilahad ni Angeline Quinto na 90% ang kanyang kasiyahan samantalang ang nalalabing 10% ay ang pagiging burnt.

Ikinatuwa naman ito ng kanilang mga fans lalo na nang makitang malaki na ang anak ngayon ni Angeline Quinto at going strong pa rin sila ng kanyang non-showbiz partner na si Nonrev Daquina.

Maging ang singer na si Martin Nievera ay nag-iwan rin ng komento sa post ni Angeline Quinto kung saan tila inaasar nito ang kaibigan.

Matatandaan na nauna nang naiulat na lahat ng mga inaalok sa singing gig kay Angeline Quinto ay tinatanggap nito para masuportahan niya ang kanyang pamilya.

Dahil dito, ilang beses nang napag-usapan ang patungkol sa isyung si Angeline Quinto ang mag-isang nagtatrabaho at bumubuhay sa kanyang mag-ama. Umani man ito ng mga negatibong komento mula sa mga netizens bakas naman sa mukha ni Angeline Quinto na masaya siya sa kanyang buhay kasama ang kanyang mag-ama.

Marami rin naman ang nagtatanggol sa partner ni Angeline Quinto kung saan ipinupunto nila ang pag-aalaga nito sa kanilang anak at ang pagiging supportive nito kay Angeline Quinto sa lahat ng bagay.

Ayon pa sa ilang mga netizens na mas makakabuti para kay Angeline Quinto na hilingin ang ikakabuti nito, na magiging maayos ang kanyang kaludugan upang patuloy siyang makakapagtrabaho para suportahan ang kanyang mga mahal sa buhay lalo na ngayong lumalaki na ang kanilang anak.

Hiniling rin ng mga tagahanga ni Angeline na huwag naman kaagad na husgahan ang partner nito lalo na't wala namang nakakaalam sa totoong pagkatao nito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo