Willie Revillame Binibenta Na Ang Mga Ari Arian, Na Lubog Raw Sa Utang?

Huwebes, Marso 21, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang mga haka-hakang ibinenta na ni Willie Revillame sa ang kanyang tropical house na matatagpuan sa Tagaytay City sa halagang 3 billion pesos.


Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms patungkol sa isyung unti-unti na umanong binibenta ni Willie Revillame ang kanyang mga ari-arian.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens may mga hindi naniniwala dahil hindi naman umano lingid sa kaalaman ng lahat na maraming mga negosyo si Willie Revillame kaya naman imposible umano na magbibenta ng mga ari-arian si Willie.


May mga nagsasabi naman na baka ay hindi na gusto ni Willie Revillame ang nasabing property kaya naman napagpasyahan na lamang niya itong ibenta.


Gayunpaman, hindi pa rin maiiwasan ang ilang mga netizens na nang-iintriga kay Willie Revillame lalo na't alam naman ng lahat na ilang taon na ring hindi umiere ang kanyang show na Wowowin.


Hindi rin naging maganda ang pagtatapos ng kanyang show noong sa ALLTV dahil sa kawalan ng mga advertisers dahil mahina ang kanilang reach sa audience.


Samantala, may mga nagsasabi naman na pinapaupahan lamang ni Willie Revillame ang kanyang mansion sa Tagaytay City sa isang mag-asawa na napakayaman na may-ari ng isang resort sa Boracay.


Nagustuhan umano ng mag-asawa ang sinasabing bahay kaya naman, tinanong nila si Willie Revillame kung magkano ang halaga nito. Naisip naman umano ni Willie Revillame na hindi naman niya kailangan ang bahay sa Tagaytay dahil sa bahay niya sa Puerto Galera siya tumutuloy.


Bukod sa bahay ay nabenta na rin umano ni Willie Revillame ang isa niyang chopper sa ibang buyer.


Samantala, may mga kumakalat naman ngayong mga bulong-bulungan kung saan magbabalik na umano ang show ni Willie Revillame na Wowowin subalit mapapanood lamang ito via Facebook live dahil naghahanap pa si Willie ng  TV network.


Hindi natuloy si Willie Revillame sa PTV dahil nakagulo umano ang mga nakakausap niyang executives dahil pinapangunahan na ng mga ito ang mga komisyon na makukuha nila mula sa show ni Willie.


Nauna nang naiulat ang pakikipagmeeting ni Willie Revillame sa TV5 subalit wala pa rin umanong final decision patungkol rito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo