Claudine Barretto Reaksyon Sa Pagbabati Nina Bea Alonzo at Julia Barretto

Huwebes, Marso 21, 2024

/ by Lovely


 Naglabas ng reaksyon ang kilalang aktres na si Claudine Barretto sa trending na pagbabati ng kanyang pamangkin na si Julia Barretto at Bea Alonzo sa tribute party para kay Mr. M.


Inilahad ni Claudine Barretto na masaya naman siya na tila nagkaayos na sina Julia Barretto at si Bea Alonzo.


Matatandaan na nagviral sa ilang mga social media platforms ang video kung saan nakikitang nagbebeso at nagyayakapan sina Julia Barretto at Bea Alonzo sa tribute party para sa Star Maker na si Johnny Manahan noong March 16, 2024.


Naging malaking usapin ito sa mga netizens dahil ito ang kauna-unahng pagkakataon na nagkaroon ng interactions sa isa't-isa sina Julia Barretto at Bea Alonzo matapos masangkot sa kontrobersiya noong 2019.


Samantala sa isang panayam kay Claudine Barretto naitanong sa kanya kung ano ang kanyang saloobin sa tila pagkakasundo ng dalawa.


Ayon kay Claudine Barretto na labis niyang ikinatuwa ang nangyaring pagkakasundo ng dalawa.


Aminado rin si Claudine Barretto na worried siya noong gabing iyon knowing na maaring magkrus ang landas nina Bea Alonzo at Julia Barretto.


Nagaalala umano siya para kay Julia Barretto dahil hindi ito katulad niya na matapang sa katunayan ay mahiyain umano si Julia Barretto.


Samantala, pakiramdam naman ni Claudine Barretto na matagal na ring nakapag-move on si Bea Alonzo sa nangyaring isyu sa pagitan nila nina Julia at Gerald Anderson.


Matatandaan na dumaan sa matinding intriga sina Bea Alonzo at Julia Barretto nang malink ang huli sa aktor na si Gerald Anderson na kasalukuyang karelasyon noon ni Bea Alonzo.


Nauwi sa hiwalayan ang relasyon nina Gerald Anderson at Bea Alonzo noong 2019 dahil sa involvement ni Julia Barretto.


Sa isang panayam noon kay Bea Alonzo, inilahad niyang hindi naman sila pormal na naghiwalay ni Gerald Anderson, bigla na lamang umano itong tumigil na makipag-usap sa kanya.


Sa nangyari, marami ang nagtuturo kay Julia Barretto bilang dahilan ng hiwalayan o panggo-ghost ni Gerald Anderson kay Bea Alonzo.


Samantala, itinanggi naman ito noon ni Julia Barretto at Gerald Anderson kung saan pareho nilang iginiit na hindi totoong naging third party si Julia Barretto.


Nagbigay rin noon ng prangkang pahayag si Julia Barretto para kay Bea Alonzo kung saan sinaway na niya ang aktres sa pagpi-feeling victim nito sa publiko sa nangyaring pang-iiwan ni Gerald Anderson.


Pahayag noon ni Julia Barretto,  "Bea, you wanted to keep your hands clean by not mentioning me in your controversial post, but with a click of your finger, in your sly way, you have charged everybody to destroy me for you."


Dagdag pa niya, "You can play the victim all you want, but I refuse to be your victim."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo