It's Showtime at Eat Bulaga Balik Ang Labanan!

Miyerkules, Marso 20, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang muling pagsasagupaan ng mga noontime show na Eat Bulaga at It's Showtime sa mainstream media.


Bagama't marami nang nanonood sa mga online streaming platforms ngayon, ang panonood pa rin sa mga telebisyon ang pinagbabasehan kung naghit ang isang show dahil dito nanonood ang mga tao na nakatira sa mga probinsya at sa ibang mga liblib na lugar ng bansa.


Samantala noong sabado, March 16, 2024 tinalo ng ipinalabas na lumang pelikula ng GMA7 sa unang pagkakataon ang show ng TVJ sa TV5 na Eat Bulaga at ang It's Showtime.


Ang Kapuso movie Festival na pumasok ng 11:30 A.M ay nakakuha ng 3.5% habang ang Kapuso lunch time movie hits na pumasok naman ng ala-una ng hapon ay nakakuha ng 4.8%.


Ang Eat Bulaga ay nakakuha ng 3.7% habang ang It's Showtime naman ay nakakuha ng 3.6%. Ang nasabing datos ay base sa nakuhang impormasyon ng AGV Nielsen.


Samantala, mas magiging matindi ang labanan sa mga noontime shows ngayong magsasanib pwersa na ang GMA7 at ang It's Showtime.


Gayunpaman, marami naman sa mga tagasubaybay ng Eat Bulaga ang nagsasabing matatag na ang viewership rating ng longest running noontime show sa Pilipinas kaya hindi na umano bothered ang mga ito sa paglipat ng It's Showtime sa GMA7.


Gayunpaman, hindi pa rin naiiwasang isipin ng ilang mga netizens na muli na namang magkakatapat ang It's Showtime at Eat Bulaga na una nang nagkatapat noong may prangkisa pa ang ABS-CBN habang nasa GMA naman ang Eat Bulaga.


Samantala, excited naman ngayon ang ilang mga madlang pipol sa panibagong journey ng It's Showtime sa panibago nilang tahanan sa GMA Network.


Matatandaan na noon lamang nagdaang taon, nailipat sa GTV ang It's Showtime matapos ang pag-alis ng TVJ sa TAPE Incorported at GMA7, na lumipat naman sa TV5 kung saan umiire noon ang It's Showtime.


Labis namang nagpapasalamat ang si Vice Ganda sa GMA Network sa pagbibigay sa kanila ng panibagong tahanan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo