Miles Ocampo at Elijah Canlas, Nagbabalikan Na Ngayon! Detalye Sa Pagbabalikan Ng Kanilang Relasyon!

Miyerkules, Marso 20, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang haka-hakang nagkabalikan na sina Miles Ocampo at Elaijah Canlas.


Muling naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang dating celebrity couple na sina Miles Ocampo at Elaijah Canlas matapos kumalat sa social media ang isyu ng kanilang pagkakabalikan.


Nag-ugat ang mga usaping ito nang namataan silang magkasama sa birthday celebration ng actress-host na si Maine Mendoza. Makikita naman sa ilang mga videos at photos na kumakalat ang pagiging malapit nila sa isa't-isa.


Hindi na rin umano mababakas ang ilangan at awkwardness sa pagitan ng dalawa. Lalo pang umugong ang balitang ito nang magbakasyon si Miles Ocampo sa Hongkong.


Bagama't hindi naman niya sinabing kasama niya si Elaijah Canlas sa pagbabakasyon marami pa rin ang naghinala na ito ang kasama ng aktres na siyang taga-kuha ng video at larawan nito na ibinabahagi nito sa social media.


Samantala, sa isang interview natatawang sinabi ni Miles Ocampo na hindi si Elaijah Canlas ang kumukuha ng kanyang mga larawan at videos kundi ang kanyang mga kapatid at magulang na kasama niya sa pagbabakasyon.


Subalit, masayang inamin ni Miles Ocampo na wino-work out na nila ni Elaijah Canlas ang kanilang relationship.


Isa pa sa mga nagbibigay ng clue patungkol sa pagkakaayos nina Elaijah Canlas at Miles Ocampo ay ang panunukso ng mga Eat Bulaga hosts kay Miles Ocampo patungkol sa kasalukuyang estado ng kanyang puso.


Nauna na ring inamin ni Miles Ocampo sa isang panayam noon na nag-umpisa ang 2024 na maayos ang pakikitungo nila ni Elaijah Canlas sa isa't-isa at muli na rin umano silang nagkakausap.


"We started this year na okay kami, nag-uusap na ulit. May mga bagay kaming dalawa lang ang makakaalam at makakasagot sa isa't-isa, so might as well be friends for now," pahayag ni Miles Ocampo.


Matatandaan na naghiwalay sina Miles Ocampo at Elaijah Canlas noong November 2023 at inamin ito mismo ni Elaijah sa isang panayam.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo