Julia Montes Trending Ang Birthday Post Na Pasabog!

Huwebes, Marso 21, 2024

/ by Lovely


  Feeling grateful na sinalubong ng Kapamilya actress na si Julia Montes ang kanyang ika-29 na kaarawan.


Sa kamakailang social media post ni Julia Montes pinasalamatan niya ang lahat ng kanyang mga tagahanga at ang lahat ng mga bumati sa kanya. Ibinahagi rin niyang may panibago siyang project na malapit nang ilabas.


Kabilang sa mga nagpaabot ng mensahe kay Julia Montes ay ang kanyang mga tagasuporta. Maging ang ilang mga celebrities na nakasama niya sa industriya ng showbiz.


Nagbahagi ng isang nakakaantig na mensahe si Cherry Pie Picache kung saan inilahad niya ang kanyang pagmamahal sa aktres na ilang beses na rin niyang nakakasama sa mga teleserye at pelikula.


Nagpost rin ang Cornerstone Management ng mensahe ng pagbati para sa kanilang artist na si Julia Montes.


Sa pagsalubong ni Julia Montes sa kanyang kaarawan, marami ang na-excite kung ano ang gagawin ng kanyang boyfriend na si Coco Martin.


Hindi naman lingid sa kaalaman na noon paman ay nalilink na sina Coco Martin at Julia Montes. Ilang beses na ring naiisyu ang pagbubuntis ni Julia Montes sa kanilang anak ni Coco Martin subalit nanatiling tikom ang bibig ng dalawa.


Hindi naman ito kagulat-gulat pa dahil noon pa man ay naging bukas na si Coco Martin sa pagpapahalaga niya sa kanyang privacy. Iginiit pa nito sa isang panayam noon na naiiba ang kanyang buhay pag-ibig sa kanyang trabaho sa industriya ng showbiz.


Matatandaan na noong nakaraang taon ay naghanda pa si Coco Martin ng isang birthday surprise para kay Julia Montes kung saan naroroon ang mga malalapit na kaibigan ng aktres.


Dahil dito, marami ang naghinalang may hinanda ring surpresa ngayon si Coco Martin para kay Julia Montes na hindi na nila ipinasilip sa mga netizens.


Sa kabilang banda, marami naman ang naku-curious ngayon sa kung ano ng proyekto ang gagawin ni Julia Montes kung isa nga ba itong pelikula o kaya naman ay isang teleserye.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo