It'S Showtime May Tatanggalin Na Host

Huwebes, Marso 21, 2024

/ by Lovely


 Pinaghandaan ng mga It's Showtime hosts ang pagpunta sa GMA Network para saksihan ang isa sa makasaysayang araw sa telebisyon.


Inamin rin ng mga host ng It's Showtime na mix emotion ang kanilang nararamdaman na mapapanood na sa GMA7 ang kanilang noontime show sa darating na April  6, 2024.


Ayon sa naging pahayag ni Vhong Navarro sa isang panayam, hinding-hindi niya malilimutan ang araw na ito, March 20, 2024 at ituturing niyang historical moment para sa mga Madlang Pipol at mga Kapuso viewers.


Ang nangyaring contract signing ay ang pangalawang collaboration ng It's Showtime at ng GMA Network. Nauna nang nagsanib pwersa ang ABS-CBN at GMA Network sa It's Showtime, nang ilabas sa subsidiary channel ng GMA na GTV ang It's Showtime noong umalis sila sa TV5 dahil sa paglipat naman ng TVJ nang umalis sila sa pamunuan ng TAPE Incorporated.


Samantala, nitong March 20, 2024 naganap ang It's Showtime sa GMA contract signing sa studio ng GMA7 kung saan nagkita-kita ang mga big bosses ng ABS-CBN at GMA7.


Sa kabilang banda, sa naging panayam ni Vhong Navarro sa Fast Talk with Boy Abunda inamin ni Vhong Navarro na labis silang natutuwa sa nangyayari ngayon sa kanilang show. Feeling thankful at grateful din umano silang lahat sa GMA Network.


Ayon kay Vhong Navarro, talagang pinaghandaan nila ang pagpunta sa GMA studio dahil napaka-special ng panibagong bahay na kanilang papasukan.


Maging sila ay hindi rin umano lubos na makapaniwala na ang It's Showtime ay papasok na sa GMA7 mula sa GTV.


Naitanong rin ni Boy Abunda kay Vhong Navarro kung sino-sino ang mga Kapuso na papasok sa It's Showtime bilang host ngayong nasa main channel na sila ng GMA.


Ayon kay Vhong Navarro, inaayos na sa ngayon kung sino-sino sa mga Kapuso artist ang papasok bilang host ng It's Showtime. Kung maging magiging daily ba, salitan o kung may magiging regular host ba ng show.


Bukod kay Vhong Navarro naroon din ang iba pang mga It's Showtime hosts na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Kim Chiu, Karylle, Amy Perez, Jhong Hilario, Ogie Alcasid, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ryan Bang, Ion Perez, Jacky Gonzalez, MC, Lassy, Zian Dominguez at Darren Espanto. 


Samantala, hindi naman malinaw sa ngayon kung may tatanggaling nga bang host sa It's Showtime mula sa mga regular host ng show at papalitan ng Kapuso artist o madadagdagan lamang sila.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo