Kapuso Stars, Pinagpipilian Na Maging Host Ng It's Showtime Sa Paglipat Sa GMA7

Miyerkules, Marso 20, 2024

/ by Lovely


 Sa tuluyang paglipat ng Kapamilya noontime show na It's Showtime sa GMA7 matapos mabakante ang noontime timeslot ng nasabing network dahil sa biglaang pagkakahinto ng noontime show ng TAPE Incorporated na Tahanang Pinakamasaya.


Sa nangyayaring collaboration ng GMA7 at ABS-CBN sa paglipat ng It's Showtime, usap-usapan ngayon ang balita patungkol sa isang Kapuso artist na magiging kabilang sa mga host ng It's Showtime.


May mga nagsasabi na isa sa mga pinagpipiliang Kapuso artist ay si Julie Anne San Jose. Kabilang din umano sa mga pinagpipilian ngayon ay ang Kapuso actress na si Barbie Forteza.


Matatandaan na naging trending ang pagiging guest host noon ni Barbie Forteza sa It's Showtime noong wini-welcome nila ito sa GTV matapos lumipat mula sa TV5.


Marami pa ang nagsasabi noon na ipinapakita ni Barbie Forteza ang energy ng isang It's Showtime host sa pagbati sa mga madlang pipol.


Ipinakita rin ni Barbie Forteza ang kanyang galing sa paghohost sa It's Showtime kaya naman hindi napigilan ng ilang mga netizens na hilingin na sana ay maging kabahagi ng It's Showtime si Barbie Forteza.


Isa pa sa mga Kapuso na maaring maging host ng It's Showtime ay ang actress na si Sanya Lopez, matatandaan na labis na nag-enjoy ang mga madlang pipol sa mainit na dance performance ni Tanya Lopez noong naging guest siya sa It's Showtime.


Marami rin ang napahanga sa magandang pagkanta ni Sanya Lopez sa theme song ng It's Showtime, hayagan pang hiniling noon ni Sanya Lopez na sana ay muli siyang makatungtong sa It's Showtime stage.


Samantala, umani naman ng papuri mula kay Vice Ganda ang Kapuso actress na si Bianca Umali dahil sa angking kagandahan nito at sa galing sa pagsayaw.


Sa kabilang banda, umaasa naman ang mga fans ni Michael V sa kabila ng naging pahayag nito noon sa kanyang contract signing sa GMA na hindi pa siya handang maging host ng isang TV show, hinihiling pa rin ng marami na maging kabilang siya sa mga host ng It's Showtime ngayong nasa bakuran na sila ng GMA Network.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo