Magbabalik! Aktres Papalit Sa Karakter Ni Jacklyn Jose Sa Batang Quiapo!

Walang komento

Huwebes, Marso 7, 2024

Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang balitang magbabalik na sa showbiz ang veteran actress na si Angel Locsin at papasok umano ito sa teleseryeng Ang Batang Quaipo ng ABS-CBN.


Kumakalat ngayon sa sa social media ang video kung saan sinasabi nitong may posibilidad na magbabalik na sa showbiz ang veteran actress na si Angel Locsin matapos ang kanyang pananahimik sa mundo ng showbiz at social media ng ilang taon.


Ayon pa sa mga usap-usapang ito, papasok si Angel Locsin sa teleseryeng pinangunahan ni Coco Martin na Ang Batang Quiapo at ito umano ang papalit sa karakter ni Jaclyn Jose na kamakailan lamang ay namayapa na.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens marami ang nasiyahan sa balitang masisilayan na naman in-action si Angel Locsin na matagal na ring namimiss ng kanyang mga fans.


Sa kabilang banda, may mga naghinala naman na fake news ang kumakalat dahil ipinunto na rin ng mga malapit kay Angel Locsin na masaya na ito sa kanyang pribadong buhay ngayon.


Maging ang Dreamscape Entertainment ay nagbigay na rin ng linaw sa balitang ito kung saan iginiit nilang walang katotohanan ang balitang ito.


Iginiit rin nila na baka gawagawa lamang ng fan ang nasabing video dahil labis na nilang namimiss ang aktres na bigla na lamang nanahimik at hindi na nagpakita ng walang paalam.


Samantala, hindi pa rin umano alam ni Coco Martin kung paano tatapusin ang karakter ni Jaclyn Jose bilang si Chief Espenas sa Ang Batang Quiapo dahil marami pa umano siyang balak na gawin para sa karakter nito.


Naniniwala rin ang mga manonood ng Ang Batang Quiapo na may ipapalit si Coco Martin kay Jaclyn Jose na papasok sa Batang Quiapo na maaring ipalit ng actor-director sa karakter ni Chief Espinas.

 

@maryjanetamban27 #fypシ゚viral #LearnItOnTikTok ♬ Hall Of Fame - PHARAØH & EQRIC & Clayton Jones

Lahat Naiyak! Eulogy Ni Andi Eigenmann Sa Burol Ng Ina Na Si Jaclyn Jose

Walang komento

Miyerkules, Marso 6, 2024


 Nagbahagi ng isang emotional message si Andi Eigenmann para sa kanyang namayapang ina, ang batikang aktres na si Jaclyn Jose, na na pumanaw nang mag-isa noong March 2, 2024.


Sa kanyang mensahe inilahad ni Andi Eigenmann na hindi na makakaramdam ng sakit ang kanyang ina matapos ang pagpanaw nito. Naniniwala rin si Andi Eigenmann na magsisilbing gabay nila ang kanyang ina.


“Ika’y nasa araw, sa ulan, sa hangin na aking nilalasap. Umaawit ng kantang puno ng pag-asa at ligaya. Wala na ang sakit. Wala na ang takot,” emosyunal na pahayag ni Andi. 


Dagdag pa niya, “Wala na ang sakit. Wala na ang takot. Makikita kita sa mga ulap, maririnig ang iyong mga bulong ng pagmamahal.  Magkikita din tayong muli sa ngayon didinggin ko muna ang iyong mga awit.”


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may pagkakataon na hindi nagkakasundo sina Andi Eigenmann at ang kanyang namayapang ina na si Jaclyn Jose.


Noong 2021, humingi ng tawad si Jaclyn Jose sa kanyang mga anak sa kanyang mga shortcoming inilahad din niya kung gaano siya ka-proud para rito.


Ayon kay Jaclyn Jose, hinahangaan niya ang kanyang anak na si Andi Eigenmann sa kung anong meron ito ngayon sa kanyang buhay.


Hiniling pa noon ni Jaclyn Jose na sana ay naging matatag siya noon kagaya ng kanyang anak.


Ipinahayag din niya kung gaano niya to kamahal at palagi umano siyang nakasuporta sa lahat ng mga ginagawa nito.


Samantala, noong 2022 hiniling pa ni Jaclyn na sana ay batiin rin siya ni Andi sa kanyang kaarawan para maging kompleto ito.



Mahusay Na Aktor Biglang Tinanggal Sa Batang Quiapo!

Walang komento


 Naglabas na ng pahayag ang beteranong aktor na si Rez Cortez patungkol sa madaliang pagkakatanggal niya sa teleseryeng kinabibilangan noon na FPJ's: Ang Batang Quiapo.


Ayon kay Rez Cortez, tinanggal siya sa teleseryeng Ang Batang Quiapo dahil sa natatanggap niyang kaliwa't-kanang pambabatikos.


Idinetalye ni Rez Cortez ang kabuang detalye sa biglaang pagkawala ng kanyang karakter sa Ang Batang Quiapo sa isang panayam ng vlogger na si Morly Alinio.


Naitanong ni Morly kay Rex, kung bakit kaagad nawala ang kanyang karakter sa Ang Batang Quiapo.


Ayon kay Rez Cortez, umabot siya ng pitong buwan sa Ang Probinsyano habang nagsisimula pa lamang ang taping ng Ang Batang Quiapo ay kasama na umano siya sa mga cast subalit nakakatatlong taping pa lamang umano siya sa nasabing teleserye ay nakatanggap siya ng matinding pambabatikos.


Matatandaan na inalmahan ng Muslim Community ang karakter noon ni Rez Cortez sa Ang Batang Quiapo bilang sa Abdul.


Hindi nagustuhan ng mga Muslims ang kanyang karakter dahil sa mga ginagawa niya sa nasabing teleserye na hindi naman ginagawa ng mga Muslims.


Bumawi naman umano sila sa mga Muslims at kinunan nila ang eksena kung saan ipinakita kung bakit ginawa ito ni Abdul.


Ipinakita nila na nagkaganoon si Abdul dahil sa malaking utang niya kay Tanggol, karakter ni Coco Martin sa Ang Batang Quiapo.


Nakabawi naman umano sila sa nasabing eksena, sinabihan rin umano siya ni Coco Martin na gagawin na lamang niyang mabait ang karakter nito.


Ang ibig sabihin na pala ng aktor rito ay pansamantalang mamamahinga ang kanyang karakter. Aminado naman si Rez Cortez na nalungkot siya dahil nawalan siya ng trabaho subalit nangako naman umano si Coco Martin na ibabalik siya sa Ang Batang Quiapo.


Sa pagkakataong ito ay aayusin na umano nito ang kanyang karakter para wala nang community na ma-ooffend.




Alden Richards, Pinutakti Ng ArMaine Fans Dahil sa Mensahe Para Sa Beteranang Aktres Na Si Jaclyn Jose

Walang komento


 Nakakatanggap ngayon ng pambabatikos mula sa mga ArMaine fans ang Kapuso actor na si Alden Richards matapos nitong maglabas ng mensahe sa biglaang pagpanaw ng kanyang ina-inahan sa showbiz na si Jaclyn Jose.


Kamakailan lamang ay nagbahagi ng isang social media post si Alden Richards patungkol sa kanyang pagdadalamhati dahil sa pagpanaw ni Jaclyn Jose. Sa nasabing post inilahad ni Alden Richards kung gaano kasakit para sa kanya ang biglaang pagkawala nito.


Agad itong nagviral sa social media at umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens, marami ang nakikisimpatya kay Alden Richards at pinuri ang aktor sa pagpapahalaga niya kay Jaclyn Jose.


Subalit, hindi rin maitatanggi na marami ang napataas ang kilay sa ginawa ng aktor. Ayon sa ilang mga netizens na tila sinasakyan na naman ng aktor ang balitang pagkawala ni Jaclyn Jose kaya nagpapapansin umano ito.


May mga nagsasabi pang napaka-OA umano nito sa pagbabahagi ng mensahe na tila isa ito sa mga totoong anak ng yumaong aktres.


Samantala sa paningin ng mga fans ni Alden Richards na wala namang masama sa ginawa ng aktor dahil totoong nagkalapit naman silang dalawa at nagpapahayag lamang ang aktor ng kanyang pagdadalamhati.


May mga naghinala naman na kadalasan sa mga bumabatikos ngayon sa aktor ay mga fans nina Arjo Atayde at Maine Mendoza.


Matatandaan na ilang beses na ring nagsama sa iisang proyekto sina Jaclyn Jose at Alden Richards kaya naman hindi na kataka-taka kung maging malapit na rin sila sa isa't-isa.


May mga naglabasan ring video kung saan inihayag mismo ng batikang aktres kung gaano niya kamahal ang aktor bilang anak at totoong anak na rin ang turing  niya rito.



Coco Martin Bumisita Na Sa Burol Ni Jaclyn Jose Tinupad Ang Hiling Ni Jaclyn Noong Nabubuhay Pa!

Walang komento


 Bumisita na sa burol ng namayapang aktres na si Jaclyn Jose ang Kapamilya actor-director na si Coco Martin na nakasarama rin ng aktres sa teleseryeng Ang Batang Quiapo.


Isa ang director-actor na si Coco Martin sa mga taong naging malapit kay Jaclyn Jose habang ito ay nabubuhay pa.


Kaya naman ng malaman nito ang nakakalungkot at nakakabiglang balita patungkol sa nangyari ay isa siya sa labis na nalulungkot.


Samantala, tila tinupad naman ni Coco Martin ang hiniling sa kanya noon ni Jaclyn Jose na kung anuman ang mangyayari sa kanya ay hindi siya nito kakalimutan.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon isa si Coco Martin sa mga naunang nagpunta sa bahay ni Jaclyn Jose ng mabalitaan niyang natagpuan na lamang ang katawan ng batikang aktres na wala nang buhay.


Sa kabilang banda, nagbahagi naman ng tribute si Coco Martin para kay Jaclyn Jose sa kanyang official social media account.


Dito, inihayag ng aktor ang kanyang pamamaalam kay Jaclyn Jose at ang kanyang pasasalamat at pagmamahal rito.


Maging ang kabuuang cast ng Ang Batang Quiapo ay naroon rin sa burol ni Jaclyn Jose dahil isa rin naman ito sa cast ng nasabing teleserye.


Pakiramdam din umano ng buong cast ng Ang Batang Quiapo na nawalan sila ng ina dahil sa biglaang pagpanaw nito nang hindi man lamang sila nakapagsabi ng kanilang mga paalam para rito.


Nitong March 3 ng gabi ikinagulat ng mga netizens ang paglabas ng balitang pumanaw na batikang aktres na si Jaclyn Jose. Natagpuan na lamang umano ito na wala nang buhay sa loob ng kanyang tahanan.


Marami ang nag-akalang sa araw na ito pumanaw ang aktres dahil sa balita subalit marami nang mga haka-haka na maaring March 2 pa ito pumanaw dahil nangingitim na umano ito ng matagpuan.


Nakumpirma naman ito nang isiwalat mismo ni Andi Eigenmann na noon pang March 2 pumanaw ang kanyang ina dahil sa heart attack.



@kingcocomartin Ang sakit! Bye Chief… 🥺🕊️🤍 #cocomartin #jaclynjose #chiefespinas #RIP #batangquiapo #fyp #foryoupage #foryourpage #fy #foryou #fypph ♬ original sound - Mark

Lolit Solis Natakot Sa Nangyari Kay Jaclyn Jose at Rebelasyon Niya Sa Buhay Ng Mga Artista!

Walang komento


 Pinaninindigan ng beteranang showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis ang kanyang pinaniniwalaang dahilan ng pagpanaw ng batikang aktres na si Mary Jane Guck aka Jaclyn Jose.


Matatandaan na nauna nang isiniwalat ni Lolit Solis sa kanyang Instagram post ang patungkol sa ikinasawi ni Jaclyn Jose. Ayon sa post ni Lolit Solis, nasawi ito hindi dahil sa heart attack kundi dahil sa nadulas umano ito at dahil nag-iisa lamang ito sa bahay ay walang nakatulong rito.


Sa kanyang latest Instagram post inilahad ni Lolit Solis ang kanyang paniniwala na kapag nagkakaedad na ay dapat iwasan na ang pamumuhay ng mag-isa.


Iginiit din niya na ang nangyari kay Jaclyn ay magsilbing aral sana sa lahat ng mga artista ang nangyari kay Jaclyn Jose.


Naniniwala rin si Lolit Solis na maaring mailigtas pa sana si Jaclyn Jose kung sakaling may kasama ito sa bahay na nakatulong sa kanya kaagad noong mangyari ang insidente noong March 2, 2024.


Gayunpaman, sinabi rin ni Manay Lolit Solis na wala naman talagang makapagsasabi sa mga mangyayari at hindi naman umano mapipigil kung talagan oras mo na.


Matatandaan, na noong 2023, nabigyan ng pangalawang pagkakataon si Lolit na mabuhay matapos magkaroon ng mild stroke nang mabilis na mapansin ng kanyang mga kasambahay ang kanyang kalagayan at isinugod siya sa ospital.


Samantala, nagbigay naman ng pahayag si Andi Eigenmann kung saan isiniwalat niya ang totoong dahilan ng pagpanaw ng kanyang ina. Ayon sa pagsisiwalat ni Andi Eigenmann, heart attack ang dahilan ng pagpanaw ng kanyang ina.


Hiniling rin nito sa lahat ang privacy at respeto para sa pagluluksa ng kanilang pamilya.



Jaclyn Jose May Inamin Sa Aktor Na Si Coco Martin Bago Mawala!

Walang komento


 Hindi rin makapaniwala ang actor-director na si Coco Martin na pumanaw na ang batikang aktres na si Jaclyn Jose, na isa sa mga tumuturing sa kanya bilang isang totoong anak.


Nagpunta sa burol ng yumaong si Jaclyn Jose si Coco Martin nitong March 5, 2024 alas 7 ng gabi sa Arlington Memorial Chapel Araneta Ave. Quezon City upang magbigay ng huling respeto para sa namayapa at para makiramay na rin sa mga naulila nitong mga anak.


Makikita ang lungkot sa mata ni Coco Martin habang kinakausap siya ng press para magbigay ng kaunting pahayag patungkol kay Jaclyn Jose na isa sa mga nakasama niya sa hit teleserye na Batang Quiapo.


Huling nakasama ni Coco Martin si Jaclyn Jose sa noon lamang nakaraang linggo sa taping nila. Kaya naman hindi pa umano nila matanggap na ngayon ay pumanaw na ito.


Ramdam rin umano sa kanilang trabaho ang pagdadalamhati sa biglaang pagpanaw ni Jaclyn Jose nitong March 2, dahil sa atake sa puso.


Napakatahimik umano ng kanilang set at halatang down at nalulungkot sila dahil sa nangyari. Hindi man umano nila napag-uusapan ang biglaang nangyari kay Jaclyn subalit ramdam umano niya na bagsak ang buong team.


Ang bigat umano ng kanilang nararamdaman dahil unexpected ang nangyari kay Jaclyn Jose.


Hinding hindi umano malilimutan ni Coco Martin ang pamamaalam niya kay Jaclyn Jose dahil lalaya na ang kanyang karakter sa Batang Quiapo. Nagpaalam umano siya rito at sinabing mahal niya ito.


Sinagot naman umano siya nito ng love you nak, hindi umano niya halos matanggap na totoong pagpapaalam na pala ang naganap sa kanila dahil pumanaw na ito at hindi na niya makakausap pang muli.


Ayon pa kay Coco Martin na wala naman siyang napansin na kakaiba sa kalusugan si Jaclyn Jose habang nagtatrabaho sila pero napansin umano niyang may dinadalang kalungkutan si Jaclyn na sinasarili lamang nito.


Maging sa mga eksena ay nakikita rin umano niya ang kakaibang kalungkutan ni Jaclyn Jose na makikita sa mga mata at emosyon nito.



@syrile_2022 DIREK COCO MARTIN EXPRESSING HIS GRATITUDE ABOUT MISS JACLYN JOSE♥️#cocomartin #famous #latest #popular #trendingvideo #fyptrending #fyp #tiktokphillipines #fypviral #fypspotted #jacklynjose #exoticnurse ♬ original sound - ♀️𝑬𝑿𝑶𝑻𝑰𝑪𝑵𝑼𝑹𝑺𝑬♏

Hagulgol Si Claudine Sa Yuma0ng 'Nay Magda' Jaclyn Jose

Walang komento


 Viral ngayon sa ilang mga social media platforms ang batikang aktres na si Claudine Barretto matapos kumalat ang mga video clips nang pagpunta niya sa burol ng namayapang si Jaclyn Jose na itinuturing na rin niyang totoong ina magmula nang gumanap ito bilang kanyang 'Nanay Magda' sa isang teleserye.


Personal nang nagpunta sa burol ng namayapang si Jaclyn Jose ang aktres na si Claudine Barretto upang personal na makiramay sa mga naulilang mga anak nito.


Cremated na ngayon ang labi ni Jaclyn Jose kaya naman tanging urn na laman ang makikita ng mga taong nagbibigay pugay sa aktres.


Nakaburol ang cremated remains ni Jaclyn Jose sa Arlington Memorial Chapel sa Araneta Avenue Quezon City.


Kabilang sa mga artista na nagpunta sa unang gabi ng burol ni Jaclyn Jose ay ang batikang aktres na si Claudine Barretto. Ala-una ng madaling araw na umano ng dumating si Claudine Barretto sa burol ni Jaclyn Jose.


Nakunan pa ito ng video na nakikipagyakapan kay Andi Eigenmann isa sa mga anak ng yumaong aktres, makikita rin ang paghagulhul ni Claudine Barretto sa labis na paghihinagpis dahil sa biglaang pagkawala ng batikang aktres.


Napalapit si Claudine Barretto at Jaclyn Jose nang magkasama sila sa teleseryeng Mula sa Puso noong 1997 hanggang 1999 kung saan ginampanan ni Jaclyn ang karakter ni Nanay Magda.


Nauna na rito, ang pagbabahagi ni Claudine Barretto ng kanyang tribute para kay Jaclyn Jose sa kanyang Instagram account.


Inilahad pa ni Claudine Barretto na nakaramdam siya ng galit dahil tatlong buwan na niyang hindi nadadalaw si Jaclyn Jose dala ng kanyang busy schedules kaya naman labis siyang nasasaktan na hindi na niya ito makakasama pang muli.


Ibinahagi rin ni Claudine Barretto kung gaano sila ka close ni Jaclyn Jose na itinuturing niyang totoong ina na napagsasabihan niya sa lahat ng kanyang mga dinadala at naging karamay niya noong may matindi siyang pinagdadaanan.



Kim Chiu Sinagot Si Ogie Diaz Sa It'S Showtime Kinumpirma Ang Sinabi Ni Ogie Na Niloko Sya Ni Xian

Walang komento


 Muling naglabas ng pasabog ang kilalalng showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz patungkol sa nangyaring hiwalayan sa pagitan ng Kapamilya actress-TV host na si Kim Chiu at Kapuso actor-director na si Xian Lim.


Isiniwalat ni Ogiez Diaz ang ilang mga detalye sa kung paano nagtapos ang relasyon nina Xian Lim at Kim Chiu. Sa kamakailang episode ng kanilang showbiz oriented vlog, napag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi at Mrena ang usapin patungkol sa holding hands while walking nina Xian Lim at panibagong girlfriend na si Iris Lee.


Kasunod nito, naibahagi ni Ogie Diaz ang patungkol sa nakarating sa kanyang balita patungkol sa kung paano naghiwalay sina Kim Chiu at Xian Lim.


Ayon kay Ogie Diaz, may nakarating sa kanyang balita patungkol sa nangyaring hiwalayan nina Xian Lim at Kim Chiu na maari naman umanong i-deny ng aktres kung sakaling hindi ito totoo o di kaya naman ay ni Xian Lim.


Ayon sa pagbabahagi ni Ogie Diaz, isang araw ay nagrequest umano si Xian Lim kay Kim Chiu na ipagluto siya ng kanyang paboritong steak. Excited naman umano itong ipinagluto ni Kim Chiu.


Habang kinakain na nila iyong steak ay biglang sinabi na lamang ni Xian Lim na tapusin na nila ang kanilang relasyon dahil parang wala na itong patutunguhan, ayaw rin naman umano ng pamilya ni Kim Chiu kay Xian Lim at maging ng ilang mga kaibigan ni Kim Chiu.


Nilinaw naman din ni Ogie Diaz na parang masyadong OA lamang ng kanyang mga isiniwalat na impormasyon. May posibilidad din umano na kulang ang mga isiniwalat niyang impormasyon dahil nakarating lang naman umano ito sa kanya.


Bukas rin umano si Ogie Diaz kung sakaling itama nina Xian Lim o Kim Chiu ang kanyang mga sinabi kung wala ba itong katotohanan o di kaya naman ay may pagkakamali siya sa kanyang mga isiniwalat na impormasyon.


Samantala, trending naman ngayon sa ilang mga social media platforms ang binitiwang pahayag ni Kim Chiu sa kamakailang episode ng It's Showtime kung saan si Kim Chiu ang nakahula sa kantang Love Hurts.


Kaagad na inintriga ni Ogie Alcasid si Kim Chiu sa kung bakit alam niya ang kantang Love Hurts. Agad naman itong sinagot ni Kim Chiu na alam niya dahil masakit kasi ang love.


Marami naman ang naghinala na baka ito na ang sgot ni Kim Chiu sa mga isiniwalat ni Ogie Diaz patungkol naging hiwalayan nila ni Xian Lim.




Katotohanan Sa Pagbabalikan Ni Bea Alonzo at Dominic Roque Na Inililihim Muna Sa Publiko

Walang komento


 Marami ang napapatanong ngayon kung nagkaroon na nga ba ng second chance ang pagmamahalan ng celebrity couple na sina Dominic Roque at Bea Alonzo matapos ang kanilang paghihiwalay noong nakaraang January 2024.


Naglabasan ngayon sa ilang mga entertainment websites ang balitang tila nagkaayos na umano ang dating celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque subalit inilihim na muna ng dalawa sa publiko.


May mga nakakita umano na natutulog pa rin si Dominic Roque sa pamamahay ni Bea Alonzo na siyang pinagmulan ng mga speculations na nagkabalikan na ang dalawa. Nauna na rito, naiulat na rin ang balitang palaging hinihintay ni Dominic Roque si Bea Alonzo sa pamamahay nito upang suyuin.


Tila nagbunga naman ang panunuyo si Dominic Roque dahil sa balitang nagkabalikan na silang dalawa.


Sa kamakailang vlog ni Ogie Diaz, inilahad niyang may nakarating sa kanyang balita na bago umano pumunta sa Singapore si Bea Alonzo kasama ang kanyang pamilya ay natulog pa sa pamamahay niya si Dominic Roque.


Iginiit naman ni Ogie Diaz na hindi niya alam kung saang parte ng bahay ni Bea Alonzo natulog si Dominic Roque.


Matapos naman umano ang bakasyon ni Bea Alonzo sa Singapore ay nagpunta naman muli si Dominic Roque sa bahay ng aktres at nakatulog roon sa sofa. Marami pa umanong mga pagkakataon na nagkita sina Dominic Roque at Bea Alonzo matapos ang kanilang paghihiwalay.


Matatandaan na nauna na ring naiulat noon na sa isang Zoom meeting ay nabuking na kasama ni Dominic Roque si Bea Alonzo. Bagama't hindi umano makikita ang mukha ng aktres, nakilala naman ito sa pamamagitan ng kanyang boses.


Kung sakali man na totoong nagkaayos na ang dalawa ay normal lamang na itago muna nila ito sa publiko dahil na rin sa mga pinagdaanan nilang kontrobersiya matapos maiulat ang kanilang hiwalayan.


Matatandaan na parehong umano ng pambabatikos sina Dominic Roque at Bea Alonzo matapos lumabas ang balita patungkol sa kanilang paghihiwalay.


Marami ang kumuwestiyon kay Dominic Roque, sa kanyang totoong kasarian, sa kanyang katayuan sa buhay at ang pagmamahal niya kay Bea Alonzo. Nakatanggap rin ng pambabatikos si Bea Alonzo dahil sa umano'y pag-iinarte nito sa kabila ng kanyang katandaan.



Daniel Padilla First Filipino Na Nakapagpatayo Ng Restaurant Sa Dubai

Walang komento


 Nakatanggap ng papuri ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla matapos kumalat sa social media ang balitang tahimik na pinagbubutihan ngayon ng aktor ang kanyang mga negosyo.


Matatandaan na kamakailan lamang ay naglabasan ang mga balitang tila naghihirap na umano ang pamilya ni Daniel Padilla matapos lumabas ang mga balitang ibinibenta nito ang kauna-unahang sportscar na nabili nila ni Kathryn Bernardo.


Nasundan pa ito nang ibahagi mismo ni Karla Estrada sa kanyang social media account ang pagbibenta niya sa kanilang mansyon sa Alabang. Bukod pa rito, lumabas rin sa ilang mga pahayagan at vlogs ng ilang mga kilalang showbiz columnists ang patungkol sa pagbibenta ni Daniel Padilla sa kanyang negosyo.


Sa kabila nito, usap-usapan naman ngayon na pinupuri umano si Daniel Padilla ngayon dahil siya umano ang kaunahang Pilipino na nakapagpatayo ng restaurant sa Dubai.


Marami ngayon ang tila nagbago ang isip kay Daniel Padilla dahil may pananaw naman pala ito sa kanyang future at naghahanda na siya ngayon pa lamang. Ikinatuwa rin ng maraming mga netizens ang pananahimik ni Daniel Padilla sa mga isyung ibinabato sa kanya matapos ang pag-amin nila ni Kathryn Bernardo sa kanilang hiwalayan.


Marami naman ang naghinala na baka muling nagkakamabutihan na ngayon sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kaya inspired ngayon ang aktor sa kanyang mga negosyo.


Samantala, may mga nagsasabi naman na ito na ang sagot na hinahanap noon ng marami kung bakit marami ang mga ibinibentang ari-arian ni Daniel Padilla ito pala ang dahilan ng aktor dahil may panibago siyang negosyo na sinimulan.


Matatandaan na isa sa mga pinaghihinalaan noon ng mga netizens na dahilan ng pagbibenta ni Daniel Padilla ng kanyang mga ari-arian ay dahil sa pagkakautang umano ng kanyang ina kay Kathryn Bernardo subalit wala naman pala itong katotohanan dahil may pinaghandaan lamang palang negosyo si Daniel Padilla.


Sa ngayon ay marami ang napapatanong kung totoong nagkaayos na nga ba ang dalawa o kaya naman ay tuluyan na nilang nilimutan ang kanilang mga nakaraan.


Gayunpaman, marami ang nagsasabi na kung ano man ang magiging desisyon ng dalawa ay naroon pa rin sila para suportahan ang mga ito magkasama man o magkahiwalay.




Daniel Nagpa-Billboard Para Kay Kathryn! Humihingi Ng Isa Pang Pagkakataon

Walang komento


 Naging laman ng mga usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang balitang hindi pa sumusuko si Daniel Padilla sa panunuyo niya sa kanyang dating kasintahan na si Kathryn Bernardo.


Usap-usapan ngayon sa social media ang pagpapabillboard umano ni Daniel Padilla ng mensahe para kay Kathryn Bernardo.


Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga post patungkol sa isang billboard sa C5 na pinaghihinalaang pinagawa ni Daniel Padilla para kay Kathryn Bernardo.


Mababasa sa nasabing ang mensahe ng pakiusap ng isang nagpakilalang D, na 'wag na silang maghiwalay.


Buong mensahe na nakasulat na sa billboard, "Wag na tayong mag-break please. Love, D"


Marami ang naghinala na ang 'D' sa billboard ay si Daniel Padilla at para naman kay Kathryn Bernardo ang nasabing mensahe. Isa sa mga dahilan ng ilang mga netizens na maghinalang si Daniel Padilla ang nagpagawa ng billboard ay dahil na-afford umano nito ang pagpapabillboard na alam naman ng lahat milyon ang halaga.


Tumutugma rin umano ang mensahe sa kanila ni Kathryn Bernardo na kamakailan lamang ay naghiwalay subalit tila patuloy pa ring nanunuyo hanggang ngayon.


Matatandaan na bago i-unfollow ni Kathryn Bernardo si Daniel Padilla ay ilan beses ring namataan ang aktor na nakabuntot at tila pilit na kinakausap ang aktres.


Marami naman sa mga KathNiel fans na umaasang magbabalikan ang dalawa ang kinilig sa ginawang hakbang ni Daniel Padilla dahil ipinapakita lamang nito kung gaano niya kamahal pa rin si Kathryn Bernardo.


Samantala, may ilang mga netizens rin ang hindi naniniwalang si Daniel Padilla ang nagpagawa ng nasabing billboard dahil kung ito nga ay gagamitin nito ang kanyang buong pangalann. Iginiit rin nila na maraming 'D' sa Pilipinas na kayang magpabillboeard kung gugustuhin.


May mga nagsasabi naman at nagpapayo kay Daniel Padilla, kung sakaling ito man ang nagpabillboard na pabayaan na lamang si Kathryn Bernardo at magmove on na rin dahil tila wala na siyang epekto ngayon sa aktres.


Sakabilang banda, hanggang ngayon ay hindi pa naman nagpapakilala ang 'D' na nagbigay ng mensahe para sa hindi pinangalanan tao at nakiusap na huwag na silang mag-break.

 



Kathryn Bernardo Ikinukumpara Kay Nadine Lustre -Maingay Kung Mag Moved on at Pakawala?

Walang komento

Martes, Marso 5, 2024


 Hindi napigilan ng maraming mga netizens ipagkumpara ang dalawang mga Kapamilya actress na dumaan sa paghihiwalay na sina Nadine Lustre at Kathryn Bernardo.


Ayon sa ilang mga netizens, kakaiba umano kung mag-move on itong si Kathryn Bernardo dahil nagiging maingay ito at pakawala. Hindi rin naman umano maitatanggi ang malaking pagbabago sa fashion at mga kilos ni Kathryn Bernardo matapos nitong kumpirmahin ang hiwalayan nila ni Daniel Padilla.


Marami ang nagulat sa pagpapasexy ngayon ni Kathryn Bernardo dahil hindi naman ganito ang pananamit niya noon. May mga naghinala naman na ito na talaga ang gusto na isuot noon ni Kathryn Bernardo subalit, pinipigilan lamang ito ni Daniel Padilla.


Kaya naman sa paghihiwalay ng dalawa, wala na umanong makakapagpigil sa kanyang pananamit at sa kung ano ang kanyang gustong ipakita sa publiko.


Matatandaan na kilala noon si Daniel Padilla bilang isang conservative boyfriend ni Daniel Padilla kung saan ayaw nitong nakikitaan ng skin si Kathryn Bernardo sa mga events o sa mga ibinabahagi nilang pictures sa social media.


Sa kabilang banda, hindi naman maiiwasan na may mga hindi natuwa sa ginagawa ngayon ni Kathryn Bernardo kaya naman kinukumpara siya ngayon kay Nadine Lustre.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na noon pa man ay pinagkukumpara na sina Nadine Lustre at Kathryn Bernardo. Ayon sa mga netizens, noong naghiwalay sina James Reid at Nadine Lustre ay naging tahimik lamang ang aktres at hindi ito nakitaan ng malaking pagbabago.


Hindi umano ito katulad ng nangyayari ngayon kay Kathryn Bernardo na naging pakawala habang nagmomove on. Matatandaan na nauna nang kumalat ang mga video kung saan nakabikini lamang si Kathryn Bernardo habang naglalasing kasama ang kanyang mga kaibigan.


Mas maganda umano ang paraan ni Nadine Lustre sa pagmomove on kaysa kay Kathryn Bernardo dahil na-maintain ni Nadine ang kanyang class at image hindi katulad ni Kathryn Bernardo na ipinapakita sa lahat ang mga ayaw noon ni Daniel Padilla.


May mga naghinala pa na tila nagrerebelde umano ngayon ang aktres sa nangyari sa kanila ni Daniel Padilla.


@lovekathryn_ pag sinabi ni kathryn na inom, shot puno agad! 🍻 #kathrynbernardo #kathniel #danielpadilla #foryou #foryoupage #kathniel #averygoodgirl ♬ People (Sped Up) - Libianca & sped up + slowed

Kilalanin, Papalit Sa Tahanang Pinakamasaya, Inaayos Na!

Walang komento


 Matapos maging laman sa mga usap-usapan sa social media at ilang mga entertainment news sites ang pagtatapos ng noontime variety show na Tahanang Pinakamasaya na pino-produce ng TAPE Incorporated, naglabasan naman ngayon ang mga haka-haka patungkol sa kung anong show ang ipapalit ng GMA7 sa timeslot ng nasabing show.


May mga naghinala na baka nagbabalak umano ang GMA7 na ipalit sa timeslot ng Tahanang Pinakamasaya ang show ni Willie Revillame na Wowowin dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na naghahanap ngayon si Willie Revillame ng tahanan para sa kanyang show.


Matatandaan na muling napanood si Willie Revillame sa GMA7 noong 2015 matapos itong lumipat ng network matapos ang 8 years. 


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag ang GMA network, TAPE Incorporated at si Willie Revillame patungkol sa balitang ito. Patuloy ring nanahimik si Willie Revillame patungkol sa mga haka-haka na malapit nang mapapanood muli sa GMA7 ang kanyang show.


Ayon pa sa ilang mga usap-usapan na marami umano ang mga investors na nais makipag-ugnayan ngayon kay Willie Revillame para makabalik na sa telebisyon ang kanyang show.


Subalit, patuloy umanong nanahimik si Willie Revillame. Sa ngayon ay nasa Cabanatuan umano si Willie Revillame habang nag-eenjoy sa kanyang pagbabakasyon.


Samantala, may mga usap-usapan naman na hinahanda na umano ng GMA7 ang programa na pansamantalang ipapalit nila sa timeslot na iiwan ng Tahanan Pinakamasaya.


Matatandaan na noong June 2023, marami ang nagulat ng magkaroon ng panibagong hosts ang Eat Bulaga matapos mag mass resign ang dating mga hosts nito na pinangungunahan nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.


Matapos ang ilang buwa nakuha ng TVJ ng copyright ng Eat Bulaga kaya napilitan ang TAPE Inc. na magpalit ng pamagat na Tahanang Pinakamasaya nitong January 2024. Subalit makalipas ang ilang buwan ay tuluyan itong titigil na sa pag-ere sa telebisyon dahil sa mga ulat na patuloy na nalulugi ang nasabing show.




Direk Cathy Inamin Na Hindi Ibibigay Sa Ibang Artista Ang Pelikula Na Nakalaan Para Sa KathNiel

Walang komento


 Nagbigay na ng pahayag ang direktor na si Cathy Molina sa mga isyung kumakalat patungkol sa mga pagbibidahang proyekto nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla matapos maghiwalay ng dalawa.


Matatandaan na naglabasan ang mga ulat patungkol sa kondisyon ni Kathryn Bernardo sa pagpirma muli ng kontrata sa Star Magic at ABS-CBN na hindi na niya makakasama pa sa isang proyekto ang kanyang ex-boyfriend na si Daniel Padilla.


Subalit, nagbigay na ng pahayag si Direk Cathy kung saan nilinaw niya ang patungkol sa mga nakalinyang proyekto na pagsasamahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Ayon kay Direk Cathy, hindi umano ibibigay sa ibang mga artista ang proyekto na nakatakdang ibigay sa KathNiel. Lalo na ngayong may posibilidad na nagkaayos na umano ang kanyang mga alaga.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na malaki ang participation ni Direk Cathy Molina sa love story at sa career nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Napatunayan naman ito sa mga blockbuster movies nila at mga high rating teleserye.


Ikinatuwa naman ito ng mga solid fans ng KathNiel na hanggang ngayon ay naniniwala pa ring magkakaayos ang dalawa dahil hindi naman biro ang pinagsamahan nilang mga taon.


Sa kabilang banda, marami naman ang nagsasabi na kung papayag man si Kathryn Bernardo na makasama muli si Daniel Padilla sa iisang proyekto ay trabaho na lamang itong para sa kanya at wala na sa personal.


Marami rin ang nagsasabing tila imposible nang makipagbalikan ni Kathryn Bernardo ngayon kay Daniel Padilla dahil makikita namang masaya ang aktres sa kanyang pagiging single.




Rudy Baldwin Nahulaan Ang Pagpanaw Ni Jaclyn Jose! Ang Nakakatakot Na Pangitain Ay Nagkatotoo!

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang patungkol sa nagkatotoong hula ng isang fortune teller sa pagpanaw ng isang batikang artista.


Viral ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang nakakakilabot na pangitain ng kilalang fortune teller na si Rudy Baldwin.


Noong February 26, ilang araw bago pumanaw si Jaclyn Jose ibinahagi ni Rudy Baldwin ang kanyang 'vision' patungkol sa isang beteranang aktres na hanggang ngayon ay aktibo pa sa showbiz na may maamong mukha ang bigla nalang masasawi dahil sa isang trahedya o aksidente.


Ayon sa pangitain ni Rudy Baldwin hindi pa umano gaanong matanda ang artistang ito at hanggang ngayon ay sikat pa rin ito. Hindi umano nito makakaya ang lakas ng impact ng kanyang aksidente kaya ito nasawi.


Kinilabutan umano si Rudy Baldwin sa kanyang pangitain kaya ipinaalam niya ito sa publiko upang maging maingat na rin ang mga artista.


Marami naman ang kumukonekta sa nasabing pangitain ni Rudy Baldwin sa nangyaring pagpanaw ni Jaclyn Jose. Hanggang ngayon kasi ay sikat pa rin ang aktres at marami pa ring kinabibilangan proyekto kabilang na ang hit teleseryeng Ang Batang Quiapo kung saan ginagampanan niya ang karakter ni Chief Espinas.


Hindi rin masasabing matanda na ito dahil nasa 60 pa ito at mas malakas pang pangangatawan, ni hindi ito naibalitang nagkasakit.


Iginiit naman ni Rudy Baldwin na limitado laang ang kanyang vision, hindi umano niya nakikita ang mga mukha ng taong involved rito.


Inilahad din niya na kung alam lamang niyang si Jaclyn Jose ang artistang tinutukoy sa kanyang vision ay gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para mailigtas lamang ito.


“Kung pwedE lang lapitan at sabihin ko sa isang tao na ikaw at para sa kanya ang post ko ginawa ko na. Ngunit ang maging reaction ng isang tao ang hindi natin malaman ngunit ilan sa friends ko nasabi ko sa kanila to.


"Hindi lahat ay nakikita ko dahil tao lamang ako at kung hanggang dun lang ipakita ng dios sa akin ay hanggang dun lang din masabi ko.


"Isa si ms. Jaclyn Jose sa mga hinahangaan kung magaling na artista 'nun paman halos lahat ng pelikula niya ay napanood ko,” pahayag ni Rudy Baldwin.




Confirmed! Farewell Video Ng Tahanang Pinakamasaya Kumalat!

Walang komento


 Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga video clips na kuha umano sa huling araw ng Tahanang Pinakamasaya bago ito tuluyang mamaalam matapos ang ilang buwang pag-ere.


Makikita sa nasabing video ang pag-iiyakan at pagyayakapan ng mga host habang tila sinasabi nila ang kanilang pamamaalam sa isa't-isa. Makikita rin sa nasabing video makikitang nagsasalita sina Paolo Contis at Isko Moreno kung saan pinasalamatan nila ang kanilang mga tagahanga na sumuporta sa kanilang show hanggang sa huli.


Spotted naman sa kanilang background ang kanilang mga co-hosts na emosyunal, makikita pa si Buboy Villar na luhaan at si Betong Sumaya. Maging ang ilang mga staffs, crews at audience ay makikita ring luhaan at emosyunal.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin naglalabas ng anuman pahayag ang TAPE Incorporated patungkol sa totoong estado ng kanilang noontime show subalit ayon sa mga kumakalat na balita ay replay na muna ang mapapanood hanggang sa March 7.


Ayon pa sa mga kumakalat na impormasyon, hindi naman tinanggal ng GMA7 ang Tahanang Pinakamasaya dahil isa umano itong mutual decision dala ng malaking pagkalugi ng TAPE Incorporated na nagmula pa noong nasa show pa sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.


Samantala, ipinahayag naman ni Mavy Legaspi sa kanyang post ang pasasalamat niya sa mga staff na nagtatrabaho sa likod ng kamera ng Tahanang Pinakamasaya na siyang responsable sa pagbibigay ng magagandang episode ng kanilang show.


Pinasalamatan ni Mavy Legaspi ang mga ito at ipinahayag niya na mula nang magsimula pa lamang siya sa paghohost ng Tahanang Pinakamasaya noong Eat Bulaga pa ang titulo nito, ay para sa kanila na ang kanyang pagsisikap at doon niya inaalay ang tagumpay ng bawat episode nila.


Sa ngayon ay hindi pa naman nagbibigay ng pahayag ang GMA7 patungkol sa iiwanang timeslot ng Tahanang Pinakamasaya. Marami naman ang nagre-request na sana ay ilipat na rito ang It's Showtime na mapapanood ngayon sa subsidiary channel ng GMA7.


@pinoytambayan5 Goodbye Tahanang Pinakamasaya #paolo #yorme #tahanangpinakamasaya #tape #tapeincorporated ♬ original sound - Pinoy Tambayan

Gelli De Belen, Dinepensahan Si Carmina Villarroel Na Inakusahang ‘Nakikialam’ Sa Love Life Ni Mavy

Walang komento


 Naglabas ng reaksyon ang isa sa mga malalapit na kaibigan ng aktres na si Carmina Villaroel patungkol sa natatanggap na backlash ng celebrity mom matapos akusahan ng maraming mga netizens na nakikialam siya sa hiwalayan ng kanyang anak na si Mavy Legaspi kay Kyline Alcantara.



Dinepenahan ng aktres na si Gelli De Belen ang kanyang kaibiganss si Carmina Villaroel laban sa mga nagsasabing isa itong pakialamera, sawsawera at kunsintidor na ina ng kanyang mga anak.


Matatandaan na noong January,7, 2024 naglabas ng pahayag si Carmina Villaroel kung saan iginiit niyang hindi siya nakikialam sa lovelife ng kanyang mga anak.


Sa katunayan ay suportado umano niya ang lahat ng mga napupusuan ng kanyang mga anak basta marespeto at sincere lamang umano ang mga ito.


Ipinunto rin noon ni Carmina Villaroel na bilang isang ina ay handa siyang harapin ang mga pambabatikos at handa siyang ipagtanggol ang mga ito sa mga pambabatikos sa kahit na anong isyu.


Samantala, naniniwala si Gelli De Belen na walang sinuman na maaring kumuwestiyon sa pagmamahal ng isang ina sa kanyang mga anak at sa kagustuhang proteksyunan ang kanyang mga anak laban sa anuman sa anumang mga sakit na pinagdadaanan ng mga ito.


Ayon pa kay Gelli, may kanya-kanya namang mga point of view ang bawat isa sa bawat sitwasyon kaya naman wala umanong may karapatan na kwestyunin ang mga desisyon ng bawat isa.


Higit sa lahat, hindi umano maaring kwestyunin ang pagmamahal ng isang ina para sa kanyang mga anak. Lalo na  kung nasasaktan at nahihirapan na ang mga ito.


Samantala, naitanong rin kay Gelli kung may naging kasintahan na ba ang kanyang mga anak na sina Julio at Joaqui Rivera na kanyang mga tinutulan.


Kaagad naman itong sinagot ni Gelli na wala pa naman dahil una sa lahat mga bata pa ang mga ito. Si Julio ay isa pa lamang ang nagiging girlfriend. Samantala, kahit nakatatlong girlfriend na si Joaquin ay okay naman umano siya sa lahat.




Netizens Nagulat Sa Ginawa Ng TV5 Sa Isang Show Ng Abs Cbn!

Walang komento


 Usap-usapan ngayon ng ilang mga Kapamilya fans ang balitang hindi na mapapanood sa TV5 ang Kapamilya morning talk show na Magandang Buhay.


Marami sa mga netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya ng malamang tsinugi na sa Kapatid nito ang Magandang Buhay simula noong lunes March 4, 2024. Marami ang nagulat nang hindi na mapanood ang nasabing morning talk show dahil kamakailan lamang ay inanunsyo ng TV5 na ililipat nila ng timeslot ang nasabing show sa alas sais ng  umaga.


Nagpahayag ng pagkadismaya ang maraming mga netizens dahil sa pabago-bago ng schedule ng TV5 sa kanilang mga palabas. May mga nakapansin rin na tila hindi na binibigyan ng halaga ng TV5 ang mga Kapamilya programs na umiere sa kanila.


Dahil rito marami ang nagsasabing sana ay iere na lamang sa ibang TV network ang Magandang Buhay kagaya na lamang sa GTV, kaya naman sa GMA7 o sa channel 2 na ngayon ay AllTV.


Bagama't wala pa namang binitawang pahayag ang TV5 patungkol sa nasabing balita kinumpirma naman ito mismo ng mga hosts ng Magandang Buhay na hindi na sila iere sa TV5 sa pamamagitan ng panibagong photo na inupload nila kung saan wala na ang logo ng TV5.


Ayon naman sa ilang mga netizens na tama lamang na hindi na eere sa TV5 ang Magandang Buhay dahil nakaka-offend naman umano ang ibinigay nilang timeslot para sa Magandang Buhay na 6 in the morning kung saan kadalasan sa kanilang mga magiging katapat ay mga early news.


Hindi rin naman ito ang unang pagkakataon na binigyan ng alanganing timeslot ang programa ng ABS-CBN matatandaan na noong kasagsagan ng isyu ng TVJ at TAPE Incorporated ililipat sana nila ang timeslot ng It's Showtime sa panggabing slot kung saan ang mga makakatapat nito ay puro mga teleserye.



Unang Gabi Ng Burol Ni Jaclyn Jose Dinagsa Ng Mga Kaibigan at Mga Nakatrabaho Sa Showbiz!

Walang komento


 Unang gabi ng burol ng batikang aktres na si Jaclyn Jose dinagsa ng maraming mga katrabaho at kaibigan na hindi pa rin makapaniwalang namaalam na si Jaclyn.


Isang napakalungkot na araw ang unang gabi ng burol ni Jaclyn Jose para sa kanyang anak na si Andi Eigenmann at maging sa mga naging katrabaho at kaibigan nito sa loob at labas sa industriya ng showbiz.


Hanggang ngayon ay marami pa rin ang hindi makapaniwalang namayapa na ang isa sa mga itinuturing na haligi ng industriya ng showbiz sa bansa.


Present sa unang gabi ng pag-alala kay Jaclyn Jose si Jake Ejercito na ama ng panganay na anak ni Andi Eigenmann na si Ellie. Naroon din sina Alden Richards, Christopher De Leon, Gabbi Eigenmann, Ammy Austria.


Naroon rin ang kapatid ni Jaclyn na si Veronica Jones.


Marami ang labis na nalulungkot at nagdadalamhati dahil biglaan ang pagpanaw ni Jaclyn Jose. Marami pa sana itong pinaplanong gawin kasama ang mga kaibigan at may mga nakalinya pang mga proyekto para sa kanya.


Sa kabilang banda, bago pa man isinapubliko ni Andi Eigenmann ang totoong sanhi ng pagpanaw ng kanyang ina, naunang kumalat sa social media at ilang mga pahayagan na umano'y nahulog sa hagdan si Jaclyn Jose.


Kasalukuyang naka-day off ang kasambahay nito kaya naman mag-isa lamang ito sa kanyang bahay wala yo nakatulong kay Jaclyn hanggang sa bawian na ito ng buhay. Subalit, ayon kay Andi Eigenmann ang ikinamatay ng kanyang ina ay heart attack.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo