Confirmed! Farewell Video Ng Tahanang Pinakamasaya Kumalat!

Martes, Marso 5, 2024

/ by Lovely


 Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga video clips na kuha umano sa huling araw ng Tahanang Pinakamasaya bago ito tuluyang mamaalam matapos ang ilang buwang pag-ere.


Makikita sa nasabing video ang pag-iiyakan at pagyayakapan ng mga host habang tila sinasabi nila ang kanilang pamamaalam sa isa't-isa. Makikita rin sa nasabing video makikitang nagsasalita sina Paolo Contis at Isko Moreno kung saan pinasalamatan nila ang kanilang mga tagahanga na sumuporta sa kanilang show hanggang sa huli.


Spotted naman sa kanilang background ang kanilang mga co-hosts na emosyunal, makikita pa si Buboy Villar na luhaan at si Betong Sumaya. Maging ang ilang mga staffs, crews at audience ay makikita ring luhaan at emosyunal.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin naglalabas ng anuman pahayag ang TAPE Incorporated patungkol sa totoong estado ng kanilang noontime show subalit ayon sa mga kumakalat na balita ay replay na muna ang mapapanood hanggang sa March 7.


Ayon pa sa mga kumakalat na impormasyon, hindi naman tinanggal ng GMA7 ang Tahanang Pinakamasaya dahil isa umano itong mutual decision dala ng malaking pagkalugi ng TAPE Incorporated na nagmula pa noong nasa show pa sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.


Samantala, ipinahayag naman ni Mavy Legaspi sa kanyang post ang pasasalamat niya sa mga staff na nagtatrabaho sa likod ng kamera ng Tahanang Pinakamasaya na siyang responsable sa pagbibigay ng magagandang episode ng kanilang show.


Pinasalamatan ni Mavy Legaspi ang mga ito at ipinahayag niya na mula nang magsimula pa lamang siya sa paghohost ng Tahanang Pinakamasaya noong Eat Bulaga pa ang titulo nito, ay para sa kanila na ang kanyang pagsisikap at doon niya inaalay ang tagumpay ng bawat episode nila.


Sa ngayon ay hindi pa naman nagbibigay ng pahayag ang GMA7 patungkol sa iiwanang timeslot ng Tahanang Pinakamasaya. Marami naman ang nagre-request na sana ay ilipat na rito ang It's Showtime na mapapanood ngayon sa subsidiary channel ng GMA7.


@pinoytambayan5 Goodbye Tahanang Pinakamasaya #paolo #yorme #tahanangpinakamasaya #tape #tapeincorporated ♬ original sound - Pinoy Tambayan

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo