Kim Chiu Sinagot Si Ogie Diaz Sa It'S Showtime Kinumpirma Ang Sinabi Ni Ogie Na Niloko Sya Ni Xian

Miyerkules, Marso 6, 2024

/ by Lovely


 Muling naglabas ng pasabog ang kilalalng showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz patungkol sa nangyaring hiwalayan sa pagitan ng Kapamilya actress-TV host na si Kim Chiu at Kapuso actor-director na si Xian Lim.


Isiniwalat ni Ogiez Diaz ang ilang mga detalye sa kung paano nagtapos ang relasyon nina Xian Lim at Kim Chiu. Sa kamakailang episode ng kanilang showbiz oriented vlog, napag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi at Mrena ang usapin patungkol sa holding hands while walking nina Xian Lim at panibagong girlfriend na si Iris Lee.


Kasunod nito, naibahagi ni Ogie Diaz ang patungkol sa nakarating sa kanyang balita patungkol sa kung paano naghiwalay sina Kim Chiu at Xian Lim.


Ayon kay Ogie Diaz, may nakarating sa kanyang balita patungkol sa nangyaring hiwalayan nina Xian Lim at Kim Chiu na maari naman umanong i-deny ng aktres kung sakaling hindi ito totoo o di kaya naman ay ni Xian Lim.


Ayon sa pagbabahagi ni Ogie Diaz, isang araw ay nagrequest umano si Xian Lim kay Kim Chiu na ipagluto siya ng kanyang paboritong steak. Excited naman umano itong ipinagluto ni Kim Chiu.


Habang kinakain na nila iyong steak ay biglang sinabi na lamang ni Xian Lim na tapusin na nila ang kanilang relasyon dahil parang wala na itong patutunguhan, ayaw rin naman umano ng pamilya ni Kim Chiu kay Xian Lim at maging ng ilang mga kaibigan ni Kim Chiu.


Nilinaw naman din ni Ogie Diaz na parang masyadong OA lamang ng kanyang mga isiniwalat na impormasyon. May posibilidad din umano na kulang ang mga isiniwalat niyang impormasyon dahil nakarating lang naman umano ito sa kanya.


Bukas rin umano si Ogie Diaz kung sakaling itama nina Xian Lim o Kim Chiu ang kanyang mga sinabi kung wala ba itong katotohanan o di kaya naman ay may pagkakamali siya sa kanyang mga isiniwalat na impormasyon.


Samantala, trending naman ngayon sa ilang mga social media platforms ang binitiwang pahayag ni Kim Chiu sa kamakailang episode ng It's Showtime kung saan si Kim Chiu ang nakahula sa kantang Love Hurts.


Kaagad na inintriga ni Ogie Alcasid si Kim Chiu sa kung bakit alam niya ang kantang Love Hurts. Agad naman itong sinagot ni Kim Chiu na alam niya dahil masakit kasi ang love.


Marami naman ang naghinala na baka ito na ang sgot ni Kim Chiu sa mga isiniwalat ni Ogie Diaz patungkol naging hiwalayan nila ni Xian Lim.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo