Katotohanan Sa Pagbabalikan Ni Bea Alonzo at Dominic Roque Na Inililihim Muna Sa Publiko

Miyerkules, Marso 6, 2024

/ by Lovely


 Marami ang napapatanong ngayon kung nagkaroon na nga ba ng second chance ang pagmamahalan ng celebrity couple na sina Dominic Roque at Bea Alonzo matapos ang kanilang paghihiwalay noong nakaraang January 2024.


Naglabasan ngayon sa ilang mga entertainment websites ang balitang tila nagkaayos na umano ang dating celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque subalit inilihim na muna ng dalawa sa publiko.


May mga nakakita umano na natutulog pa rin si Dominic Roque sa pamamahay ni Bea Alonzo na siyang pinagmulan ng mga speculations na nagkabalikan na ang dalawa. Nauna na rito, naiulat na rin ang balitang palaging hinihintay ni Dominic Roque si Bea Alonzo sa pamamahay nito upang suyuin.


Tila nagbunga naman ang panunuyo si Dominic Roque dahil sa balitang nagkabalikan na silang dalawa.


Sa kamakailang vlog ni Ogie Diaz, inilahad niyang may nakarating sa kanyang balita na bago umano pumunta sa Singapore si Bea Alonzo kasama ang kanyang pamilya ay natulog pa sa pamamahay niya si Dominic Roque.


Iginiit naman ni Ogie Diaz na hindi niya alam kung saang parte ng bahay ni Bea Alonzo natulog si Dominic Roque.


Matapos naman umano ang bakasyon ni Bea Alonzo sa Singapore ay nagpunta naman muli si Dominic Roque sa bahay ng aktres at nakatulog roon sa sofa. Marami pa umanong mga pagkakataon na nagkita sina Dominic Roque at Bea Alonzo matapos ang kanilang paghihiwalay.


Matatandaan na nauna na ring naiulat noon na sa isang Zoom meeting ay nabuking na kasama ni Dominic Roque si Bea Alonzo. Bagama't hindi umano makikita ang mukha ng aktres, nakilala naman ito sa pamamagitan ng kanyang boses.


Kung sakali man na totoong nagkaayos na ang dalawa ay normal lamang na itago muna nila ito sa publiko dahil na rin sa mga pinagdaanan nilang kontrobersiya matapos maiulat ang kanilang hiwalayan.


Matatandaan na parehong umano ng pambabatikos sina Dominic Roque at Bea Alonzo matapos lumabas ang balita patungkol sa kanilang paghihiwalay.


Marami ang kumuwestiyon kay Dominic Roque, sa kanyang totoong kasarian, sa kanyang katayuan sa buhay at ang pagmamahal niya kay Bea Alonzo. Nakatanggap rin ng pambabatikos si Bea Alonzo dahil sa umano'y pag-iinarte nito sa kabila ng kanyang katandaan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo