Kilalanin, Papalit Sa Tahanang Pinakamasaya, Inaayos Na!

Martes, Marso 5, 2024

/ by Lovely


 Matapos maging laman sa mga usap-usapan sa social media at ilang mga entertainment news sites ang pagtatapos ng noontime variety show na Tahanang Pinakamasaya na pino-produce ng TAPE Incorporated, naglabasan naman ngayon ang mga haka-haka patungkol sa kung anong show ang ipapalit ng GMA7 sa timeslot ng nasabing show.


May mga naghinala na baka nagbabalak umano ang GMA7 na ipalit sa timeslot ng Tahanang Pinakamasaya ang show ni Willie Revillame na Wowowin dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na naghahanap ngayon si Willie Revillame ng tahanan para sa kanyang show.


Matatandaan na muling napanood si Willie Revillame sa GMA7 noong 2015 matapos itong lumipat ng network matapos ang 8 years. 


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag ang GMA network, TAPE Incorporated at si Willie Revillame patungkol sa balitang ito. Patuloy ring nanahimik si Willie Revillame patungkol sa mga haka-haka na malapit nang mapapanood muli sa GMA7 ang kanyang show.


Ayon pa sa ilang mga usap-usapan na marami umano ang mga investors na nais makipag-ugnayan ngayon kay Willie Revillame para makabalik na sa telebisyon ang kanyang show.


Subalit, patuloy umanong nanahimik si Willie Revillame. Sa ngayon ay nasa Cabanatuan umano si Willie Revillame habang nag-eenjoy sa kanyang pagbabakasyon.


Samantala, may mga usap-usapan naman na hinahanda na umano ng GMA7 ang programa na pansamantalang ipapalit nila sa timeslot na iiwan ng Tahanan Pinakamasaya.


Matatandaan na noong June 2023, marami ang nagulat ng magkaroon ng panibagong hosts ang Eat Bulaga matapos mag mass resign ang dating mga hosts nito na pinangungunahan nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.


Matapos ang ilang buwa nakuha ng TVJ ng copyright ng Eat Bulaga kaya napilitan ang TAPE Inc. na magpalit ng pamagat na Tahanang Pinakamasaya nitong January 2024. Subalit makalipas ang ilang buwan ay tuluyan itong titigil na sa pag-ere sa telebisyon dahil sa mga ulat na patuloy na nalulugi ang nasabing show.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo