Daniel Nagpa-Billboard Para Kay Kathryn! Humihingi Ng Isa Pang Pagkakataon

Miyerkules, Marso 6, 2024

/ by Lovely


 Naging laman ng mga usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang balitang hindi pa sumusuko si Daniel Padilla sa panunuyo niya sa kanyang dating kasintahan na si Kathryn Bernardo.


Usap-usapan ngayon sa social media ang pagpapabillboard umano ni Daniel Padilla ng mensahe para kay Kathryn Bernardo.


Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga post patungkol sa isang billboard sa C5 na pinaghihinalaang pinagawa ni Daniel Padilla para kay Kathryn Bernardo.


Mababasa sa nasabing ang mensahe ng pakiusap ng isang nagpakilalang D, na 'wag na silang maghiwalay.


Buong mensahe na nakasulat na sa billboard, "Wag na tayong mag-break please. Love, D"


Marami ang naghinala na ang 'D' sa billboard ay si Daniel Padilla at para naman kay Kathryn Bernardo ang nasabing mensahe. Isa sa mga dahilan ng ilang mga netizens na maghinalang si Daniel Padilla ang nagpagawa ng billboard ay dahil na-afford umano nito ang pagpapabillboard na alam naman ng lahat milyon ang halaga.


Tumutugma rin umano ang mensahe sa kanila ni Kathryn Bernardo na kamakailan lamang ay naghiwalay subalit tila patuloy pa ring nanunuyo hanggang ngayon.


Matatandaan na bago i-unfollow ni Kathryn Bernardo si Daniel Padilla ay ilan beses ring namataan ang aktor na nakabuntot at tila pilit na kinakausap ang aktres.


Marami naman sa mga KathNiel fans na umaasang magbabalikan ang dalawa ang kinilig sa ginawang hakbang ni Daniel Padilla dahil ipinapakita lamang nito kung gaano niya kamahal pa rin si Kathryn Bernardo.


Samantala, may ilang mga netizens rin ang hindi naniniwalang si Daniel Padilla ang nagpagawa ng nasabing billboard dahil kung ito nga ay gagamitin nito ang kanyang buong pangalann. Iginiit rin nila na maraming 'D' sa Pilipinas na kayang magpabillboeard kung gugustuhin.


May mga nagsasabi naman at nagpapayo kay Daniel Padilla, kung sakaling ito man ang nagpabillboard na pabayaan na lamang si Kathryn Bernardo at magmove on na rin dahil tila wala na siyang epekto ngayon sa aktres.


Sakabilang banda, hanggang ngayon ay hindi pa naman nagpapakilala ang 'D' na nagbigay ng mensahe para sa hindi pinangalanan tao at nakiusap na huwag na silang mag-break.

 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo